Chapter 41:Cat and Dog

3K 123 13
                                    

Dedicated this chapter to @abigailsilangcruz89

Enjoy this chapter ^______^

Rylem POV

"Omaygash~ Abby ang gwapo niya talaga~"

"Shut up.. Wag kang maingay baka marinig niya tayo"

"Hihi~ labas mo na yung camera mo dali~"

"Oo na.Eto na nga oh kinukunan ko na"

Tss... (  -___-)

Di ko alam na mas malala pa pala ang mga babae dito sa Lucifer

Tsk! Makatulog na nga lang

Humiga naman ako sa may damuhan dito sabay lagay ng mga kamay ko sa likod ng ulo ko

Sa lahat na ata ng lugar na napuntahan ko dito sa Lucifer ang freedom park lang yung matinong lugar dito

"Ano? Marami na ba yang nakuha mo?"

"Oo pero wait lang kuha pa ako ng magagandang shots"

Kailang ba ako titigilan ng mga babaeng to'? >____>

Buti sana kung si Raven yan eh.. Ako mismo ang magpapapicture sakanya.

Teka.. Ano ba tong iniisip ko? Nabaaliw na ata ako eh

"Hey Abby~ look diba si Vince yun?"

"Oo nga noh.. Pero bakit parang sinusundan niya yung exchange student na babae ano nga ulit name nun?"

"Ahm.. Rea?.. Irene?... Vivian?.... Raven? Ata basta yun na yun"

Agad naman ako napaupo at hinanap yung pinag-uusapan nung dalawang babae

Pagtingin ko sa isang building nakita ko si Raven na pumasok sa restroom habang yung Vince na tinutukoy nung mga babae sumandal muna sa isang pader at parang may hinihintay

Pamilyar yung Vince na yun parang nakita ko na siya sa black rose

Nabigla naman ako nang tumingin ito sakin at ngumisi sabay pasok nung Vince sa restroom pagkalabas nung dalawang babae

Teka.. Anong gagawin niya?

Bigla naman akong kinutuban kaya napatakbo ako papunta dun

Raven POV

Ano bang pinagsasabi ng lalaking to'?

"Huh? Nagkita na ba tayo?"tanong ko

"Oo naman.Di mo naaalala?"Siya

Huh? Kailan? Saan? Paano?

Tinitigan kong mabuti yung mukha niya at inaalala kung nagkita nakami..

The Gangster meets The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon