Pagpasok namin ng sasakyan ni Jerome ay hinarap ko siya. "Bakit tayo pupunta bigla sa Tagaytay? We can just go home or somewhere far away from Wiesel? Hindi na natin kailangan pang bumyahe ng pagkalayo-layo, no!"

As I waiting for his reply, I immediately got my phone to check if I I have any messages from Kuya Dustin. Saktong pag-check ko ay nakita ko na may text doon si Mitch.

'Iya! Huwag ka na munang bumalik dito tsaka sa apartment mo sabi ni Kuya Dustin mo. Nandito pa rin kasi yung Mama mo. Baka nagmamasid din sa paligid yung mga guards na kasama niya. Punta ka sa malayooo! Ingat ka!"

I sighed exasperatedly. Timing din talaga siguro 'yung Tagaytay ni Jerome 'no?

"What did they say?" tanong niya habang diretso ang tingin niya doon sa daan.

"Pumunta daw ako sa malayo..." huminga ako ng malalim. I rested my head on my seat then looked at the view outside. Matagal-tagal na rin mula ng makalabas ako ng city so I'm kinda thrilled and a bit excited about this trip. "Ano nga palang gagawin natin doon? Magka-kape?" halos matawa ako sa sarili kong tanong.

"Hmm..." he trailed off. "Oo..." aniya.

I suddenly turned to him. His face looks so serious. Walang bahid ng pagbibiro! "Totoo? Magsta-Starbucks lang talaga tayo doon?"

The thought of being with him in Tagaytay excites me. Probably, because I really want to go somewhere far with the person I'm kinda comfortable to be with. In a small span of time, I can say that I'm trusting him. He became my confidant. He saw the worst in me. I slowly showed to him... who am I really.

"Kung gusto mo, pwede tayong mag-Mcdo. May McCafe doon," aniya. "Or if you want... malamig doon, we can rent a room and..." sinadya niya pang hindi ituloy ang sasabihin niya at mapaglarong ngumiti sa akin.

I gave him a deadly glare. He suddenly burst out laughing. "Grabe ka, Sab, tingin palang para ka ng pumapatay. Hindi ka talaga mabiro..."

"That's why don't fool me kung ayaw mong mapaaga ang katapusan mo." at inirapan ko siya. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga dinadaanan namin.

"Sab..." he called me again. I didn't face him. "By the way, kamusta 'yung date niyo nung si Keith Falcon?" tanong niya.

"Hayun, walang kwenta. At pareho kayong playboy. Di ko type." umismid ako. Iniisip ko palang na si Keith ang nagsabi kina Mommy na nandito ako ay parang gusto ko na lang siyang bigwasan o balatan ng buhay.

"Loyal kaya ako..." he softly said but enough to reach my ears.

"Huwag ako," umirap ako sa kawalan. "Ilang babae kaya nasabihan mo niyan?"

"Ikaw palang..." dugtong niya.

"Huwag nga sabi ako," this time I faced him. "I already gave you the privilege for you to be my friend but not to flirt with me okay?" I said in a monotone with my normal poker face.

Siempre kahit gusto ko siya, ayoko namang landiin niya ako't baka tuluyan na akong mahulog sa kanya na ayoko namang mangyari. I'm not yet ready to take my feelings to that level. Okay na ako sa kung anong meron sa amin ngayon.

Deafening silence filled us. He didn't say anything and continued driving seriously. Hindi naman ako mapakali na tahimik at boring lang 'yung buong biyahe namin kaya kinuha ko 'yung Ipod na nakapatong doon sa dashboard. Sinulyapan naman niya ako.

"Pakialaman ko ha?" paalam ko pero hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya.

Wala namang password kaya mabilis ko itong nabuksan. I went to his music playlist to look for a song. Patuloy lang naman akong nag-scroll pero wala akong makitang kanta na gusto kong i-play. Wala pa man din doon ang mga gusto ko sanang pakinggan. From my peripheral vision, he's glancing at me. He slightly shook his head and smirked. I turned to him and raised my eyebrow.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon