CHAPTER 6

37.6K 528 7
                                    

CHAPTER 6

~ ~ ~

"Nakakainis! nakakainis! nakakainis!" Paulit-ulit na sambit ko habang pinaghahampas hampas ang mga unan ko dito sa kama.

Naiinis ako sa sarili ko sa di malamang dahilan. Naiinis ako kasi hindi siya mawala sa isip ko. Ni hindi nga ako makatulog ng dahil sa bwiset na lalaking yun! Nakakahiya talaga! Nakakahiya!

"ArggghhhH!!" napatili na lang ako sa sobrang inis at hiya na nararamdaman.

Paano ba naman kasi eh simula nung iwan siya ng binata dun sa kinatatayuan niya eh nakatulala na naman siya . Mabuti na nga lang at walang nakakita sa kanya doon sa ganong sitwasyon.

At saka ano bang karapatan ng lalakeng yon? para halikan siya? No one dared to kiss her except the .... Napahinto siya saglit tsaka may na realize.

Shit! Si Dylan at ang lalaking nameet niya 4 years ago ay iisa lang pala. Ah! Bakit ba ang malas malas ko? Akala ko pa naman maganda na yung takbo ng buhay ko eh. Pero kunsabagay gwapo naman siya at mayaman.

Tse! Ano ba naman yan Andrienne wala ka na ba talagang hiyang nararamdaman?

Napasabunot sa sarili si Andrienne at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at dumiretso sa cr para gawin ang morning rituals niya.

Nagbihis lang siya ng denim skirt na pinaresan din ng denim shirt. Then she put a powder on her face. hindi na siya nag abala pang maglagay ng make up dahil hindi naman kailangan. Masyado na kasi siyang maganda para maglagay pa. And hindi naman talaga siya mahilig mag make up kasi para sa kanya mas maganda ang natural na kaganadahan.

Pagkatapos mag ayos ng sarili ay dumiretso na siya ng kusina sa condo niya. Oo tama kayo nang pagkabasa. Condo niya. Pagkatapos kasi ng birthday niya ay dito na siya dumiretso sa kanyang condo unit. Nabigla pa nga siya nung una. Pero planado na pala ang lahat ng kanyang mga magulang. Naihatid na kasi ang kanyang mga gamit sa kanyang condo at naka ayos na ito. Naka arrange ng mabuti ang kanyang mga gamit.

Hindi naman halata na excited sila mommy na umalis ako noh? Natawa na lamang siya sa kanyang iniisip. Ganyan kasi ang mga magulang niya palagi siyang sinusoportahan sa mga bagay bagay. Mabuti na nga lang at nakapag seperate siya. Kasi syempre alam niya namang di rin tatagal eh maghigiwalay din naman sila ng mga magulang nila kapag nagka pamilya na siya.

Teka? bakit naman sa pagpapapamilya ang nasa isip ko?

Napabuntong hininga na lamang siya at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng mga ingredients ng kanyang lulutuin. Gutom na din kasi siya. It's already 10 in the morning but still hindi pa rin siya kumakain. Pupunta pa kasi siya sa office ng kanyang daddy para pag usapan ang tungkol sa pagtatrabaho niya sa ibang kumpanya.

Oo magtatrabaho siya. Yun kasi ang gusto niya. Gusto niyang magkaroon ng kita kahit marami naman siyang pera. Atsaka ito din naman ang sinabi ng daddy niya. Kailangan niya din daw na matutong magtrabaho para kapag dumating yung araw na siya na ang mamamahala nito ay hindi na siya mahirapan pa.

Inilagay na niya sa lamesa ang mga ingredients at nagsimula ng magluto. Ng matapos ito ay agad siya kumuha at kumain. Hinugasan niya na din ang kanyang pinagkainan pagkatapos at kinuha ang kanyang slim bag sa kwarto at umalis.

Habang papalabas ng elevator tiningnan niya muna kung anong oras na.

"Shit I need to hurry " sabi niya sa sarili at dali daling tinungo ang parking lot pagkabukas na pagkabukas ng elevator.

Habang nagda-drive ay nag ring ang kanyang phone at walang tingin tinging sinagot ito.

"Hello Adrienne where are you? Your 10 minutes late." sabi ng dad niya. As usual bumalik naman sa dati ang dad niya. Businessman nga naman bilang na bilang talaga ang oras nila. Laking pasasalamat nga niya nung nakaraang araw at hindi nito inugali ang palaging ugali nito katulad nalamang ngayon.

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon