Chapter 49:Camping trip

Magsimula sa umpisa
                                    

May pagtatakang tinignan niya ito

"For what?" Tanong niya dito habang iniisip kung saan siya nag-eenjoy eh samantalang kanina pa siya naiirita sa mahabang lakaran nila

"Sa paghawak ng kamay ko" Aniya ni Wade at nilingon narin nito si Raven pero nandoon parin ang mapaglarong ngiti niya

Napabitaw bigla si Raven sa kamay nito kasabay ng paghinto nilang dalawa sa paglalakad.Di niya namalayan na kanina pa pala siya nakahawak dito at nawala narin sa isip niya.Napatingin tingin siya sa paligid niya habang ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi

"Andito na pala tayo.Mauna na ako" Aniya ni Raven at hinablot ang mga gamit niya kay Wade at patakbong lumayo dito papunta sa pwesto nila Xylene

'Sh*t ka Raven.Bat kasi may paghawak ka pa ' - inis na sambit ni Raven sa kanyang isipan

-----------------------------------------------

Ang lahat ay tapos na sa pagtatayo ng kanya-kanyang tent at pag-aayos ng kanilang mga gamit.Ngayon ay tinipon sila ng mga iba't ibang head ng department at mga professors upang maipaliwanag ang mga gagawing aktibidad sa kanilang unang araw

"Listen students!" Agaw atensyon ng isang prof. na nakatayo sa gitna ng platform na dinala ng mga professors sa kanilang camping upang magsilbing parang stage nila

Nagsitahimik ang lahat at tumingin dito

"I will explain to you what will be our first activity for this day.This activity that we created will test your natural strength and strategies.So.. Bubuo kayo ng grupo 10 members per group.Mamaya bago mag simula ang laro niyo ang mga ibang professors ay may ibibigay sa inyong tig-iisang ribbon.Each group needs to collect 20 pieces of ribbons from the other group at kapag nakuha sayo mismo ang sarili mong ribbon it means you are out of this game at may mga line kaming ginawa palibot sa lugar na ito para malaman niyo kung hanggang saan lang kayo pwede lumayo at magpunta.We will give you 30 minutes para magawa ang game na ito at para ganahan kayo sasabihin na namin ang prize sa mga mananalo.Ang group na mananalo ay makakatanggap ng kahit anong hilingin nilang kakainin para sa magiging hapunan nila---" Naputol ang iba pang sasabihin ng prof. nang maghiyawan ang ibang estudyante at ang iba naman ay napatalon sa excitement.

Ang kaninang walang interest at bagot na si Raven ay biglang nabuhayan at seryosong nakatingin sa prof. na nasa kanilang harapan.Wala sana siyang balak na makisali sa gagawing aktibidad dahil mag-aaksaya lang siya ng oras at pagod.Balak sana nitong magtago sa isang lugar at magpahinga pagkasimula na ng laro dahil napagod ito kanina sa lakaran at pagdadala ng kanyang mga gamit gayun din ang pag-aayos ng pwesto at tutuluyan nito.Ngunit ng marinig niya ang magiging premyo ay para siyang ginanahan

'Kahit na anong hilingin na kakainin huh..' - patango-tango at nakangiting sambit niya sa kanyang isipan

"And one more thing students we have a rules in this game.. First DON'T try to CHEAT and Second YOU CAN'T USE YOUR VAMPIRE STRENGTH OR POWERS.Kapag nilabag niyo ang isa sa mga rules na ito ang buong grupo niyo ay may naghihintay na punishments mula sa mga head ng iba't ibang department natin.Remember what skill I have.Kaya kong makita ang paligid kahit gaano pa ito kalayo at kalawak kaya sundin niyo nalang ang rules na nabanggit.Okay? ^_____^ Now I will give you 5 minutes to find your group" Pumalakpak pa ng tatlong beses ang prof na naatasan bilang signal sa mga estudyante na kumilos na

Nagpalinga-linga si Raven nagbabaka sakaling makita niya sila Kiel at sa kanila nalang makigrupo ngunit bigo ito sa dami ng estudyanteng nasa paligid niya at medyo nagkakagulo din sa paghahanap ng magiging kagrupo nila

Napairap nalang si Raven sa kawalan dahil di na niya alam kung kanino siya makikigrupo.Di naman kasi siya feeling close sa ibang tao na di niya kilala

"E-excuse me Miss..."

Napalingon ito sa kanyang gilid nang may kumalabit sa kanyang balikat.Nakita niya ang isang nakasalamin na babae ngunit at may mga kasama rin ito na iba pa.Puro babae silang lahat.

Napatingin nalang si Raven sa kanila ng parang nagtatanong.

"Gusto mo ba samin nalang makigrupo? Kulang pa kasi kami ng isa" Nakangiting sambit nito sa kanya.Tinignan niya din ang mga kasama nito at nakangiti rin sa kanya lahat.

Tinignan muna sila ni Raven ng ilang segundo.Sinusuri kung makakapagkatiwalaan at maaasahan niya ang mga ito.Di naman sila mukhang mahihina or lampa o di kaya ay tatanga-tanga.Yung tipong sila yung masasabi mong normal students lang pagkakita mo sakanila at mukha namang mababait sila.Si Raven alam niya kung pinaplastik siya or nagpapanggap lang ang taong yun.Magaling siya sumuri kahit kakakilala palang niya dito

Nagpalinga-linga muna sa paligid si Raven at nang wala siya makitang kahit isang kakilala man lang niya ay nilingon niya ang mga babaeng nagtatakang nakatingin sakanya at yung iba nakanguso na sa tingin nila baka hindi pumayag si Raven

Bahagyang ngumiti si Raven at tumango sa kanila.Napa-yes naman ang magiging kagrupo niya

"Okay guys! Kumpleto na tayo yesh! Haha.. (^u^) Galingan natin" Cheer up ng babaeng blonde yung buhok sa kanila

Saglit nilang pinag-usapan ang mga gagawin nila.Napagkasunduan nilang itali ang mga ribbon sa bewang nila sa loob ng suot nilang damit upang hindi ito madaling makukuha sa kanila.Pagnakakuha na ang lahat bawat isa ng tig-dadalawa o tig-tatatlong ribbon para makasigurado ay babalik na agad sila sa kanilang pinupwestuhan ngayon na katabi lang ng puno ng saging

Nang matapos na ipamigay yung mga ribbon sa bawat estudyante.Nagsilapitan ulit ang mga ito malapit sa platform

"Okay students. Magsisimula na tayo.Tandaan niyo ang mga sinabi ko kanina.So... In a count of

1...

2...

3...

Gooooo!!" Kasabay ng pagpito ng malakas ay ang pagtakbuhan ng mga estudyante papasok sa magubat na bahagi ng kanilang pinupwestuhan kanina

'Tsk.. I will win this game' - Sambit ni Raven sakanyang isipan at ngumisi kasabay ng mabilis niyang pagtakbo papasok sa masukal na bahagi ng gubat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster meets The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon