Chapter 18

3.1K 101 29
                                    

Chapter 18
Still Friends

I had a tough night and today ay sumasabay pa ang ilang topics sa kaguluhan ng isip ko. It's bad enough that I didn't know what to do with Gage last night, and right now I felt lost without my binder! Nagpalit kasi ako ng bag kagabi.

"Kopyahin mo na lang 'tong notes ko bukas," sabi ni Jesca nang makita siguro akong nagpa-panic.

Napatunganga lang ako buong klase dahil sa naiwan kong binder. Wala akong ganang magsulat pa sa scratch paper, una ay dahil sayang ang papel at pangalawa ay tatamarin lang akong isulat ulit iyon sa binder ko.

"Mae! Alam mo bang may good news?"

Nilapitan ako ni June habang hinihintay kong matapos sa paga-ayos ng gamit si Jesca.

"Gra-graduate na tayo bukas?"

Ngumiti siya at umiling. May nakasukbit na gym bag sa balikat niya at naka-pusod ang kaniyang buhok. I see where she's going.

"Diba sabi mo dati you'd rather have your own group than be mates with your ex? Guess what? You can finally do it! Actually we can, kasi I'd love to be in your group if ever," tuloy tuloy niyang sabi. Hindi ko masyadong na-proseso.

"Ano ulit?" parang tulig kong tanong. Tumawa sa tabi ko si Jesca na napakatagal mag-ayos ng gamit! Ano, may babasagin ba sa bag niya at napaka-pagong niya?

"Kasi magkakaroon ng dance competitions ang Summerridge. Nagkalat na ang members ng One Axis para humila ng mga members para sa team nila. We figured to do that since magiging unfair kung lahat kami ay magkaka-grupo. And we don't just want to perform a number at the event, we wanted to actually join. So we devised a plan," pagpa-paliwanag niya, "If you want to give this dancing a chance, please please come to me! Kailangan ko ng kagrupo and I want you as group mate, Mae."

"Papayag na 'yan! Wala na si Sien doon, oh!" tukso ni Jesca. Tinignan ko siya at tapos na siyang mag-ayos. Finally!

"Pag-iisipan ko, June," sagot ko.

Pag-iisipan ko talaga 'to. I mean, there won't be a Sien there, right? I might see him one of these days and at the competition proper but I think it's nothing I can't handle. As long as we won't talk.

"Great! If you're curious about other details, posters will be posted everywhere tomorrow. Pero may nakapaskil na yata roon sa bulletin board sa may theater, you might want to check that out."

Tumango ako. Masiglang nagpaalam si June. Umalis na rin kami sa classroom at naglakad lakad sa labas.

Maingay pa rin ang campus ngayon dahil siguro sa freshies, kami ang nagkalat ngayon sa paligid. Marami rami sa kanila ang gumagawa ng kani-kanilang kaibigan habang kami ni Jesca ay balak lamang yatang magsawaan sa isa't isa.

Pinaguusapan namin ni Jesca ang mga kaklase namin at kung sino ba ang tingin naming magiging kaibigan namin. Hindi nawawala ang mga mean girls sa bawat klase, I'm sure as heck na may apat sa section namin noon. Wala sila sa radar namin para kausapin ngunit ang isa sa kanila ay natitipuhan ko. Si June na 'yon. Siya iyong normal na kikay, na kung hindi mo kakausapin ay talagang hindi magiiba ang impression mo sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ko makakasundo ang tatlo niyang kasama.

"Hindi ko ma-imagine ang sarili kong maging ganon, Jesca. Siguro kung ganon ako hindi kita kaibigan ngayon..." Napatigil ako nang makita kong hindi na nakikinig sa akin si Jesca.

Nakatuon ang mata niya sa kanyang so-called Hubby. May kasamang mga kaklase si Drian at ang ilan doon ay mga babae. Halata ang isa sa kanila na gustong kuhanin ang atensyon ni Drian, malakas ang tawa niya kahit ang mga kasama ay mahihinhin lang na tumatawa.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now