Chapter thirteen

4.5K 83 0
                                    

Nagising na lang si Tim sa ingay ng kanyang alarm clock. Pag tingin nya dito ay 5:30 pa lang. Kaya nagmuni-muni muna sya bago kumilos.

Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay nagmadali na syang pumunta sa parking lot para kunin ang kotse nya upang magmanman na naman kay Sam.

Mabilis naman syang nakapunta sa lugar na yon kasi wala gaanong traffic pa nun.

Ipinark nya ang kotse sa di kalayuan. At duon sya ay nakamasid na sa apartment ni Sam. Ilang saglit pa ay may naaninagan na syang lumalabas sa apartment na iyon. Isang babae naka-puting uniporme ang lumabas na sa gate, naisip ni Tim na marahil ssiguro ay kapatid iyon ni Sam kasi medyo kamukha nya ito.

Maya maya pa ay si Sam na din mismo ang natatanaw nyang lumabas dito. Simpleng maong na short at puting t-shirt lang ang suot nito. Pumara na ito ng jeep at sumakay na..

Sinundan nya ulit ito. Sa palengke lang pala ito pupunta. Hindi pa din nya inaalis ang kanyang paningin kay Sam.

Maya maya ng matapos na itong mamili ay pumunta na ulit ito sa sakayan ng jeep, at sumakay na.

Matapos ang nakakaagod na pag buntot nito kay Sam, wala syang nakuhang anumang kakaibang impormasyon maliban sa parang normal lang talaga ang pamumuhay nito at walang kakaiba.

‘Pero kailangan ko paring mag-imbestiga tungkol sakanya. Saka hindi lang naman ito ung araw na pwede syang umalis ng bahay ah!’ usal nya sa sarili.

---

Nang makabalik na ng bahay si Sam agad syang sumilip sa siwang ng venetian blind  ng kanilang bintana. Napabuntong hininga sya ng malalim ng makita nya pa rin na sa dikalayuan eh nandun na naman ang itim na kotseng kagabi pa nya nakikitang sumusunod sa kanya mula nung nasa restaurant pa sya.

Pinagsawalang bahala na lang nya ang bagay na iyon. Buong maghapon syang hindi lumabas ng bahay, day off lang nya kasi ngaun, kaya mas naisipan nyang matulog na lang buong araw kesa naman sa maglaboy laboy sya.

Kinaumagahan..

Maaga syang gumising kahit na medyo aantok antok pa sya ay bumangon na sya para ipagluto ng almusal si Thea.

Bago bumaba ay muli syang sumilip sa binta nila, nakita naman nya ngaun na pulang kotse naman ang nakaparada sa pwestong katulad nung pinagparadahan din ng itim na kotse kahapon.

‘Sino naman kaya ang sira ulong yon? Kahapon pinalampas ko na lang ung sumusunod sakin tapos ngaun meron pa rin? At talagang mukhang binabantayan pa ko! Hmm! Kelangan ko na lang mag-ingat sa bawat kilos ko ngaun. Baka may makaalam ng totoo kong pagkatao. Mahirap na!’ usal nito sa sarili.

Pagkatapos nyang magluto ng almusal nila ni Thea ay sabay na silang kumain. Tinulungan naman sya ng kapatid sa pagligpit ng mga plato. Pagkatapos nun ay naligo na si Sam at nag ayos ng sarili at papasok na sya sa trabaho.

Kaswal/normal lang ang pagkilos ni Sam ngaun. Kunyari hindi nya nahahalatang may sumusunod sa kanya. Bago pumasok sa trabaho, dumaan muna sya sa simbahan para magdasal saglit.

Matapos makapagdasal lumabas na sya ng simbahan, at pasimpleng hinagila ng kanyang mga mata ang sasakyan ng sumusunod sa kanya.

‘Kung sino ka man, magsasawa ka rin nang kakasunod ng kakasunod sakin. Wala kang mapapala at wala kang anumang impormasyong makukuha saakin!’ muling usal nito sa sarili.

---

“Ano ba yan... ang dami na namang costumer!” pagrereklamong sabi na naman ni Lisa kay Sam. “Nung isang araw lang ganito din eh! Patang pata na ang katawan ko.. maaga akong tatanda nito eh..”

“Alam mo puro ka reklamo! Wala na kong ibang narinig sayo kundi reklamo. Wag ka na lang ngang maingay jan, mag serve ka na lang. Saka may tip naman tayong natatanggap sa kanila eh.” sabi nito na halos hindi mo mababakas sa kanya ang pagod. “Saka mukha ka namang matanda na matagal na kaya tigilan mo na ang pag harap sa salamin para hindi mo makita yan! Ahahaha.” Pagpapatuloy nitong pang-aasar na sabi.

“Alam mo ang sama talaga ng ugali mo din eh no?!” nakasimangot na sabi ni Lisa. “Saka iba pa din kasi ung nakakapagpahinga tayo ng matagal tagal no!”

“Hala! Gusto mo na palang magpahinga ng matagal tagal eh haha! tatawag naba ko ng Samson papasundo naba kita? Ahahahah”

“Bwiset! Ang aga aga mo na namang mamilosopo ha!”

“Samantha! May naghahanap sayo.” Sabi ng boss nila nung makita sya.

“Ha? Sino naman?” napakunot noong tanong nito. Bigla syang nakaramdam ng kung anong kaba.

“Ah, un nandun sa VIP room, nire-request nyang ikaw na lang ang mag serve sa kanya kasi dahil daw kabisado mo na ung order nya.”

“Ha?” napaisip si Sam, hindi naman kasi sya ung nakatokang magse-serve sa VIP room dun sa restaurant na iyon, at iniisip nya kung sino naman ung taong tinutukoy ng boss nila. Maraming costumer na syang nakasalamuha pero ni-isa sa mga iyon ay never pa nyang nakabisado ang order ng mga ito.

“Sige na, lakad na puntahan mo na un dun at baka mainip.” Sabay alis naman na ng boss nila..

“Akala ko pagagalitan na naman ako eh haha! osya lakad na puntahan mo na un dun baka malaki magbigay ng tip un .” ani ni Lisa.

Nagtatakang pumunta na din naman si Sam sa VIP room habang may kaba parin syang nararamdaman.

Nang malapit na sya sa pinto ay mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib nya na parang may mga dagang nagtatakbuhan dito. Bago pumasok ay kumatok muna si Sam.

“Come in.”

At mas lalo pang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib nya na kulang na lang iluwa nya na ito nung marinig nya kung kaninong tinig iyon nanggaling.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon