Chapter 49:Camping trip

3.6K 108 80
                                    

3rd person's POV

Nagising si Raven maging ang iba na natutulog din dahil sa isang tunog ng pito.Napaayos siya ng upo at walang kagana ganang tinignan yung professor na naroon sa unahang bahagi ng bus ng kanilang sinasakyan.

"Students! Maghanda na kayo dahil malapit na tayo sa ating destinasyon" Pagkatapos sabihin ito ng prof. na nasa harapan ay kasabay din ang paghiyaw ng ibang estudyante dahil narin siguro sa excitement o talagang gusto na talaga nung iba na makaalis na sa bus na sinasakyan nila

Pagkahinto ng bus agad na nagsitayuan ang ibang estudyante at nag-uunahang bumaba.Nanatiling nakaupo si Raven sa kanyang pwesto dahil ayaw niyang makipagsiksikan palabas.Tinanaw ni Raven ang naging destinasyon nila mula sa bintana na nasa kanyang kaliwang bahagi.Napamangha naman ito kahit papaano dahil malapit lang sila sa dagat at sa kanang bahagi naman niya ay mapuno ito pero may mga open spaces naman ang ibang bahagi nito na pwede nilang pagtayuan ng tent.

Napalingon si Raven sa buong kalooban ng bus at hindi lang pala siya ang di pa tumatayo para umalis kundi natira pa sila Wade at sila Kiel na nakatabi parin si Xylene na nag-aayos pa ng kanyang sarili.Gayun din ang grupo nila Rapmon

"Pre Tara na.Ihing-ihi na talaga ako.Di pa ba tayo bababa?"Tanong ni J-hope kila Jimin na pinagpapawisan na dahil sa pagpipigil

" Mamaya na.Eh kung mauna kana kaya.Ayaw namin makipagsiksikan pababa"Bagot na sabi ni Jimin sakanya at nanatiling nakaupo

"Aish! Bahala kayo 😒" Aniya ni J-hope at tumayo na ngunit napatigil ito sa pag-alis nang madaanan niya si Raven

"Hey there Ms.Raven.Di ka pa bababa? Gusto mo sumabay sakin?" Ngiting-ngiti na alok ni J-hope kay Raven kaya nilingon siya nito at sinuri ang pagmumukha ni J-hope kung seryoso ba ito sa sinasabi niya

"Hoy! Akala ko ba naiihi kana! Bat kinakausap mo pa si Raven" Aniya ni Jimin ng makitang nilapitan ni J-hope si Raven.Nilingon siya nito sabay busangot nito sakanya

"Pakers mo ba?!" Sabi ni J-hope at muling nilingon si Raven

Sila Kiel at Rylem naman ay mataman lang na nakatingin sa dalawa habang si Wade ay nagtataka sa kanyang isipan at the same time ay nakaramdam ng inis nang maalalang isa si J-hope sa grupong dumakip kay Raven para dalhin kay Lucifer.Napaisip ito kung bakit kinakausap at nilalapitan parin nila si Raven matapos ng nagawa nila

Hindi pinansin ni Raven ang nasa kanyang paligid at tumingin sa exit ng bus.Nang makita niya na tatatlo nalang ang lalabas ay nilingon niya si J-hope sabay sabing..

"Okay" Sabi nito at tumayo na dahil nakaramdam narin siya ng ngawit sa pag-upo sa tagal ng byahe nila.Napangiti si J-hope dahil dun at pinaunang lumakad si Raven saka siya sumunod

"Hey! Teka.Sabay narin ako" Aniya ni Jimin at sumunod kila J-hope

"Oh? Akala ko ba mamaya ka na bababa?" Ngising tanong ni J-hope

"Eh pake mo ba kung nagbago isip ko?" Sagot naman ni Jimin dito at inunahan siya para sumunod kay Raven

Napakamot nalang sa batok si J-hope at sumunod nalang rin.Nawala na sa isip niya na naiihi siya

-------------------------------------------------

Hirap na hirap si Raven sa pagdala ng mga gamit niya.Dahil bukod sa bag pack niya na naglalaman ng mga pagkain niya.hygienes at gadgets ay may dala pa itong campers bag kung saan nakalagay ang mga pampalit niya na damit.isang pares ng sapatos incase lang na masira.madumihan or mabasa yung gamit niya ngayon.Meron din na mini pillow.blanket.first aid kit.flashlight at iba pa na maaari niyang gamitin sa camping nila.Sa labas naman ng bag niya ay nakasukbit duon ang gagamitin niyang tent.Nagdala siya ng sarili niya kahit sinabing by pair ang pagdadala ng nun.Ayaw niya kasing makipagshare kay Xylene baka maimbyerna lang siya sa kaartehan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster meets The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon