Kabanata 10

597 28 3
                                    

Kabanata 10

Treasure

-Iya-

"Hi Iya!" bati sa akin ni Sheena.

Bahagya lang akong ngumiti sa kanya at dumiretso na sa upuan ko. Sumunod siya sa akin at hinatak niya yung upuan sa unahan paharap sa akin at doon umupo. Naningkit ang mata kong pinagmasdan siya.

What the hell is her problem again?

"I'm so sorry for that article, Iya." malumanay na sambit niya. Napatitig ako sa kanya.

Siya yung gumawa ng article?

"Pero hindi ako yung gumawa ng article. Pinasa lang 'yun sa akin... I approved it so the writer posted it on our site. Hindi ko naman alam na magagalit ka. I'm so sorry. Hindi na namin iyon uulitin... we're just curious lang din kasi sa status niyo ni Jerome."

Humalukipkip ako at diretso siyang tinignan. Naalala ko yung sinabi ni Jerome na ang kailangan ko lang sabihin sa kanila ay magkaibigan kaming dalawa.

"We're friends..." bagot na sagot ko.

"Talaga? Akala ko pa naman..." bahagya siyang umiling. "Now I get it, naintindihan ko na kung bakit siya sunod ng sunod sa'yo. Hindi ka nga pala sanay na nilalapitan. Buti at pumayag kang maging kaibigan niya."

"Mabait naman siya..." bigla kong sabi. Tumango naman siya.

"Nga pala, manunuod ka ng game nila later? From MD University ang makakalaban nila mamaya, e. Tara nood tayo!" anyaya niya sa akin. "Last game na nila Jerome 'to kasi malapit na silang grumaduate..."

Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya lalo na't narinig ko ang salitang ayokong marinig. Fuck. MD University? Shit! So kailangan ko ng makaalis dito kaagad. Sigurado ako na may mga pupunta dito na taga-MD. For sure, makikilala nila ako. I'm scared that they will notice me.

"Hindi... may trabaho ako mamaya." wala sa sariling saad ko.

Well ir's true. May game pala sila Jerome, that means hindi siya makakapasok mamaya kaya ako na muna siguro. He'll understand me for sure. If he's real then he'll help me to pass this situation.

"Ganun? Sayang naman!"

Nang matapos ang klase ko ay nagmamadali akong umalis. Kailangan ko lang talagang maiwasan ang kahit sinong taga-MD University ngayon. Kaya baka sa likod ako dadaan para hindi ko sila makasalubong. I'm sure sa main gate sila dadaan.

"Sab..." halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses na iyon.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Tumayo siya ng maayos at ngumiti sa akin.

"Uuwi ka na?" he asked. He walked towards me.

"Kailangan..." mahinang sabi ko. Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi mo naman kailangang umalis kaagad... nood ka muna. Akong bahala."

"Ako na ang papasok sa shop... hindi mo naman sinabi na may game ka pala. Nasira ko tuloy siguro 'yung practice niyo." sinulyapan ko siya. Malawak naman ang ngiti niya.

"Concern ka ba sa akin? Napapansin ko lagi mo akong inaalala. Kinikilig na ako..." aniya at napalabi siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at umambang susuntukin siya.

"Tumigil ka na!" banta ko. Tumawa naman siya.

"Alright! Alright!" ngumiti siya at humalakhak.

Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now