Chapter 3

3.6K 131 5
                                    

Chapter 3
Change

"Mama, I want to go to the gym. Sasama po ako sa inyo ng mga Amiga mo," I said out of the blue.

Sandaling napatigil si Mama sa pag wisik ng tubig sa kanyang mga halaman. May ngiting sumilay sa labi niya, marahil ay iniisip na nagbibiro lang ako. I couldn't blame her either. I was always indecisive about going to the gym.

"No, Ma! Serious na po ako ngayon. I want to lose this..."

Ipinarada ko pa ang aking sarili sa likuran niya. Hindi matinag si Mama sa kanyang pagaalaga sa mga halaman. Pinanood ko muna siyang tapusin ang kanyang ginagawa bago ako binigyang pansin.

"Bakit? Project niyo ba iyan sa school?" biro ni Mama.

"Hindi po! I just really really want to."

Habang tinatawanan ako ni Mama na busy sa pagttype sa kanyang cellphone ay napaisip muli ako. Why did I even want this? It should be easy to say that it's for myself, right? But no, it's some sort of fuckery, really.

Noong nagsasayaw kami ay napatingin na lang ako bigla kay Ten, I noticed how cute and how tiny she was. I know wanting to have her physique would seem desperate and hopeless, but that's just how I felt. No matter how many times I convinced myself that I love the way I am... my decision would always boil down to lose my weight and be normal. Not that I don't look normal.

"I don't know how she does it but she always look beautiful. She isn't trying, partida!" kumento ni Sien habang nanonood kami sa pag ensayo ng mga kaklase namin ng sayaw.

Nasa room lang kami dahil ibang year naman ang nasa quadrangle ngayon. Nakaupo kami sa likod ng room. Kanina pa ako tumigil dahil alam ko na naman ang mga steps at pagod na rin ako. It's unfortunate I wasn't blessed with a slim body.

"Alam kong maganda ang kaibigan ko, Sien." Ito lamang ang tangi kong naisagot.

Nagtatawanan ang mga kaibigan ko habang nilalaro na lamang nila ang sayaw. Marahil ay pagod na rin ang mga ito ngunit gusto pa ring magkatuwaan. Malakas ang sounds sa room dahil wala namang nagkaklase ngayong araw. Lahat ay nagsasayawan sa kani kanilang rooms dahil bukas na ang kumpetisyon.

"Tell me something I don't know, Mae!" Tumawa siya at uminom ng tubig. "Tell you what, gagawa na ako ng move. I won't settle with just watching her from afar. Nagsasawa na ako dahil lagi na lang ganito. I want her close."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung paano tumingin si Sien sa kaibigan kong si Ten. Iba ang kanyang pag kurap, halos hindi na niya gustuhing pumikit na para bang sa isang iglap ay mawawala ang kaibigan ko.

Napainom ako ng tubig, halos maubos ko na ang isang litro kung hindi pa ako tatawagin ni Sien. I couldn't talk. Baka kung ano pa ang masabi ko kung ibubuka ko ang bibig ko.

"Tulungan mo ako bukas. Aamin na ulit ako sa kanya. Just after our performance, I really will do it!" He's confident and full of determination.

Tumayo ako at hinarap siya. Nag taas ako ng isang kilay tulad ng lagi kong ibinibigay sa kanya when he's not making any sense.

"Hate to break it to you, best friend, but I don't think you stand a chance anymore. She's technically with Jixen now. What do you think she'll say tomorrow when you perform your final act?"

I could tell he was taken aback. Napaawang nang kaunti ang kanyang bibig habang ang mata niya ay bahagyang nanlaki. But he quickly recovered. This time, he looked even more confident.

"Then that won't be the final act yet. Come on, Mae! Bakit ba ang negative mo? Best friend kita, I should at least have you on my side."

"I'm in between, Sien. I support you but I also don't want to ruin a relationship. I'm not that kind of girl."

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now