Chapter 31

3.1K 113 20
                                    

Chapter 31
Mean It

"Uy, Mae! Kinakaya mo pa ba?" tanong ni Jesca sa akin. Tapos na ang huli naming klase ngayong araw. Papauwi na sila habang ako ay diretso sa rehearsal.

"Yup! This is the second to the last competition. I'll be fine."

"O sige. Pwede na ba kaming manood?"

"Iyong sa Tagaytay na ang panoorin nyo!" tumawa ako. Binuyog ko siya palabas ng school gate.

Pagkadating ko sa room ay wala sila. May ibang estudyanteng nagaaral kaya't lumabas ako. Nakita ko kaagad si Darrah na lumabas mula sa katabing classroom. Nakita niya ako at dali dali akong tinawag.

Bumati silang lahat nang makarating ako. Ako na lang pala ang hinihintay. Naghanda na sila sa gitna para mag-stretch. Si June naman ay natutulog pa sa lamesa ng prof.

"June... rehearse na tayo para makauwi na." Si Yanis ang gumising sa kanya.

"Paki-remind ulit ako kung bakit magandang idea ang MedTech?"

"O mamaya na pag-usapan kung may pag-shift na magaganap," untag ko sa dalawa. Tumawa ako nang umismid si June.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya inaantok. Actually, ako rin. I just want to lay on my bed right now. Kaya lang ay malapit na ang Final Battle.

After rehearsal, we stayed for a couple of minutes to do some simple freestyles. Nagyayang mag-dinner si Darrah sa labas, and we all thought it's a good idea since we all looked like we've been deprived of food for a long time.

"Sino kaya ang mananalo sa Final Battle?" tanong ni Yanis.

"Kung hindi tayo, Fiery Heroes malamang." Ngumuso si Cess.

"I wonder why we're not winning over them. Dahil ba sa group size? Mag-hakot na ba tayo ng bagong members?"

Ilang beses pang nagtaka ang groupmates ko. They were full of ideas and speculations, and I'm just hungry. Winning is a really huge thing. But for me, being able to perform in a crowd is more than enough.

I remember the days when I was just beginning to dance. Magaling magturo si Ate Kayla kaya ako ko natunton ang lugar ko ngayon. Naalala ko rin ang isa pa niyang sinabi na wala ang galing ng isang guro kung wala sa puso ng magaaral ang ginagawa.

I guess it's true. I was more than willing to learn the first time I got into the studio. I saw people who were passionate about the craft; how their body exuded bright aura, and how their sweat told me that it's a sweat of hard work and love.

Then something inside me snapped.

"Guys, maybe for the competition in Tagaygay I could help with the choreography?"

"Duh! It's about time we incorporate Cazandra Mae to our dance moves."

Tumawa ako, "Okay! Okay! First time ko, ah! Walang tatawa."

Siniko ako ni Cess at madamdaming nag-react.

"Girl! Alam mo bang halos lahat ay parang mauubusan na ng laway pag sexy kang sumasayaw!" Nanlaki ang mata niya nang biglang may naisip. "That's what you're going to teach us! Iyon ang idagdag natin."

"Please... Alam ko namang kaya niyong lahat sumayaw ng ganon."

"Yeah. But you're better! Marunong lang akong gumiling, at hindi pa kasinlambot ng ginagawa mo ah," sabi ni Darrah.

Napahinga ako nang malalim. Pagkatapos pagusapan ang dance-related stuff ay nagkwentuhan naman kami. We talked about the upcoming Finals and a little about our lives before going home.

Friendshipidity (Chase #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon