Chapter 26

1.3K 26 7
                                    

“Boss ayos ka lang ba?” bungad na tanong ng isang lalaki sa kanya habang may inabot na maliit na panyo dito.

“Oo maliit lang nagalos ito. Paandarin mo na ang sasakyan kailangan umalis na tayo dito mag madali ka.” ani nito.

Kaagad naman sinunod iyon ng lalaking nagda-drive.

“Siya nga anong pangalan mo?”

Hindi ako makasalita ng mga oras na yun. Parang nalunok ko ang sarili kong mga dila.

Nakatitig lang ako sa damit kong natalsikan ng dugo ng lalaking kanyang binaril.

Sa buong buhay ko ito lang unang beses na makasaksi ako ng ganitong bagay.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin simula ngaun. Ayokong makulong. Ayoko!

Paano na lang ang kapatid kong umaasa at naghihintay sa aking pagbabalik?

Maisip ko lang ang mga bagay na pusibleng mangyari, nadudurog na ang puso ko. Nakakapanglambot isipin.

Diyos ko! Ano ba itong napasukan kong gulo?

Ano bang plano ang gusto Nyo saakin?

Inay ko, kung nasaan man kayo sana ako’y iyong gabayan. Kayo na din po ang bahala sa akin mahal na Panginoon.

Naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko sa aking mga mata.

At tuluyan na akong mawalan ng malay.

---

Pagkamulat ng aking mga mata, nasa loob na ako ng kwarto.

Ang sakit ng ulo ko. Kaya napahawak ako dito at muling inalala ang nangyari sakin.

Agad napadako ang aking napatingin kung yun pa din ang suot kong damit. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong suot ko pa din ito.

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman kong maigi ang aking sarili. Wala namang kahit anong masakita sa parte ng katawan ko kundi ang ulo ko lang.

Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwartong ito.

Simple lang ito ngunit elegante at sobrang laki. Halatang may kaya ang nakatira dito.

Napalingon ako sa side table nakita kong 1pm na pala.

Hindi ko napansing ganun na ako katagal na natulog. Almost 13 hours simula kagabi.

Tumayo na ako sa kama at nag lakad patungo sa pintuan.

Palabas na sana ako ng pinto ng may naririnig akong mga yabag at mga taong nag uusap usap sa labas.

Marahan kong idinikit muna ang kaliwang tenga ko para marinig kung ano ang kanilang pinag uusapan.

“Boss paano na ho yan ngaun? Baka ho kumanta yang babaeng isinama ninyo satin?” tanong ng isang lalaki na may kalakihan ang boses.

“Ako na ang bahala sa kanya.” sagot naman ng boss siguro nila.

“Sigurado ba kayo sa iniisip nyo?”

“Can you just please shut up Mark! I don’t need to repeat myself! May bago kang assignment na ibibigay ko, agad mong ayusin at hanapin kung saan galing at anong klase ng pamumuhay ang meron siya. I don’t need to elaborate more. I need that within 12 hours. Now leave!” maotoridad nitong utos.

“Anong bang balak mo sa kanya Lady Ray? Pwede naman nating tapusin na lang ang buhay niya katulad ng lagi nating ginagawa sa mga tao nakaka-witness sa pangyayari na katulad kagabi.” boses naman ng isa pang babae.

“No. She’s mine all alone! Leave it to me. I have a great plan for her. For now ihanda mo ang training field I need it asap.”

“Don’t tell me na personal mong babantayan ang babaeng yan Lady Ra-“ hindi na nito natapos ang sasabihin niya ng bigla kong matabig ang piguring nasa kanan ko lang.

Nabasag ito kung kaya kaagad nilang binuksan ang pintuan kaya tumambad ang dalawang nag gagandahang babae sa harapan ko.

“Hi. You’re awake. So how’s your sleep my dear?” agad na tanong naman nung babaeng niligtas ko kagabi.

Siguro ito yung tinatawag nilang Lady Ray. Matangkad ito, sa tantiya ko nasa 5’10 ang taas niya. Maganda, balingkinitan ang katawan. Samantalang nasa 5’8 naman ang kasama niyang babae. Halos mag kapareho lang sila. Para silang mga modelo sa isang sikat na magazine.

“How long have you been there?!” mataray at nakakatakot na tanong ng kasama nito.

“Go now Jei. Ayusin mo na ang ipinag utos ko sayo. At iutos mong ihanda na din ang hapag kainan.” ani nito at pinagtulakan na niya palabas ang babaeng kasama.

Magpo-protesta pa sana ito ngunit kaagad nitong isinara ang pintuan.

Tanging kaming dalawa na lang nung Lady Ray ang natira sa kwartong ito.

“So,” naupo siya sa upuang nasa harap ko at huminga muna siyang malamin bago muling nag salita. “The way you look at me right now, I can clearly tell kung gaano ka katakot ngayon. Maupo ka muna. Huwag kang mag alala. Wala akong balak na gawan ka ng masama.” saad nito sabay ng cross arm.

“Paki usap, kailangan ko ng umalis. Pangakong ititikom ko ang bibig ko at walang sasabihin na kahit ano sa mga otoridad-“ mahinahon kong pakiusap ngunit hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

“Not so fast my dear.”

“A-anong ibig mong sabihin?”

“I like the way you did last night. Where did you get courage to do that?”

“Hindi ko alam. Kailangan ko na talaga umalis. Salamat sa pag papatuloy niyo sakin.”

“I’d like to make a deal with you but-“

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin ng may lalaking pumasok na lang bigla sa kwartong iyon at agad na lumapit sa babaeng kausap ko.

Halata sa mukha nito ang na may napaka halaga itong sasabihin.

“Where’s your manners Travis? Hindi mo ba nakikita na meron akong kausap ngayon na napakahalaga para sakin?”

“Ipag paumanhin niyo ho Lady Ray ang aking ginawang pag pasok ng walang permiso. Pero meron lang talaga akong bad news na kailangang iparating ko sa inyo.” hihingal hingal nitong sabi sabay yuko bilang pag galang nito.

Ganun na ba talaga kataas o kagalang ang Lady Ray na tinatawag nilang ito?

Ngunit isa itong criminal kung titignan ko dahil sa nangyari kagabi.

Nakaramdam tuloy ako ng matinding kaba sa mga nangyayaring ito ngayon.

“Spill it out. Make sure na may sense ang sasabihin mo yan. Huwag mong sayangin ang oras ko sa walang saysay na bagay dahil alam mo na kung ano ang magiging kapalit niyan.” ramdam ko na hindi lang basta basta ang bawat mga salitang binibigkas niya. Para bang huwag kang loloko loko kase ano mang oras kaya ka niyang patayin sa paraang alam niya.

“Alam ko ho iyon Lady Ray. Nag punta si Drackorn sa lugar kung saan kayo huling natagpuan kagabi. Ngayon habang nag iimbestiga ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan, naamoy ng isa sa mga tao ng Swayer na isa sa lihim nating samahan si Drackorn. Huli na ang lahat para makatakas siya kase nadulas siya. May bagay siyang nasabi tungkol sayo Lady Ray-“

“What the hell are you saying?”

“Paumanhin ho Lady Ray pero parang kumanta na si Drackorn tungkol sa-“

At hindi ko inaasahan ang aking mga nakita. Nang laki ang mga mata ko ng bigla niyang sinakal ang lalaking kanina’y nakaluhod sa harapan niya habang nag sasalita.

Halos habol hiningang binitawan nya ang lalaki.

Buong akala ko papatayin niya ang lalaking ito.

Kitang kita ko kung paano manula sag alit ang mukha niya.

Unti unti akong napa-atras hanggang sa natisod ako dahilan kung kaya napaupo ako sa sahig.

Nasaktan ako sa pagkakabagsak ko sa sahig.

Takot ang pumalibot sa buong katawan ko ngayon.

“You know what to do. Kunin mong lahat ang bagay na meron si Drackorn lalo ang pamilya niya. Alam mo na kung anong gagawin sa mga ito. Umalis ka na ngayon din sa harapan ko.”

“Masusunod Lady Ray.” pag kasabi nya nun kumaripas na siya ng takbo palabas ng kwartong ito.

Ako eto at hindi pa din makatayo sa kinauupuan ko.

Inilahad nung Lady Ray ang kamay niya sa harapan ko. Tinulungan niya akong tumayo. Nanginginig akong kinuha ang kamay niya.

“Huwag kang mag alala katulad ng sabi ko sayo kanina hindi kita gagawan ng kahit ano. Sa isang kundisyon.”

“Anong kundisyon ang gusto mong mangyari ngayon?”

“Gusto ko kung anong ugali ang meron ka. Napaka tapang ng ipinakita mo sakin. Alam kong takot ang nararamdaman mo sa sandaling ito, pero ayan nananatiling malakas at matapang ang ipinakikita mo sakin. Ganyang bagay ang gusto ko sa mga tao ko. I want you to be one of my agent.”

Hindi ako kaagad nakapag salita.

May biglang kumatok sa pintuan at iniluwa nito ang babaeng kanina lang na kasama niya. Kung hindi ako nag kakamali ito yung si Jei na tinawag niya.

“Lady Ray phone call galing kay Mark. Saka naka handa na din lahat ng pinag utos mo.”

“Good. Now I need you to bring her in the kitchen. Bihisan at ayusan mo siya kailangan ko siya after 1 hour.”
“Masusunod lady Ray.”

-

Simula ng araw na ito, dito na nabago ang buhay ko.

Si Lady Ray ang tumayong magulang ko at ang mga tao sa aming samahan.

Personal akong tinuruan ni Lady Ray ng lahat ng bagay sa pakikipag laban.

Naging paborito din ako nitong tauhan sa ganda na din ng mga bagay na nagawa ko.

Kalahating taon ang naging training ko para matutunan ang lahat ng bagay. Simula sa self-defense, sa pag hawak ng anumang armas at sa iba pa. Inabot din ako ng 5 buwan para isabak sa bakbakan.

Ang tanging trabaho ko lang ang back apan ang mga taong kasama ko sa Krimen.

Lagi akong tumatanggi lalo kapag kung sa assignment na ibinibigay samin ay may papatayin.

Oo illegal ang samahan na kinasangkutan ko ngayon. Pero wala akong magagawa kase dahil dito naigapang ko sa pag aaral ang aking kapatid at gumanda ang aming buhay. nasuportahan ko ang mga bagay na kailangan niya.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon