Mae: Jealousy Stinks

4.3K 126 9
                                    

Disclaimer: this is what reeled in my mind that resulted to this.

Ako: I'm writing your special chapter now, so shut up.

Sien: Alright. With steamy scenes ba?

Ako: Asa

Sien: Drian has one! No... I think he has two! Bakit ako wala? Favoritism. Tss

Ako: oh my gosh! Okay, okay!!!

so... yeah... *hides under my shell*

---

1

Mae: Jealousy Stinks

"So..." I popped my lips. There's an awkward air between Sien and me. Naglalakad lakad kami pagkatapos niya akong hintayin kumain.

Panooring kumain.

"Yeah?" nakangiti niyang tanong, nangangalo pa ang mga mata niya. Kulang na lang ay labasan iyon ng pusong emoji!

"Stop it, Sien!" hiyaw ko. Pinanlakihan ko siya ng mata. Sobrang naiilang na ako. Kahit gutom na gutom ako ay hindi ko naubos ang pagkain ko kasi nakatitig lang siya buong oras!

Sinubukan niyang hawakan ang siko ko noong binilisan ko ang paglalakad. I abruptly pulled my arms away. Humalakhak siya at nagmadali sa tabi ko.

"That's it, Mae. I like my girl feisty," bulong niya.

Siniko ko ang tiyan niya. Ang hindi ko lang kasi talaga maintindihan ay kung bakit ngayon pa kailangang maging under maintenance ng elevators! Hindi naman daw sira pero may kailangang ayusin, so it meant all of the elevators in the hotel. Naghagdan tuloy kami.

Kinukulit pa rin ako ni Sien at wala akong magawa kundi ang umirap. Nahihilo na nga ako dahil para siyang kiti kiti!

Pagkaliko namin sa isang hallway ay nakita kami noong mga babaeng ipis. Dito rin sila nag-hotel? Why in the world?

Nasa kalagitnaan ng pag banat ng joke si Sien nang makita niya rin iyong mga babae. Hindi na niya itinuloy dahil umayos siya ng tayo. His Popular Sien public face suddenly dived into the scene.

Napatingin ako sa kanya. My eyes narrowed, it even twitched.

"Sien..."

Nagliwanag iyong mukha ng babae. Nasa tapat siya ng nakabukas na pinto ng isang suite. Hinihila na niya ang kanyang maleta habang palapit sa amin. Sa likod niya ay nakasilip na iyong mga ipis supporters. Ang dami na nila!

"Hey, Celle!" masayang bati nitong lalaking parang kanina lang ay baliw na baliw sa akin, tapos ngayon ay nagpapabibo na kaagad sa ibang babae! Okay, breathe, Mae!

"Nag bukas ka na ba ng Facebook? I messaged you there kasi," nahihiyang sabi nitong Celle.

Lumapit si Sien sa kanya so that I'd be behind him. What? Just... what? Hindi ako makapaniwala! Nanliit ang mata ko at sinilip iyong babae. Nahihiya siya pero pinipilit pa rin niya, sothat means makapal pa rin ang mukha niya! Right? Right? 

I badly need someone to agree with me!

"Oh, my phone's drained," humalakhak pa siya. Talaga lang ha. Ginamit mo pa kaya iyon kanina para picturan ako habang kumakain! "Wait... are you going down? All elevators are under maintenance."

Napalingon iyong si Celle sa mga kaibigan niya. Ang mga ipis naman ay kilig na kilig pa rin. They're even gesturing like they wanted to motivate their friend to do something.

Dapat talaga naglalakad na ako paalis dito, e. But I still wanted to see what's Sien going to do. Gustong gusto niya ito, e. Palibhasa kasi hindi niya ako mapapabaliw sa kanya ng ganyan kaya humahanap sa iba. Tss!

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now