Kabanata 9

659 30 2
                                    

Kabanata 9

Yes


-Iya-

Nandito kami ngayon sa bagong bukas na supermarket na medyo may kalayuan sa dorm ko. Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang mamili ng mga kailangan namin para sa lulutuin niya. Hindi na rin ako nagsalita dahil wala naman talaga akong alam sa mga ingredients and stuff... ang alam ko lang ay kumain.

I shrugged my shoulders. Bahala siya.

"Ang tahimik mo..." he broke the silence between us.

Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Inilagay niya ang manok na kinuha niya dun sa cart namin. Bahagya siyang ngumiti at nagsimula kaming maglakad.

"Ano namang sasabihin ko di ba? Wala naman akong alam sa ganyan..."

Sumunod ako sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa pagtitingin sa mga produktong naka-display sa bawat nadadaanan namin. I suddenly want to buy some foods and stuff but I stopped myself since I'm not alone today. Baka bumalik na lang ako dito bukas or dun na lang ako sa tindahan na malapit sa amin.

"Pwede kang magtanong tungkol sa akin o di kaya magkwento ka ng mga nangyayari sa buhay mo..." aniya at huminto siya sa lugar kung nasaan nakalagay ang mga gulay.

"And why would I do that?" tumaas ang kilay ko at humalukipkip. "We're not even close enough for me to tell you the story of my boring life..."

Bahagya naman siyang tumawa at ibinalik ang kamatis na hawak niya dun sa lugar niya. He looked at me with a great amusement in his face. Seems like I said something very interesting and funny at the same time.

"Kaya nga magkwento ka para maging close tayo..." tumaas ang gilid ng labi niya. "We need to open up ourselves to each other so that we'll know each other deeper... para makapag-palagayan tayo ng loob, Sab."

"Wow? Hindi naman lahat ng magkaibigan kailangang gawin 'yun. Even you... alam ko na hindi mo 'yun ginagawa, Jerome. Don't fool me..." umismid ako at ibinaling ko ang atensyon ko doon sa nananahimik na kamatis. Hinawakan ko ito at sinuri.

"Sab..." naging matigas ang kanyang boses.

Sinulyapan ko siya. "You have a big circle of friends... don't tell me you know their stories? You know their deepest darkest secrets? Ano ka kaibigan ng bayan?" umirap ako. His jaw hardened.

Na-offend ko ba siya?

Humakbang siya palapit sa akin kaya halos mapaatras ako. His eyes looks so serious, angry and a bit... sad at the same time. So I offended him. Ano napagtanto na ba niya na hindi ako ang dapat kinakaibigan kasi masama ang ugali ko?

"Ang hirap mo talagang abutin..." he smiled.

Bahagya akong natigilan ng ngumiti siya. His smile is a bit sad... because pure sadness was very obvious on his eyes. I avoided his gaze. Hindi ko kayang tumingin sa kanya na may ganyang expression. Pakiramdam ko ay natutunaw ang makapal na pader sa puso ko.

"Andito ka naman sa tabi ko... pero pakiramdam ko ang layo-layo mo pa rin sa akin."

Tumikhim ako at humakbang palayo sa kanya. Enough. Bakit ba kasi siya ganyan?

"I don't understand you, Jerome..." I looked at him. "Hindi ko alam kung bakit kailangan mo itong gawing lahat. I'm very confuse... so tell me how can I trust you if I don't even understand you, Jerome?"

My trust issues.

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Suddenly... the mood became lighter. Umiling ako at humarap doon sa cart. Enough. This.conversation is too much. I need to stop before I can say words that I can never take back.

Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now