Kabanata 23

340 16 5
                                    

Kabanata 23

Fairly

-Iya-

I can't really believe that this is happening to me right now. Ginawa ko naman lahat para matakasan ang buhay na ayaw ko pero sa huli ay babalik din ako. Siguro ay tama sila, I really can't escape this kind of life... maybe it's time for me to face this problem. But the question is... how?

At ang magaling, sinabi na rin niya kina Mommy kung nasaan ang dorm ko. Nahakot na nila ang lahat ng gamit ko at talagang handa na silang pauwiin ako. I wonder what did they tell to people or to Keith's parents regarding my absence or kung curious man sila. Hindi naman nila sinabing nawawala ako o di kaya ay lumayas dahil alam nilang hindi 'yun magandang dahilan... mapapahiya lang sila.

"I know you're tired, Iya... you can rest," Keith said in a calm tone. Tangina! At ang kapal talaga ng mukha niya para kausapin ako! "Malapit na tayo sa inyo... I'm sure you miss your house and your family."

Nakahalukipkip pa rin ako. And for the nth time, I rolled my eyes. I can't believe that I did trust him! Sabi na nga ba't tuso ang lalaking 'to! He's the worst! "Tangina mo. Mabangga na lang sana tayo." mariing sambit ko ng hindi siya tinitignan.

I don't really know what to feel or what to do right now. Gusto ko na lang maiyak pero ni hindi bumabagsak ang mga luha ko. Maybe I'm still the same Iya, a snobbish girl with a cold heart outside. Hindi nila pwedeng makita ang kahinaan ko.

"Look, I know you're very mad at me-"

"Buti alam mong peste ka." I interrupted him, my eyes were still on the road.

"Iya Sabrina," he said in a warning tone. "Pwede bang makinig ka muna sa akin."

"Asa ka pa. Mamatay ka muna." I answered him. Ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin ngayon. But I don't care! Ang kapal talaga ng mukha niya! "I don't listen to a liar and a jerk like you." umismid ako.

Hinampas niya 'yung manibela at halos mahigit ko ang hininga ko ng bigla niyang niliko 'yung sasakyan na akala ko ay ibabangga niya talaga doon sa puno. Well sana binangga niya na lang.

"Can you please stop acting like a child!" bulyaw niya sa akin.

I took a deep breath and faced him. If he wants a row with me then fine! I'll give it to him! Kung akala niya ipapakita ko sa kanyang nagtagumpay na siya dahil napauwi niya ako then sorry siya, because I'll not give him that satisfaction!

"Bakit? Hindi mo kayang pagtiisan ang ugali ko? Dapat masanay ka na'ng peste ka! You are my fiance, right? Sinasabi ko na sa'yo, hindi ako ang mag-aadjust. Ikaw." matapang na sambit ko sa harapan ng pagmumukha niya.

He's trying to calm himself. He took a deep breath then closed his eyes. I even thought that he'll hurt me physically because of his anger.

"Iya..." lumamlam ang boses niya. "I know you don't want this arrangement. But maybe we can work this out. Sabihin mo sa akin kung anong ayaw mo dito, aayusin natin. Just this once, stop acting like an immature brat,"

"Anong ayaw ko dito? Lahat. Ayoko sa lahat ng ito, Keith. So if you want to fix this then just cancel the engagement, forget about this tradition and leave me alone." mariin kong sambit sa kanya.

"No," huminga siya ng malalim.

He was about to say something when one of our bodyguards knocked on his window. I rolled my eyes again and looked at the other side. I let him talk to my mother's guard as I glanced at the black van on our back, kung nasaan si Mommy.

Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now