Chapter 21 - Dreams

49K 1.8K 860
                                    

Reese P.O.V.

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Ginala ko ang paningin ko at doon ko napansin na tila may nakadagan sa akin.

Nakatakip ng kumot yung malambot na bagay na nakaunan sa balikat ko. Unti unti kong inalis ang takip na kumot at bumungad sa akin ang tulog na tulog na si Madison a.k.a kuting.

Napangiti ako. Ang cute nya matulog, parang bata na walang muwang sa mundo. Ang inosente ng itsura.

Alam ko na hindi dapat, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang magandang mukha nya. Bahagya pang kumibot ang labi nya na tila nananaginip pa siya.

Naalala kong tignan ang oras mula sa wall clock, grabe lunch time na pala. Ang tagal namin nakatulog. For sure hinihintay na nila kami sa labas.

Hindi ko alam kung dapat ko na ba syang gisingin, ang sarap pa kasi ng tulog nya.

Pero bago pa ako makapagdecide ay hindi ko namalayan na nakamulat na pala siya at nakatitig sa akin, walang kurap, yung akala mo ang tagal nya ako hindi nakita, yung parang namiss nya ako...oh well.

"Hey." nakangiting bati ko. Parang tulog pa ata ang utak nya.

"Reese..." she said in low tone voice. Ang ganda lang nya bigkasin ang name ko..i dunno if it's the way she says it or what.

"How's your sleep? Mukhang nanaginip ka pa kanina. " sabi ko bago dahan dahan inalis yung ilang hibla ng buhok nya na nasa mukha nya.

She quickly lowered her gaze "Oo...." agad na binalot ng lungkot ang mukha nya.

"What's wrong?" nag aalalang tanong ko. So obviously ay hindi iyon naging maganda.

"Napanaginipan ko kasi yung tao na nangakong hindi ako iiwan kahit kailan...." ang lungkot ng boses nya na parang maiiyak.

"Oh, huwag mo na isipin yung tao na yun. He is so stupid para iwan ka." pag aalo ko sa kanya, i felt bad for her. Hindi ko alam na may lungkot pala syang pinagdadaanan dahil sa past nya.

"I can't. Hindi ko siya maalis dito kahit anong gawin ko." sagot nya sabay turo sa puso nya.

"You have to. Lalo na at hindi na sya babalik pa..."

Umiling sya "Babalik siya alam ko, naniniwala ako...maghihintay ako. Kapag dumating na yung time na uuwi sya sa akin, nandito lang ako maghihintay sa kanya kahit gaano pa katagal." saka sya ngumiti. Yung ngiti na may kahalong lungkot. Pero sa likod ng ngiti na yun ay nakikita kong nandoon ang pag asa na magbabalik ulit ang taong tinutukoy nya.

Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kirot dahil sa mga sinabi nya. Sino kaya ang tao na yun? Ang swerte naman nya ata.

"Oh well, he's a one lucky jerk. Mahal na mahal mo talaga siya ah kahit sinaktan ka pa nya."

Tumingin sya sa mga mata ko "Yeah, mahal na mahal....mahal na mahal na mahal." na akala mo ay sa akin nya iyun sinasabi.

Pagkatapos noon ay saglit pa kaming nagtitigan, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandali na yun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napilitan akong magbaba ng tingin, para kasing na overwhelmed ako nararamdaman ko.

I was so tempted to kiss her.

Pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin nya na sinasamantala ko yung pagkakataon dahil lang sa malungkot siya. Dahil lang sa may namimiss siya.

I cleared my throat "W-would you like to share your dreams? I mean, kung ok lang." pag break ko ng tensyon na nararamdaman ko.

Remember 2 Love me (completed)Where stories live. Discover now