CHAPTER 7

30.4K 450 6
                                    

CHAPTER 7

FIRST DAY

Nagising nalang ako ng mag ring ang alarm clock ko. Inaantok na bumangon ako at pinatay ito. Tiningan ko naman kung anong oras na. 7 na pala nang umaga.

Dali-dali akong tumakbo patungong Cr at naligo. Pagkatapos sinuot ko na ang damit na ibinilin sa akin ng aking boss kahapon. *insert sarcasm here*

Sa sobrang pagmamadali ay agad akong umalis sa aking condo nang hindi pa kumakain. Tinakbo ko ang daan patungong parking lot kung nasaan naka parada ang aking sasakyan.

Syempre alangan naman sa lobby ng Hotel naka park ang sasakyan ko diba?

Habang ako ay nagdadrive nakaramdam ako ng gutom sa aking katawan kaya napag pasyahan ko munang dumaan sa isang restaurant at kumain.

"Here's your order maam." sabi sa akin ng waiter habang kanyang nilalagay ang mga pagkain na inorder ko ngayon lang.

Agad na natakam ako sa mga pagkain kaya kumain ako ng mabilisan . Para nga akong ginutom ng pamilya ko at hindi pinakain sa loob nang maraming araw. Dala na din siguro ng pagmamadali ko kaya mabilis ang pagtapos ko sa aking pagkain.

Agad akong pumunta sa sasakyan ko at sumakay. Pinaandar ko ito ng pinaandar pero namamatay lang ito. Kaya bumababa ako para tingnan kung may problema ba. At tama nga ang hinala ko! Yung isang gulong ng sasakyan ko ay flat!

Tangina naman! Hindi pwedeng masiraan ang sasakyan ko! First day ko pa naman sa trabaho at malelate ako! Ayoko pa namang ma late dahil baka kung ano na naman ang masabi ng magaling kong boss!

Sobrang mapang insulto pa naman iyon! Akala mo kung sinong magaling. Pero in the other side magaling naman talaga siya eh! Pero kahit na! Hindi porket na magaling siya eh gaganun ganunin niya na lang ako!

In my 22 years of my existence, siya lang ang nagsabi sa akin nang ganun. Kahit sabihin niya man na hindi niya ako iniinsulto. Para sa akin oo! at wala siyang magagawa doon!

Kailangan kong makahanap ng paraan kung paano makaka alis dito! Ano ba naman kasi bakit ba ako pumunta dito? Pwede naman siguro na pumunta ako doon at magpaalam na lang saglit sa boss kong magaling na kakain ako kasi hindi pa ako kumakain.

Pero wala na! nangyari na. Wala na akong magagawa. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang maghanap ng ibang masasakyan para makapunta na sa kompanya.

Mag commute na lang kaya ako? Teka kaya ko ba? Eh hindi nga ako nakaranas mag commute sa buong buhay ko. Ayoko kasing mag commute. Paano ba naman ang sikip sikip tapos ma alikabok pa ang dinadaanan sa paligid. Maingay pa atsaka minsan maraming krimen ang nangyayari.

Pero Andrienne kung uunahin mo pa yang kaartehan mo baka mapagalitan ka ng wala sa oras.

Tiningnan ko naman ang wrist watch ko. Shit! Holy mother of pancakes! 8:46 na?! Ganoon na ba ako katagal kumain at kumilos?! shit! Mapapagalitan talaga ako nito eh.

Di bale no choice na nga lang ako. Maghahanap na lang ako ng masasakyan ko . Magcocommute na lang nga ako!

Dali dali akong pumara ng taxi pero wala ni isa ang huminto kaya sa huli ay nag bus na lang ako.

Pagkapara ko sa bus ay agad akong sumakay dito ng madalian. At laking pasasalamat ko na after 20 minutes ay nakababa na din ako sa isang resto malapit sa kumpanya.

Naglakad naman ako ng mabilis hanggang sa harapan na ako ng building namin. Agad akong pumunta sa babaeng empleyado din dito at nagtanong kung nasaan ba ang office ni Mr. Walter ang magaling kong boss

"Nasa 26th floor po maam" sagot niya sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanya at dali daling tinungo ang elevator at pinindot ang 26th floor.

God! Andrienne patay ka talaga nito! Ano ba naman ito!!

Pagkabukas na pagka bukas ng elevator ay agad akong pumunta sa office ng aking boss. Kakatok na sana ako ng may marinig akong boses ng isang babae. Ay mali hindi talaga boses kundi ungol. Ungol ang naririnig ko mula sa loob.

"Aaahhhh go on babe." ungol nang babae . Parang napako naman ako sa kintatayuan ko sa aking naririnig. Seriously? Oh fuckin mother of holy cows! Pati ba naman sa office? nagpapa fiesta? Wala na ba talagang natitirang kabutihan si Dylan at pati ba naman dito?

"Aaah ang sarap. Fuck fuck sige pa." Mas lalong nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Dylan. Shit! Siya nga. Pero bakit parang nasasaktan ako ? sa naririnig ko ngayon lang? Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa nilang dalawa jan sa loob..

Pero sigurado ka ba na si Dylan yun? Eh parang hindi naman boses ni Dylan yun eh?

Pero sigurado ako siya yun dahil wala namang pwedeng pumasok na iba jan maliban sa kanya diba?

Hahaha nagmamadali pa naman akong pumunta dito at hindi na kumain na ikinaresulta ng pag commute ko tapos eto lang pala ang madadatnan ko? Halos magka tumba tumba na ako kanina sa pagtakbo tapos eto lang?

"Aaahh sige pa babe." ungol ng babae

"Fuck! ang sikip mo!! hell yeah ahhhh... ahhhh...ahhh..ohh ." sigaw ni Dylan

Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko kaya tumalikod na ako sa pintong iyon at naglakad pabalik sa elevator. Sa lobby nalang muna siguro ako at magpapahangin muna .

Hindi ko nalang namalayan na may tumulong luha na pala sa pisngi ko. Agad ko namang iyon pinahid ngunit sunod sunod na umaagos ang mga ito.

"Ano ba to?" tanong ko sa sarili ko.

Bakit ba ako umiiyak? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako naapektuhan sa nalaman ko? Siguro dala lang ito ng matinding pagod kanina.

Nasa harapan na ako ng elevator at huminto. Nilingon ko naman ang pinto na pinuntahan ko kanina na saksi din sa nangyayaring kababalaghan sa loob. Ibinalik ko na ang tingin sa elevator at akmang papasok na ako ng may marinig akong boses mula sa aking likuran.

"Why are you late!?" Napaigtad ako sa gulat. At dahan dahang nilingon ang nasa likod ko.

"Dylan?" sabi ko nalang. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang saya ng malamang hindi siya ang taong naririnig ko kanina dun sa kwarto na iyon.

Agad namang bumukas ang pinto ng office na pinuntahan ko kanina kaya napatingin ako doon at mula doon ay may lumabas na isang gwapong lalaki at babae. Naka kapit sa braso niya ang babae. Papunta sila ngayon sa direksyon namin.

"Hey Walter!" sabi ng lalaki at nakipa fist kay Dylan

"Hey" sabi lang ni Dylan sa kanya.

"Who is this? Oh wait are you Ms. Andrienne Hermion Giovanelli?" tanong niya sa akin ng nakangiti kaya tumango naman ako at nginitian siya. Pero paano niya nalaman ang pangalan ko? Eh diba nga bago palang ako dito?

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" takang tanong ko. Agad naman siyang namutla sa tanong ko at nakabawi din at ngumiti uli

"I just know. Nakwento kasi sa akin ni Walter na magtatrabaho ka sa kanya and besides your a Giovanelli right? Kaya alam ko." sabi niya sa akin ng may pag aalinlangan

"AH" napatango nalang ako sa sinabi niya.

"By the way I'm Luke Dela Vega nice to meet you Ms. Gorgeous" sabi niya sabay lahad ng kamay sa akin. Akmang aabutin ko iyon ng may humablot sa kamay ko. Si Dylan.

"Dont touch her Dela Vega" sabi ni Dylan sabay hila sa akin patungong office niya. Tumawa na lamang si Luke sa kanya sabay sabing "So possessive pare!"

Napailing iling na lang ako at nginitian siya. Tiningnan ko naman si Dylan at masama ang tingin niya sa akin.

Oh-Oh! Ano naman ang ginawa ko?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Oh ano? Akala niyo si Dylan noh?

Haha wag kasing mag assume. Nakamamatay kasi ang maling akala!

Uyy si Andrienne may nararamdaman na kay Dylan haha.

Lagot ka Andrienne!

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon