Kabanata 17

499 26 2
                                    

Kabanata 17

Friendly

-Iya-

"Okay, class dismiss."

Humikab ako pagkatapos iyong sabihin ng prof namin. Inayos ko na ang mga gamit ko at mabilis 'yung nilagay sa bag ko. Pagkatayo ko ay kaagad naman na lumapit sa akin si Sheena.

"Saan ka tatambay?" tanong niya.

"Kahit saan, baka sa library ganun..." sagot ko sa kanya at nauna na akong naglakad.

Sumunod naman siya sa akin hanggang sa makalabas kami ng classroom. I just let her follow me since I don't have any choice. Lagi rin naman niya akong kinukulit kaya bakit ko pa siya pipigilan, and besides sanay naman na akong kinukulit ng mga tao ngayon.

"Gusto mo ba ng chismis?" masayang sambit niya.

My eyes narrowed when I turned to her. Ano naman 'yun?

"Ano na naman 'yan?"

"May nagkaka-crush sa'yo sa block natin!" she cheerfully said. Lalong sumimangot ang itsura ko sa sinabi niya. Ano na namang kahibangan ito?

"Ano naman?" bagot na sambit ko.

"Si Jethro! Crush ka pala nun eh, single pa rin 'yun tsaka ka-level nina Jerome!"

The moment she mentioned Jerome's name, my heart beats uncontrollably. Geez. Bakit mas affected pa ako doon sa pangalan ni Jerome kesa sa pangalan ng may crush kuno sa akin?

Ipinilig ko ang ulo ko. Saktong pagdaan namin sa quadrangle ay nakasalubong namin 'yung kaklase namin si Jethro at 'yung mga kaibigan niya.

"Hi Sheena! Hi Iya!" he greeted.

"Hi Jet!" bati sa kanya ni Sheena.

The guy looked at me and smiled. Malamig at bagot na tingin lang naman ang sinalubong ko sa kanya. He should be expecting that from me, I'm Iya Lorenzo.

"Saan kayo?" tanong niya sa amin.

"Kahit saan, mamaya pa naman 'yung next class namin." si Sheena na sumagot.

"Ahh..." he smiled.

Actually, mabait naman si Jethro. Naka-grupo ko na siya sa isang reporting noon. Hindi siya 'yung tipong malandi, he's just friendly to all of us but some girls misinterpreted his actions into something else. Poor him. Mabait siya at responsable at matalino, no doubt na lagi siyang nasa dean's list.

"O nandito pala sila!" a familiar voice came somewhere.

Nilingon namin kung saan galing ang boses na iyon at nakita namin si Jerome, Luke at ang iba pa nilang kasama. Halos humarentado na naman ang puso ko ng makita na seryosong nakatingin sa akin si Jerome. Para bang may atraso akong ginawa sa kanya.

"Hi Sheena! Hi Miss Iya!" Luke cheerfully greeted us.

Humalukipkip ako at nag-iwas sa ng tingin sa kanila. I hate it. I feel suffocated right now. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa dami ng tao na nandito isama pa ang kakaibang nararamdaman ko ngayong kaharap ko si Jerome.

Bumuntong hininga ako.

"Hi! Saan ang lamay at ganyan ang suot niyo mga hijo?" puna ni Sheena.

I looked at them again and saw that they are all wearing a semi-fornal attire. Halos lahat sila ay nakasuot ng long sleeves... pero 'yung kay Jerome ay nakatupi hanggang siko. Shems. Nang magkasalubong ang tingin namin ay ipinilig ko ang ulo ko.

Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now