Capitolo Sedici

501 23 3
                                    

● Bickering Old Married Couple ●

○○○ Trisha's Punto di vista ○○○

1 week pass at September na at last week puro private meeting kaming dalawa ni Aexist. I decided to call him Aexist, wala lang para unique. Kasi Ashy, Ash or Ashton ang kadalasan ang tawag sa kanya so Aexist sa akin or Aye.

Sa isang linggo na iyon madalas kami nagkakasalubong kaya napagkakamalan ng iba na may something kami, they thought sinusundo ko siya or vice versa na sinusundan niya ako. Madalas sabay kaming mag lunch or dinner kasi pinag-uusapan ang new project na gagawing next 2 months. Isang clubhouse siya, yung parang pang-party na may pool. Inaayos pa namin ang kaso nakakatawa pinagkakamalan kaming nagde-date na dumating ata kila Charles, kaya ayon ang sama ng tingin niya sa akin nang pumunta ako for meeting. Actually magka-board member din sila pero hindi malaki yung binibigay hahahaha baliw iyon ehh palagi nga lang kami nag-aaway.

Although, ang babaw lang naman ng pinag-aawayan namin.

Pagkain, Kainan, Meeting Place at Sasakyan, mostly ayan yung pinag-aawayan namin.

Kung anong klaseng pagkain ba ang kakainin, healthy ba or unhealthy. Kung saan kami kakain, either fast food or restaurant, kung saan kami magme-meeting hahaha at sasakyan, kung kanino ang gagamitin. Katulad noong Friday, last week lang actually.

○○○ Flashback ○○○

Papunta kami ngayon sa isang restaurant near from his office. We are actually planning the clubhouse, yung ipapatayo namin.

"So what restaurant, should we go??" tanong niya. Nag-isip naman ako.

"Sa may International Bizarre Food na lang tayo." sabi ko sa kanya kasi at least doon may italian or japanese food.

"How about sa may Italian Style Cafe na lang at least maraming pagpipilian." angal niya, sinimangutan ko naman siya.

"Huwag na roon. Puro italian lang, dapat sa may International Bizarre Food na lang kasi atleast mas maraming cuisine." sabi ko.

"Sa may Italian Style Cafe na nga lang tayo!!" sabi niya sa akin na nakasimangot habang nasa elevator.

"Edi sana hindi ka na nagtanong!! Ayaw mo rin pala roon!!" sigaw ko sa kanya ehh palabas na kami ng elevator kaya napatingin na yung ibang staff sa amin.

"B'AT KA SUMISIGAW!! EDI ROON NA LANG TAYO SA MAY INTERNATIONAL BIZARRE FOOD NA NGA LANG!! sigaw niya pabalik sa akin.

"SUMISIGAW KA RIN EHHH!!! OO NA SIGI NA. MAG MCDO NA LANG TAYO!! sabi ko ulit.

"FINE!!!" tas lumabas na kami.

"Sa sasakyan ko na lang ako sasakay. We will go there separately." sabi ko.

"Huwag na. Yung akin na lang ang gagamitin, sumabay ka na lang sa akin." sabi niya.

"Hindi na, hiwalay na tayo pumunta." angal ko naman.

"I TOLD YOU WE WILL GO THERE TOGETHER!!"

"FINE!!" inis kong sambit at sabay kami sumakay sa may kotse niya.

Pagdating namin doon.

"Ano i-oorder mo?? Mag kanin ka para magkalaman ka naman." sabi niya. Napasimangot naman ako, I'm strict with my diet kaya.

"Ayoko burger na lang at kape. I'm fine with that." sagot ko sa kanya.

"I told you, sabing kanin ang kakainin mo." saway niya.

"Sabing ayoko ehh!!!" sigaw ko rito kaya pinagtitinginan na kami.

"FINE!!" in the end ako nanalo. Tsss.

Habang kumakain.

"Sa office ko na lang tayo magmeeting after natin kumain tutal andoon na yung layout na ginawa ng architect ko." sabi ko.

"Huwag na roon. Sa amin na lang sa office ko, kasi andoon uyng kaibigan kong engineer. We can talk it about para pulido at maayos ang magawang clubhouse." sabi niya habang kumakain, imagine, he is wearing a Saint Laurent suit and I'm wearing a Chanel body con dress partnered with a Gucci heels. Not being mayabang but it screams wealth pero ang sarap ng kain naman sa Mcdo at pinagtitinginan na talaga kami.

"Look Grey, sa amin na lang since kumpleto kami roon. Mayroon din akong kakilalang architect or puwedeng kumuha ng isang magaling na architect at engineer sa company ni kuya Ethan." sabi ko habang kumakagat sa burger bago dumampot ng french fries.

"Sa amin na kasi, kumpleto rin naman ako." sabi niya.

"Makinig ka sa akin, sabi ko amin na lang diba. Please Aye makinig ka." sabi ko na may pagkairita.

"Listen to me Shanlie, sa amin na nga lang. Ang kulit!" inis niyang singhal sa akin.

"Fine!! Napaka mo, punyeta. Ugh hindi ko alam b'at ako nakakatagal sa iyo. Letse." hindi ko na talaga napigilan na may lumabas na makukulay na salita. Iritang irita na kami sa isa't isa.

○○○ End of Flashback ○○○

SEE?! WE ARE LIKE BICKERING OLD MARRIED COUPLES!!!

Lahat pinag-aawayan, pati maliit na bagay.

Pauwi na ako ngayon mula sa office nila dahil nagkita kami roon ni Allesandra na eksaktong wala naman siya. Pababa na ang elevator mula sa 20th floor ng company niya ng bumukas ito sa 15th floor kasi roon ako papunta. After ko dumaan sa 15th floor, andoon kasi si JR actually sumakay ulit ako at pagsakay ko nandun si Aye na nakangisi sa akin or sabihing nating nakangisi s akin na nag-aasar.

"Ci vediamo di nuovo. Ti manco così tanto??" tanong niya kaya kumunot naman ang noo ko.

"Ovviamente no!! Sonda!!" inis kong sabi sa kanya. Tas nag chuckle lang siya. Fuckshit bakit ang gwapo niya.

-----

Translations :

Ci vediamo di nuovo. Ti manco così tanto ?? - We see each other again. Do you miss me that much??

Ovviamente no!! Sonda!! - Of course no!! Feeler!!

GTM : Between LOVE and REVENGEWhere stories live. Discover now