Tumango sya bago nagsimula magkwento "Fireworks, star gazing, sleep over and finally we got stranded." sagot nya bago sya napangiti na tila may naaalala.

"What?" naguluhan ako, wala kasing malinaw sa mga sinabi nya.

Pero sandali lang yun dahil ay agad akong natigilan nang mag sink in sa akin ang lahat ng yun.

Yung mga panaginip ko dati....kagaya lahat ng mga nabanggit nya.

Yung pinapanood ko yung makukulay na fireworks, yung nakahiga sa damuhan at nakatanaw sa maliwanag na mga bituin, yung sleep over, pati na yung nastranded at magstay sa kwarto na may pulang ilaw.

Dahan dahan akong napatingin ulit sa kanya "We had the same dreams...i used to dream the same scenarios" hindi makapaniwalang sabi ko.

Natahimik siya at ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Parehong may mga iniisip.

Then i finally spoke "Who are you really Madison dela Rosa?" Naguguluhan ako. Imposible namang nagkataon lang ang lahat?

What a big coincidence naman, right? Hindi na kapani paniwala.

Bago ko pa siya matanong ulit ay sunod-sunod na katok na yung narinig namin sa may pinto.

"Madison. I hope you're awake. Time for us to have lunch." boses ni Brandon.

Mabilis kaming napatayo.

"Ok po Sir Brandon, thank you." sagot nya saka kami saglit na nagkatitigan.

"See you downstair." sabi ulit ni Brandon at pagkatapos nun siguro ay umalis na sya.

Naglakad na ako papunta sa may pintuan "Magkita na lang tayo sa resto." sabi ko bago na ako lumabas.

Habang naglalakad na ako pabalik ng room ay hindi pa din mawala sa isip ko yung mga huling napagusapan namin bago dumating si Brandon.

Ano ba talaga role niya sa buhay ko bago ako nagkaamnesia? She might be my mystery person sa dreams ko pero bakit ayaw nyang sabihin kung talagang siya nga yun?

Posible kayang may malalim na dahilan o may tinatago lang siya?

Natigil lang ang pagiisip ko nang makasalubong ko sina Cher at Shaun/Nick.

Hindi ko alam pero parang naiinis ako kapag nakikita ko ang boyfriend ni Cher, alam ko wala naman syang ginawa sa aking masama pero ang bigat talaga ng dugo ko sa kanya.

"Hey girl, where have you been?" Cher asked. Her and Shaun are now both wearing semi-formal. Cher was wearing a white simple yet classy knee-length dress while Shaun is wearing a white shirt under black tartan jacket and also black slacks.

"Hmmm just went downstair. Susunod ako, magpapalit lang." sagot ko bago ako naglakad na ulit.

Pagdating sa room ay namili ako sa mga dresses na dala ko. Napili ko yung semi-formal purple cocktail party dress ko. Naghalf bath lang ako sandali and wore the dress. Naglagay lang ako ng light make up since maaga pa naman and quickly brush my shoulder length hair.

Pagbukas ko ng door ay sakto sanang kakatok si Blake.

Halata ang paghanga sa mata nya pagkakita sa akin"Gorgeous as always." puri nya.

Sabay na kaming bumaba papunta sa resto. Nadaanan namin yung room ni kuting, gusto ko sanang huminto para tignan kung nandoon pa siya pero hindi ko na lang ginawa. Naisip ko pa din kasi yung nangyari kanina.

Dumiretso kami sa isang buffet resto. Naabutan na namin silang lahat na nandoon including Kuting.

We greeted each other at pasimple kong pinagmasdan ang suot nya. She was wearing a nice peach pinstripe dress na bumigay sa kanya. Lalo syang pumuti sa kulay ng dress nya, she looks so blooming.

Remember 2 Love me (completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें