Chapter 13

3K 103 1
                                    

Chapter 13
Parting

Maaga pa ay nagising ako dahil sa naramdaman kong presensya sa kwarto. Binato ko kaagad ng unan ang taong naghahalungkat sa drawer ko at sumigaw.

"Ate! Ako lang 'to!" sabi ni Ji.

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga nang malalim. Mabilis na bumalik ang pagkaantok ko dahil napaka aga pa.

"Ano na namang kailangan mo?"

"Pahiram ng charger. Nasira 'yung akin."

"Ang aga aga, Ji! Nakakaasar!" Nagtalukbong ako ng kumot at natulog ulit.

May sinabi pa siyang kung ano kasabay ang malakas na tawa ngunit hindi ko na pinansin. Kailangan kong magpahinga dahil puyat ako, madaling araw na ako nakatulog at hindi maganda 'to dahil paniguradong puyatan ang magaganap mamaya.

Busy ang lahat ngayong araw dahil sa magaganap na Graduation Ball mamayang gabi. Wala akong makausap nang matino para magtanong kung paano ba maglagay ng make up.

"Bakit ka ba sa akin nagtatanong? Mukha ba akong marunong, Mae?" sagot ni Jesca mula sa kabilang linya. Bakas sa boses niya ang pagkataranta.

"Hindi ko alam! Pupunta na lang siguro ako ng naka-powder lang."

"Why, Mae? Alam kong simplicity is beauty pero heller naman diba? Mama, ayoko na!" She cried over the line. "Sige na, ba-bye. But if I'm gonna be giving you an advice, it'll be not to rely on your mother for make-ups."

Ibinaba niya ang tawag. Now I am left with ironically silence and panic. Binuksan ko ang face powder na matagal ko ng hindi nagagamit at nagsimulang maglagay sa mukha. This should do it, right? Huhulas din naman ang make up dahil sa pawis so I'm not going to bother myself knowing how to put it on.

Pumasok si Mama sa kwarto ko. Ang excited niyang aura ay nabawasan nang makita niya ang ginagawa ko.

"Mae, nasa baba na iyong make-up artist. Wear something loose para madali kang makapagbihis mamaya."

Alas tres nang tumingin ako sa orasan. Hindi ako nagsayang ng oras para tumunganga at nagpalit na ako ng pantaas. Hindi na rin ako nakaangal sa kung anong ayos ang ginawa sa akin ng make up artist. Hindi naman ako nabigo nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

"Manang mana talaga sa akin," pagmamalaki pa ni Mama.

"Mama, wala na po tayong oras. You basically gave me neck and back pain for three hours of preparing. Partida, hindi pa ito kasal, ah!"

"Anak, hindi naman tayo nakasisigurado kung maikakasal ka, hindi ba? Mabuti nang maranasan mo ang ganito minsan sa buhay mo."

"And that folks is how a mother wins an award." Tinawanan lang ako ni Mama.

"I know a perfect candidate for your husband," panimula niya.

Oh, not now Mama! Don't say Sien. Don't say Sien!

"No, you don't, Mama."

"Si Sien."

Nope.

Manunuod si Mama at si Ji ng cotillion, aalis na rin pagkatapos. Nagbabatian ang lahat nang makarating ako sa venue. Hindi maikakaila na maganda ang gabing ito para magsaya at kalimutan muna ang lahat.

The girls were all smiles and the guys were full of laughter. I can't believe we are all going to leave this behind anytime soon. High School really is the best, in spite of the troubles, silliness and heartaches. And I would trade anything to experience every bit of this once more.

"Mae! Picture!" Hinigit ako ni Celeinne para sa photo op kasama ang mga kaklase naming babae. Hindi ako nagkamali, marami sa kanila ang nakasuot ng kulay Pink na dress. All beautiful.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now