Chapter 6

3.5K 106 8
                                    

Chapter 6
Someone

Dahil sa ilang beses ng tumutunog ang phone ko sa loob ng limang minuto ay muntik ko na itong maihagis sa pader. Kinuha ko itong muli para tingnan kung may importanteng mensahe bang dumating, o mahalagang tao ang tumatawag.

Pangalan pa rin ni Sien ang bumulagta sa akin. Ito na naman, pigil na pigil akong itapon ang phone ko palayo sa akin. Muli kong pinatay ang tawag niya. Isang isa pa ay ie-airplane mode ko na 'to!

This is the result of what had happened last night. Iyong huli niyang sinabi bago siya nagloko ulit kagabi ay nanatili sa isipan ko. Okay na sana, eh! Kikiligin na ako. Kung hindi niya lang ipinagduldulan sa akin na isa lamang akong best friend sa paningin niya ay normal siguro kami ngayon.

Ang isang parte ng isip ko ay nagsasabing tama lang ang ginawa niya. All because Sien really needed to refresh my mind about what we are. And what are we? We're friends! I know, I know! Siguro ay tama lang ang ginawa niya. Ngunit hindi naman niya kailangan ipamukha diba?

I'm being irrational now. Hindi ko alam. Naiirita ako ngayon na hindi ko siya magawang kausapin. Kagabi pag uwi ay hindi rin ako nagpaalam sa kaniya, hindi ko nirereplyan ang mga text messages at chats niya, at mas lalong hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.

Alam kong wala naman sa hulog na magalit ako, pero babae pa rin ako. Nagiinarte lang. Can't I at least have this moment? I'll still be a friend to him tomorrow. Ngayon ay kailangan ko lang ikundisyon ang sarili ko dahil alam kong nababaliw na ako. Nababaliw sa kaiisip na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin at hindi na iyon aandar pa patungo sa kunsaan.

Natulugan ko na ang pangungulit niya pero pagkagising ko ay ganoon pa rin ang drama. Mas nag init ang ulo ko ngayong kakagising ko lang.

Kunot-noo kong sinagot ang tawag niya, "Ano ba?! Hindi ka ba titigil?"

"Sorry na, Mae. Hindi ko naman kasi alam kung bakit hindi mo ako pinapansin," sagot niya sa mahinahon na boses.

"Wala! 'Wag ka ng tumawag, naiirita ako lalo eh." I swear, nagpipigil na ako nito.

"Bakit ba kasi? Bigla ka na lang naging ganyan. Hindi ko alam kung ano ang mali kong nagawa."

"Pwes, isipin mo!" Napairap ako. Napaka-dense rin ng taong ito, ano?

"Mae naman," I could hear the frustration in his voice, "sabihin mo na lang. Ang hirap manghula eh. Wait, was it still about my kiss? Sa pisnge lang naman 'yon, Mae. Walang malisya kasi magkaibigan naman tayo diba?"

Napakagat ako sa aking labi. Suddenly, nawala ang galit at inis ko sa katawan. At unti unti, napalitan ito ng ibang pakiramdam. Is this hopelessness?

"Wala nga," I said in a little voice, almost like a whisper.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, "So what is it, then? Ayoko na kasing manghula. Ayoko ng magalit ka. Baka mamaya hindi ka na bumalik dito sa bahay."

"Nothing. I'm alright. We're alright," sabi ko bago ibinaba ang tawag.

It's pointless and tiresome if I continue to act like a hurt girlfriend. Girl friend, I am, but never the one that's spelled without space in between.

"Ay pucha makapag-move on na nga!"

Hindi na ako nagmaarte pa nang magkita kami ni Sien sa school para kunin ang report card namin. Bumalik naman kami sa dati. Pinipilit kong maging normal at sa nakikita ko naman ay nagtatagumpay ako. Hindi nga lang talaga mawawala ang paninikip ng dibdib ko tuwing may ginagawa siyang hindi ko gusto.

Umiiwas na rin ako paunti unti para mabigyan ng espasyo ang isip kong ilabas siya sa aking sistema. Hindi ko alam kung nahahalata ba niya pero wala na akong pakialam. I needed this. I needed to be successful at this if I wanted to save our friendship.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now