Chapter ten

5K 85 0
                                    

Sa malayo malayang nakikita lahat ni Sam ang nangyari kena Tim at Abby. Narinig din nya ang ilan sa mga pinagusapan nila..

Natulala lang sya sa angking kagandahan ni Tim, mayamaya may biglang nang batok na lang sa kanyang likuran.

 

“Hoy! Sira ulo ka din talaga noh! Pano napunta si boss dun sa tabi ko eh kanina lang ikaw ung nandon?!” inusenteng tanung ni Lisa habang nakapamewang pa.

Humagalpak muna ng tawa si Sam bago ito nag salita.


“Malamang naglakad sya papunta dun! Alangan namang gumapang yun!” halos mapaluha na sa kakatawa nyang sagot kay Lisa habang hawak hawak pa nito ang kanyang tyan.

“Tado! Alam ko naman na naglalakad pa sya no! Hindi pa naman yun lumpo haha.” Pangbabara din nyang sagot.


Inayos ni Sam ang sarili at nag pipigil ng tawa nung naaninag nya na papalapit ung boss nila sa kanila.


“Pano kung naririnig ka nya ngaun? Ano na gagawin mo?”


“Edi lalakihan ko din sya ng mata katulad nung ginawa nya sakin habang naka poker face pa! Hmp kaya ko din naman un no!”
saad nya habang nag cross arm pa at dinemo pa.

Ang hindi nito alam eh kanina pang nasa likod nya ang kanilang boss at siya’y sinusundan nito saan man mapunta.


“Eh pano kung nakikita ka niya? Ano gagawin mo?” loko nyang tanung habang nakatingin sa kanyang boss sa likod ni Lisa.


“Malamang makikita nya ko kasi may mata pa naman sya no!” pilosopo pa nyang sagot. “Eh saka lagi na lang naman na ako ang nakikita nun eh! Trip na trip ako nung sitain lagi!”


“Eh panu naman kung naririnig nya ang mga sinasabi mong yan ngaun sakanya?”

“Ano ba yang mga pinagtatatanung mo ha? Malamang ulit maririnig nya kasi hindi pa naman sya bingi no! Lalo na pag boses ko na naririnig non kala mong inuusukan, ora-orada pinupuntahan ako para sitain lagi!”


“Ahh ganun ba? Pano ba yan una na muna ko ha, para kasing mukhang may kelangan pa ung isang bisita dun sa garden eh.”
Sabay baling naman nyang tingin sa boss nila sa likod ni Lisa, binigyan kasi neto sya ng senyas na ‘Go!’ “YES boss!”


“Yes boss ka jan?!”

“Hi boss una na ko”

Halos malaglag ang panga ni Lisa ng narinig nyang nag Hi ito sa boss nila na nasa likod lang pala niya kanina pa..


---

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon