Kabanata 15

496 24 7
                                    

Kabanata 15

Responsibility

-Iya-

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang nanay ni Jerome ang babaeng mahal ni Papa. Hindi ko naman kahit kailan nalaman ang kahit anong nangyari tungkol sa kanya. Kung ano ang pangalan niya at kung ano na ang nangyari sa kanya pagkatapos siyang hiwalayan ni Papa. The only question that I asked to my father was that... if she's still in love with him...

Her smile makes me miss my father. I suddenly remember Papa's genuine smile while I'm looking at her. Naalala ko kung gaano siya kamahal ni Papa... ang pagmamahal na isa sa mga dahilan kung bakit kailanman ay hindi naging masaya ang pamilya namin. Ang dahilan kung bakit hindi ko halos maramdaman na may pamilya pala ako.

But I don't blame her or my father though. I know what's wrong with my family and it's not their fault that they fell in love with each other.

"Nice meeting you personally, hija. 'Wag mo na rin akong tawaging Ma'am, Tita na lang."

"Okay po... Tita..." naiilang na wika ko.

Hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa bahay nila. Iginala ko ang tingin ko sa buong bahay nila. Halos magkapareho lang ang interior ng bahay namin sa kanila pero ramdam ko na merong iba, maybe it's the family who lives in the house...

"Si Jerome nandoon sa kwarto niya hanggang ngayon may sakit pa rin." sabi niya bago ako hinarap. "Teka kumain ka na ba? Nagluluto ako, e, baka gusto mong kumain ka na muna bago mo siya bisitahin sa taas."

Mabilis naman akong umiling. Bahagya siyang tumawa habang pinagmamasdan ako.

"Hindi na po, kumain naman po ako bago ako pumunta dito."

Tumango siya at muling ngumiti. "Ahh, sabayan mo na lang kaming mananghalian mamaya. Mamaya ipapakilala kita sa Papa ni Jerome, may ginagawa pa kasi siya kaya hindi pa siya bumababa." her expression is telling me that she have a joyful marriage life. She must be very in love with her husband.

Nakalimutan na niya kaya si Papa? Siguro, oo. Mukha naman siyang masaya ngayon. Siguro ay sa ibang punto ay naging tama ang naging desisyon ng aking ama na iwanan siya. Mahahanap niya pa ang kaligayahan niya, yung taong magpapaligaya sa kanya at hindi si Papa iyon...

"Tara at sasamahan kita sa kwarto ni Jerome. Ikaw na ang gumising dun sa batang iyon at sobrang hirap nun gisingin... naalala ko dati binuhusan ko siya ng tubig para lang magising..." kwento niya habang hinahatak ako paakyat. "May sakit pa nga rin 'yun eh. Sabi ko naman kasi sa kanya, magpahinga siya minsan. Pero ganoon siguro talaga ang mga anak ko kapag nagmamahal... ibibigay lahat para sa minamahal." dugtong niya at tumawa.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. But I just ignore all the thoughts I have in my mind right now. Wala lang iyon. Ganyan lang siguro talaga ang mga nanay well except for my mom...

Bahagyang kumirot ang puso ko sa naisip. Hindi ganito si Mommy. Pakiramdam ko ay hindi nagbago ang babaeng minahal ni Papa. Ang mga nakikita ko sa kanya ngayon ay hindi iba sa mga kwento ni Papa sa akin noon. Siguro ay hindi talaga siya nagbago...

Huminto kami sa tapat ng isang silid na nasa dulo ng ikalawang palapag. Ngayon na nandito na ako ay tsaka lamang pumasok sa isip ko kung bakit nga pala ako nandito. Why am I here? Problemado ako pero nagawa ko pang mangapitbahay.

"Halika pumasok na tayo..." nangiting sabi niya at binuksan ang silid.

Bago pa man ako makatanggi sa kanya ay nahatak na niya ako sa loob. Ang malamig na galing sa aircon ang sumalubong sa akin. Napakurap ako ng mapagtanto kung gaano kalamig sa kwarto niya. I thought he's sick? I was kinda amazed by the theme of his room, it's a modern type of room painted with white and light brown. The furnitures were perfectly matched to the theme of his room. Napukaw ng atensyon ko ang study table at sa likuran nito ay isang malawak na book shelves na puno ng libro.

Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now