Chapter nine

4.8K 87 0
                                    

Natigilan nun sa paglalakad si Tim papuntang restroom nung makita na naman nya ulit si Sam. Hindi pa naman nya ito kilala base kung sa pangalan nito pero malakas ang kutob nya ay kilala nya ang babae at maaaring iyon ang kanyang hinahanap.

'Pero paanong mangyayari yun na isang babaeng waitress sa restaurant na ito ang aking hinahanap? Mukhang magiging masaya to! Interesting!'

Saglit lang sya dun sa restroom para hagilapin nya ulit ang babae sa loob ng function room.

Nakita nyang nandun ito at buong sipag na inaasikaso ang mga bisitang kung ano ano ang hinihingi na para bang hindi sila napapagod sa ginagawa nila.

Lalapitan na nya sana ito kaso biglang dumating na si Abby kaya hindi na nya ito nagawang lapitan.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Want some drinks babe?" Tanung nito habang ipinulupot ang kanyang braso sa braso ni Tim.

Tumango na lang si Tim bilang sagot. Habang nakuha ng inumin si Abby hindi pa din maalis ni Tim ang paningin nya kay Sam.

"Babe, bat ang tahimik mo? Galit ka pa din ba sakin sa ngyari kagabi?"

Hindi na lang kumibo si Tim, at patuloy pa din nyang pinagmamasdan sa malayo si Sam.

"Okay babe, im sorry, sorry sa inasta ko kagabi. Naiinis lang kasi ako eh, ayoko kasi na may ibang babae na dumidikit sayo. Akin ka lang diba? SAKIN?!" talagang pinagdiinan nya pa ang salitang 'SAKIN'

Blangko ang mukha ni Tim nung humarap kay Abby, sa totoo lang, paulit ulit na nya itong naririnig mula kay Abby. Sawa na sya sa ganun.

"Abigail look, I think we need a break."

Nalaglag ang hawak ni Abby na inumin sa sahig at nabasag at baso. Habang pumatak na lang bigla ang mga luha nya.

"Abigail, pagod na ko.. Pagod na pagod na ko...."

Hinila ni Tim si Abby sa may garden para dun sila magkapag usap ng masinsinan tungkol sa kanilang dalawa..

--

"Sammy!"

"Oh Lisa may problema ba?"

"Napapagod na ko! haha! pwede bang mag break man lang kaya kahit mga 5 minutes?" pagmamaktol nitong sabi

"Oo naman wala namang problema dun eh, basta ba wag ka lang papahuli kay boss, kung ayaw mong mag break ng life time break hahaha!"

Sumimangot lang nun si Lisa...

"Ahhh Sammy, naaalala mo ung model kagabi? Ung tinuro ko sayo?"

"Oh bakit?"

"Eh nakita ko lang kasi sila kasama nya ulit ung natapunan mo ng tubig kagabi, girlfriend pala nya un kaya ganun na lang sya kung makaasta na akala mong aagawin mo ung girlfriend nya. Kaso mukhang napaka possessive girlfriend nga lang ni Abigail. Saka mayaman at sikat din pala ung kasama nya Timothy Nicole pala ang pangalan nya, edi diba kilala ang pamilyang Nicole sa lugar natin at kilala din sila na magaling maghandle ng mga negosyo at resort.. basta.. ang galing no? ang yaman nila at ang perfect ng buhay nila, kakainggit.."

"Talaga?"

"Alam mo wala ka talagang kwenta kausap.. Sa--Man--Tha..." nanlaki ang mga mata nya sa gulat at dahan dahan nyang nasambit ang pangalan ni Sam kasi nakita nya na nasa tabi nya na ung boss nila na nakangiti ng ngiting mukhang mangangain na..

Habang si Sam aun at humahagalpak na sa kakatawa sa gilid ng makita nya ang reaction ng mukha ni Lisa.

"Ganun? wala bang kwentang kausap si Sam? Ako Lisa may kwentang kausap. Wanna try?"

"Ah sir si-siguro next tima na lang po? Ka-kasi may bisita pa pala akong aasikasuhin.. saka lilinisin ko po ung nabasag na baso dun.. hehe maiwan na po muna kita sir ha?"

At umalis na si Lisa dun habang binigyan nya ng killer-look si Sam..

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon