CHAPTER 17

25.6K 312 0
                                    

Reunion

"Are you ready?" tanong sa akin ni Dylan. Ngumiti naman ako sa kanya. Nakasuot lamang ako nang simple dress na color blue na bumabagay pa lalo sa kutis kung maputi.

Habang si Dylan naman ay naka polo shirt na longsleeve .Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko.

Ngayon na kasi ang araw nang reunion namin at ngayon na din ang araw na balak kong sabihin sa kanya na mahal ko din siya.

Kinakabahan na nga ako ngayon eh. Tapos hindi pa pala niya alam na magpeperform ako ngayon.

"Hey!

Whats wrong?" agaw nang atensyon sa akin ni Dylan. Ngumiti naman ako sa kanya at umiling.

"Are you sure?" paninigurado niya.

"yes." sabi ko naman.

"okay then. Lets go" ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko palabas hanggang sa makasakay na kami ng kotse niya.

Habang nagda-drive ay tahimik lang ako. Pero nakikita ko naman sa gilid na aking mata ang ginagawang pagsulyap sa akin ni Dylan.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Lalo na sa gagawin kong pag amin kay Dylan. Paano kung magalit lang siya?

Pero hindi naman siguro siya magagalit sa akin diba?
Ah basta bahala na.

"Andrienne" tawag sa akin Dylan. Napatingin naman ako sa gawi niya.

"Bakit?"

"You look so beautiful" sabi niya habang nakangiti.

Pakiramdam ko naman ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"T-thank you" pasasalamat ko habang nakayuko. Napatingin naman ako sa kamay niya na hinawakan ang kamay ko. Kaya napa angat ako nang tingin sa kaniya.

"You dont know how happy I am Andrienne. Masaya na ako na kasama ka. Kaya please wag mo akong iwan." sabi niya sabay halik sa kamay ko.

Napangiti naman ako sa inasal niya. Wag kang mag alala Dylan hindi kita iiwan. Hindi ko din kaya na mawala ka sa akin. Sabi ko sa isip ko. Pinili ko muna ang tumahimik dahil baka madulas lang ako sa sasabihin ko.

Bumalik naman sa katahimikan ang awra sa paligid namin. Naka focus sa pagdadrive si Dylan habang ako naman ay nagmamasid lang sa dinadaanan namin.

Hanggang sa makarating kami sa University na dating pinapasukan namin. Pinark naman ni Dylan ang sasakyan namin at bumaba na.

"Are you ready?" tanong niya sakin. Hinawakan niya naman ang kamay ko at niyakap ako nang mahigpit.

"Grabe ka naman Dylan haha" sabi ko at niyakap din siya pabalik.

"I love hugging you" bulong niya sa akin. Kinilig naman ako dun sa sinabi niya syempre.

"Asus! halika na nga baka mag uumpisa na sila" sabi ko sabay hampas sa kanyang balikat. Tumawa na lamang siya at naglakad na kami papasok nang room kung saan idadaos ang party.

Pagdating namin sa event agad na napatingin sa amin ang ibang mga kabatch mates namin dati at ngumiti. Konti nalang ang kilala ko sa kanila dahil wala naman akong masyadong kaibigan dati. Wala naman yung dalawa kong kaibigan dahil nga nasa bakasyon pa sila hanggang ngayon. Si Bakla na nga lang ang kilala ko dito eh.

Napunta ang tingin ko sa isang babaeng papalapit sa amin. She's beautiful. Matangkad din siya pero mas matangkad ako nang kaunti sa kanya. Siguro hanggan mata ko lang siya.

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon