Chapter 7

3.1K 104 2
                                    

Chapter 7
Maghahanap

"I'll start tomorrow, Ate Kayla," determinado kong sabi. I have two left foot right now and I'm fairly alright, but imagine what I could do with both being right.

"Great! Anong time? Same pa rin?"

Nagisip ako sandali. Wala naman akong gagawin other than gym training. Ngunit iche check ko pa pala muna kung nandoon pa rin iyong instructor ko. He once mentioned that he's leaving the town for summer vacation, but I don't know, I still haven't verified it yet.

"Yep! But if I could go earlier I will."

"Mas great!" Ngiting ngiting sagot ni Ate Kayla.

Siya nga ang naghatid sa akin sa aming bahay. Nag alok pa siya ng ride para bukas pero tinanggihan ko. Pupwede naman akong magpahatid o kaya'y mag commute papunta roon. Masyado silang nagiging giving ni Tita Luz at ayokong pagsamantalahan ito.

Nang mag online ako ay kanya kanya nang plano ang mga kaibigan ko para sa vacation. I'm still fixed with what I have in mind though. Kahit masaya ring mag beach at magswimming ay pipiliin kong mag train muna at subukan ang dance lesson na inalok sa akin ni Ate Kayla. Maiba naman, kumbaga.

"Mae! Nasa baba raw si Sien sabi ng kapatid mo." Dumungaw si Mama sa aking pinto para sabihan ako.

What! Why?

"Sige po, baba na po ako," napilitan kong sagot.

Nagaayos pa lang ako para magpunta sa gym. Wala sana akong balak magmadali pero dahil may asungot akong bisita ay natapos ako pagkalipas ng limang minuto. Prenteng prente ang pagkakaupo ni Sien nang datnan ko siya sa baba. Kausap niya sina Mama na ngayo'y natatawa sa sinasabi ng bakulaw kong kaibigan.

"Oh Mae, sasamahan ka pala ni Sien ngayon sa gym. Balak yatang maghubog ng muscles," biro ni Mama kay Sien. May paghawak pa siyang nalaman sa balikat ni Sien habang tumatawa. Si Mama, hokagurl!

"Tita, may abs at muscles na po ako. Kaya nga po ako naging crush niyang si Mae eh," pag tuloy naman ni Sien sa biro ni Mama.

"What the f?" I mouthed at Sien while I widened my eyes at him.

Tumawa lalo siya at pumunta sa tabi ko para akbayan ako, "Sige po, Tita. Aalis na po kami. Ako na rin po ang maguuwi sa kanya... dito."

Sinikuhan ko siya nang matindi pero parang hindi naman siya nasaktan. Manhid talaga ang bakulaw.

"Ano na namang pakulo mo? Paano mo ako ihahatid? Ano, ipapasan mo ako?"

Napatigil siya sa paglalakad at tsaka ako minatahan mula ulo hanggang paa. In a slow frickin' motion pa anghanep!

"Pwede naman, sexy ka na eh," ngumisi siya at kinagat pa ang labi.

"Hayup!"

"Biro lang!" Humalakhak siya, "Kasama ko ang driver namin. Magji gym na rin ako."

"'Wag ka doon sa gym ko!"

"Iyo ba 'yon, Mae? Iyo?" Inilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin. Napatitig ako sandali. Ang bango niya ngayon. Nagpabango ba ito ngayon?

"What? Ang gwapo talaga ng best friend mo, diba?" Ngumisi siya. Aba't! Nasapak ko nga!

Hindi siya nagpatalo sa akin. Talagang sa gym ko siya tumungo. Nakakaasar pa at noong nagsimula akong mag stretching ay nambu bwisit pa rin siya. Pakiramdam ko nga ay iyong bibig ko ang nastretch sa ingay ng bakulaw na 'to!

"Ang bango ng pawis ko, best friend. Gusto mong gawing perfume?"

"Manahimik ka dyan, Sien!"

"Pwede mo rin namang ibenta. I'm sure makakaipon ka na ng pang tuition mo if you sell," tawang tawa niyang sabi.

Friendshipidity (Chase #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon