"Manyak" sigaw ko sa kanya sabay tulak palayo sa kanya pero hindi ko magawa kahit anong gawin ko

"Sayo lang naman" sabi niya gamit ang bedroom voice niya. Inaaakit niya ba ako? Ang kapal naman nito!

"Nang aakit ka ba?!" singhal ko sakanya

"Bakit? naaakit ka na ba?" tanong niya pabalik sa akin. Aba! Ang kapal naman ng mukha ng lalaking toh. Akala naman niya gwapo siya.

Bakit gwapo naman talaga siya ah. sabi ng kabilang isip ko.

"Che!" sigaw ko sa kaharap ko. Tumawa naman siya. Shit! Ang ganda ng boses niya kapag tumatawa siya. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

Wait what? the hell i am saying!

Bigla naman siyang huminto sa pagtawa at tumingin ulit sa akin

"By the way, why are you crying a while ago?" tanong niya. Oh! Shit anong sasabihin ko? Na umiiyak ako kasi akala ko siya yung naririnig ko kanina na umuungol? Eh bakit naman ako iiyak kung siya yun? Sasabihin ko sa kanya na affected ako sa kanya? Na nasasaktan ako kanina?

Ewan. Hindi ko alam. Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Umpisa kasi ng makita ko siya ang dami ko ng nararamdaman na hindi ko naramdaman sa buong buhay ko.

Anong isasagot ko sa kanya? Yan kasi eh. Bwisit na luha toh! Ba't ka pa kasi umiyak kanina Andrienne? Yan tuloy nakita niya.

Tumingin naman siya sa akin at naghihintay pa din ng isasagot ko. Napakagat na lamang ako sa aking labi. Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Bigla naman kaming napatingin sa phone niya na nagri ring.

"Wait. I'll answer the call" sabi niya at agad na pumunta sa lamesa niya at sinagot ang tawag

"Hello? What? Ngayon na talaga? The Fuck! Ok sige!" sabi niya. Napahilamos naman siya sa sarili niyang mukha.

"Andrienne baby aalis muna ako okay? may meeting pa kasi ako" sabi niya at dali daling lumapit sa akin at ako ay niyakap. Hmm. Ang bango naman niya.

"And please baby don't bite your lips. Its tempting. Wag mong gagawin yun kung maaari. Kasi ngayon kaya ko pang magpigil. Kaya please stop that thing. It's torturing me. Wait for me here sabay tayong pupunta sa condo ko mamaya" sabi niya sabay halik sa akin ng malalim.

Nagulat naman ako sa kanyang ginawa. Naging malalim ang paghalik niya sa akin. Kaya halos hindi na ako makahinga. Mabuti naman at siya ang unang tumigil sa paghalik.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti atsaka dali daling umalis.

What was that? Nung una baby ang tawag niya sa akin tapos halik lang na mabilis pero ngayon? Ang lalim.

Tapos eto pang puso ko naghuhurementado sa sobrang bilis. Hindi ko alam pero bakit parang ang saya ko?

Oo nga at dati pinoproblema ko siya kung babalik pa ba siya? Kaya yung time na bumalik na nga siya hindi na ako nagtaka na tinawag niya akong baby. Pero ngayon yung halik niya ? Parang may ibang kahulugan? Longing? Sadness? hindi ko alam.

At eto naman ako. Nalilito sa aking nararamdaman. Hindi ko alam. Nalilito na talaga ako sa sarili ko.

Muling bumalik sa aking isipan ang pangyayari kanina. Ano ba ang isasagot ko sa kanya kapag nagtanong ulit siya? Laking pasasalamat ko nga kanina kasi may tumawag sa kaniya.

Pero bakit nga ba? Iiyak ba ako ng walang dahilan? Lalo na kung ang taong yun ay ang matagal mo ng hinihintay na bumalik pero ni hindi mo man lang kilala ng lubusan? Kung kayo ba ang nasa pwesto ko ano ba ang gagawin niyo?

Kasi ako hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

Could it be jealousy? Aissh! Nakakasakit ng ulo.

Mabuti pa siguro umalis muna ako dito at pumunta ng bar. Tutal maaga pa naman kaya aalis na lang muna ako. Siguro bukas nalang ako mag sta-stay sa condo niya bukas. Bahala na siyang magalit . Bahala na bukas. Basta ang importante makapagpahinga naman itong utak ko sa kaiisip sa kaniya. Sa mga bagay na nangyayari sa akin.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng office. Pagbaba na pagbaba ko sa lobby ay may sumalubong sa akin na empleyado ng kumpanya dito.

"Maam san po kayo pupunta?" tanong niya

"Sa labas lang kakain. Nagugutom kasi ako eh atsaka wala pa naman si Dy- I mean si boss" pagsisinungaling ko. I'm sorry but I need to do.

"Okay po maam. Basta po dalian niyo lang po" sabi niya at ngumiti

Tinanguan ko lamang siya atsaka naglakad palabas at pumara ng taxi papuntang bar.I need to rest.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oh no! Bumalik ka nalang Andrienne. Baka magalit si Papa Dylan sayo sige ka?

Hahaha ayieee love na yang nararamdaman mo Andrienne . Hindi mo lang matanggap.

Hihihi. Excited na ba kayo? sa magaganap? hihi.

Sinisipag kasi akong gumawa ng story ngayon kaya 3 chapters ang na update ko today haha. Aasahan niyo meron pang susunod. Pagpupuyatan ko talaga ito.

Just vote and comment. Thank you Readers :*

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon