Chapter 14 Knock! Knock!

Start from the beginning
                                    

Ngumiti lang si Mia at pumunta din sa gitna kagaya ni dave. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis saka iginalaw ang kamay na parang kumakatok sa pinto.

"Knock knock!" wika ni Mia.

Humila ng upuan si ate at itinabi malapit sa kama ko saka umupo.

"Who's there?" sabay-sabay naming saad maliban na lang kaya Shark na naglagay na ng headset sa kanyang tainga. Naiingayan siguro to' samin haha.

"Neighbor"

Nagkatinginan kaming lahat saka muling sumagot "neighbor who?"

"Neighbor mind I'll find someone like you~" pakantang wika ni Mia na sinundan nya ng tawa.

Infairness ang galing nya dun.

"Ang galing mo Mia!" proud na wika sa kanya ni Dave saka yumakap.

Nakita ko ang pagbato ng unan nina matt at Jerome kay Dave na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin kay Mia.

"Oy! kalas na!" sita ni Jerome na syang tinawanan lang nung dalawa.

Natigil sa pangbabato sina Matt ng si Dave naman ang bumanat. Still nakaback hug pa rin sya kay Mia.

"Knock knock!" ngiting ngiting wika nya.

"Who's there?" sabay namin uling wika ngunit mas nangibabaw ang boses nung dalawang lalaki.

"Saan ako uupo?" pagdudugtong pa ni Dave.

"Saan ako uupo who?" napatingin ako kina Matt at Jerome ng hindi ang mga ito sumabay.

Ibubuka na sana ni Dave ang bibig nya para dugtungan yung knock knock nya kaso inunahan na sya nina Jerome at Matt, dahil sila mismo ang sumagot sa knock knock ni Dave.

"SA SILYA! your breaking my heart~" sabay na kanta nung dalawa.

"Pano nyo nalaman?" nagtatakang tanong ni Dave dun sa dalawa. Napatawa kami ng magpogi sign yung dalawa.

"Gwapo e" halos sabay nilang sambit na dalawa. At ngayon kami naman ang bumabato sa kanila, yabang!

"KNOCK KNOCK!"

Natigilan kami sa ginagawa namin ng isigaw yan ni Matt. Napatawa na lang kami. Dang! kulet eh

"WHO'S THERE?!" pasigaw din naming tanong sa kanya. Dahilan para takpan nya ang dalawa nyang tainga at sinamaan nya kami ng tingin. Pero agad din namang ngumisi si matt.

"Pwet mong may tatlong guhit" cool pa nyang sabi

Napatingin ako kay Shark ng makarinig ako ng pigil na tawa galing sa kanya. Muli kong ibinalik ang tingin kay Matt.

"Pwet mong may tatlong guhit who?" pag-uulit namin

Napapigil kami ng tawa ng hilahin bigla ni Matt si Jerome sa damit, since silang dalawa ang magkatabi sa couch. Dahilan para magkalapit ang mga mukha nila. Mababakas sa mukha ni Jerome ang pagkagulat. Ang sagwa nilang tingnan damn!

" C'mon vamonos'

everybody let's go!

pwet mong may tatlong guhit~"

Tuluyan na kaming napahagalpak sa kakatawa maging si Shark na nagpapahid na ng luha galing sa kanyang mata. Ang seryoso kasi ng mukha ni Matt ng sinabi nya yun. Sht! panalo!

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now