Chapter twelve

4.5K 83 0
                                    

Sa sumunod na araw, muling bumalik si Tim sa restaurant na iyon. Hindi lang upang mag manman sa babaeng kanyang pinaghihinilaan kundi para ito’y makita rin nya. Pakiramdam ni Tim sa twing nakikita nya ang babae, nawawala ang lahat ng problema nya at mukhang humahanga na sya sa aking kagandahan nito.

“Oh saan mo na naman dadalhin yan? Pangalawa na atang alak yan dala mo ah?” nakangangang tanung ni Lisa.

Nginusong tinuro naman ni Sam ang kinalalagyan na pwesto ni Tim.

“Wag mong sabihing sa kanya ulit yan? Kaloka ha!”

“Oo sakanya to order nya. Osige ihahatid ko na to dun baka makita na naman tayo ni boss.”

“Ma’am, here’s your order.” Magalang nyang sabi ng makalapit sa pwesto ni Tim.

“Thank you.” Nakangiti nitong sabi ng maiabot na sa kanya ang order.

Sa muling pagkakataon, nagtama ulit ang kanilang paningin. Para bang naguusap ang kanilang mga mata habang nakatitig sa isa’t isa. Hanggang sa pinutol naman ito ni Sam.

“A—ah may iba pa po ba kayong kailangan?” nabubulol nitong sabi at ibinaling sa iba ang tingin.

“Ah wala na, okay na ito.” Sabay kuha ng alak na nasa harapan nya.

“Kung ganun ma’am ay babalik na po ako sa loob at—” hindi pa man natatapos ni Sam ang sinasabi ay bigla na lang nagtanong si Tim.

“Pwede bang malaman ang pangalan mo?” sereyoso nitong tanung ngunit nakangiti.

“Po?” halatang nagulat si Sam sa tanung nito.

“Saka pwede ban a wag mo na akong pinopo? At wag mo na din akong tawagin na ma’am? Nakakailang kasi, and i know naman na its part of your job pero please wag na lang?”

“K-kasi po—” nauutal netong sabi

“Anyway, just call me Tim.” Sabay lahad neto ng kamay niya sa harapan ni Sam.

“Ha?” gulat na tanung nito. Nagdadalawang isip sya kung makikipag shake hands ba sya dito o hindi. Pero may parte ng utak nya na nagsasabing ‘Samantha pagkakataon mo na to! Wag tatanga tanga! Wag mo ng pakawalan pa!’

“Please? Huwag kang mag-alala hindi naman ako masamang tao. Gusto ko lang makipag kaibigan.”

“Ahh ga-ganon ba?”

“Oo ganun na nga. So please?”

Napabuntong hininga na lang si Sam at tinanggap na nya ang alok nitong shake hands. Saisip isip ni Sam

‘Mukha naman talagang mabait ka eh, saka ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong maakit na lang sa kanya. Lalo na pag nagtatama na aming mga mata, na para bang nangungusap ang mga ito..’

“aahh.. I’m Samantha Copon.” Sa huli ay nasunod ang pa din ang parte sa utak nyang nag tutulak na makipag kilala sya dito.

“Samantha..” habang sinasabi ito ni Tim, pinisil pisil nya ang kamay ni Sam XD “What a cute name, bagay sayo.” Pagpapatuloy nyang sabi.

“Salamat.” Pero ang gusto talgang sabihin nya ay ‘baka naman pwedeng paki bitawan na ang kamay ko?’ wala lang syang lakas ng loob na sabihin ito. At ito lang ang unang bes nyang makipag usap sa mga costumer nila sa restaurant na iyon, karamihan kasi sa mga nagtatangkang kumausap o makipag kilala sa kanya ay kanyang tinatarayan at hindi gaanong pinapansin. At kung minsan sinasagot nya ang mga ito ng ‘Sir ang trabaho ko ho dito ay mag silbe, hindi ho kasama sa sweldo ko ang makipag kilala.’

“Well im glad that you trusted me your name.” Saad nya habang ngumiti ng pagkatamis tamis na ngiti.

Pagkasabi nya nun ay binitawan na nya ang kamay ni Sam.

“Ah, okay lang yun, pangalan lang naman eh. S-sige, babalik na ko dun baka makita ako ng boss namin eh.”

Agad ng tumalikod si Sam dito matapos nyang sabihin ito. Malalaki ang ginawa nyang mga hakbang. Saka nya naisip na ang tanga tanga nya, pangalan lang naman ang hiningi ni Tim pero ang ibinigay nya buong pangalan pa nya!

‘Shit! Ang tanga tanga ko talaga! Aaaaaaaaah!!’ usal nito sa sarili habang tinatampal ang mukha.

“Nu ngyari sayo jan? Kakatakot ka namang mapagod!” asar ni Lisa ng maabutan nyang ginagawa ni Sam iyon sa sarili nya..

“Wala! Halikana nga! Ausin mo na sarili mo! Ng makauwi tayo ng maaga..”

---

Tahimik lang sa loob ng kanyang kotse si Tim na nagmamasid sa labas ng pintuan ng restaurant na un, alam nyang dito kasi ang labasan ng mga empleyado dun kapag time na ng out ng mga ito.

‘Tagal naman!! Konting tiis pa Timmy! Kailangan ko lang talagang malaman kung saan ito umuuwi at kung anong klaseng buhay meron ito! At higit sa lahat kung tama talaga ang kutob ko na kung sya nga ung hinahanap ko!’

Yan ang mga nasa isip ni Tim sa ngaun pero, hindi nya din maikukubli na may bahagi sa isip nya na may isa pang dahilan kung bakit sya nag aabang dun.. gusto nya ulit itong makita kahit na saglit lang..

Mga ilang sandali pa ay natatanaw na nyang naglalabasan na ang mga waitress at waiter dun.

Napaunat ng upo si Tim at agad nyang inistart ang kotse.

Ilang sandal pa ay nakabuntot na sya sa jeep na sinasakyan ni Sam at ni Lisa.

Sa isip ni Tim naglalaro pa rin dito na baka nga hindi talaga si Sam ang babaeng na-encounter nya dun at baka hakawig lang nito, pero nagpatuloy pa rin sya sa pag sunod dito..

Naunang bumababa na ang babaeng kasama nito.

Makalampas naman ng ilang kanto lang ay sunod na din itong bumaba. At pumasok na ito sa isang maliit na gate na kahilera naman ng maliliit na apartment.

‘So dun pala sya sa unit na un nakatira.. sino naman kaya ang kasama nya dun?’

Isinulat nya ang mga ilang inpormasyong nakuha nya sa maliit na notebook na nasaharapan nya.

Saglit nya pang pinanunuod lang ang ginagawa nito. Wala naman syang nakikitang kakaibang nangyayari maliban sa pinagbuksan sya ng pintuan ng babae. Mukhang kapatid nya lang ata un. At pumasok na ito sa loob.

‘Mukhang kamukha nga lang ata talaga sya ng babaing yon. Mukhang napakasimple lang kasi ng kanyang pamumuhay eh. Saka maliit at mukhang lumain pa ang bahay na un.’

Naguguluhan pa rin si Tim at madaming gumugulo sa isipan nya ng makauwi na sa sariling condo.

Nahiga sya sa kanyang kama at muling sinasariwa sa kanyang alaala ang lahat ng kaganapang ngyari nung gabing nakasagupan nya ang misteryosong babae.

‘Mahahanap din  kita.. kung hindi sa ngaun.. marahil sa susunod na araw makikita kitang muli....’

At nakatulugan na lang nya ang pagiisip na yon. 

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now