God's Crystal

1.1K 31 0
                                    

»Chapter 22«

"God's Crystal"

***

»Agata«

"Agata tara na at maghahanda pa tayo ng ating booth" wika sa akin ni Kendra at saka lumabas at nauna na papunta sa open field ng academy , ako naman ay sumunod lang sa kanila. Mukhang excited silang lahat sa magaganap na anniversary ng academy, it was our face tume celebrating it. And as a class, Maam Purple take us in charge in making our booth.

"Agata " nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa hallway ng humarang siya sa akin.

"Maam Purple"

“Can we talk? But... Not here.” saka siya nagpalinga linga at naglakad papalayo. Sa isang gilid sa may pasilyo sa kung saan wala halos na dumaraan na mga estudyante, doon siya huminto.

Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya, na ipinagtaka ko. Isa pa yung nga butil butil na pawis na nasa kanyang mga noo. Medyo magulo rin ang kanyang mga buhok, dama ko rin ang mga mabibigat niyang paghinga.

“Ma'am ano po ba ang pag-uusapan natin?”

“The Bloods that run in you...”

“T-the sacred blood Ma'am? Ano pong meron?”

"Kapag nalaman nila ang tunay na pinanggalingan ng dugo na iyan, malalagay ka sa kapahamakan.”

Paano niya nalaman? Paano niya nalaman na ang dugong dumadaloy sa akin ay hindi ang tinatawag nilang sagradong dugo, kundi ang dugo ng piniks ang siyang nagbibigay buhay sa akin.


***

FLASHBACK

Naguluhan ako sa kwento niya. Ngunit bigla kong naalala ang laman ng libro, apat na Diyos, Diyos ng Kamatayan. Pero walang nabanggit doon na isang ibon na kayang magkatawang tao.


“So hindi mo pa nababasa. Hanggang saan palang ang nababasa mo?”


“You said that only few people can read the book, so are you also those 'few'?”


Umiling siya. Tinago niya ang sandata niya atsaka lumapit sa akin. “Agata, hindi ko kayang basahin ang libro. Kung kaya kaunti lang ang nalalaman ko. Kaya kailangan kita, ikaw at ang libro para malaman ko ang lahat. Kung ano ang puno't dulo ng kaguluhang ito.”


“Pero paano mo nalaman ang istoryang iyon.”


“You told me. The past you.”

“Huh?”

Sumilay ang malungkot na ngiti sa kanyang mga mata, “W-were friends... Noong bata pa ako, lagi mo ako tinutulungan. Ng dahil sayo nahasa ko ang paggamit ng kapangyarihan ko. Magmula doon nakita kita, nakita kita na bumalik muli. ”

Naguguluhan man ay patuloy pa rin akong nakikinig sa kanya. Pilt kong ninanamnam ang mga impormasyon, dahil baka makatulong ito.

“Nakita kitang mamatay, kaya nakapagdesisyon ako. Kasama ng nga kaibigan kong naiwan sa paglikas, ililigtas ko ang mundong ito. Kahit na limot na ng iba ang ngalan nito. Ikaw Agata, ikaw ang Phoenix, at ang dugo mo ay hindi lang basta sagrado dahil ang dugo mo ay higit pa sa kayang magpagaling, higit pa ito sa kayang magpabuhay ng mga patay. Dahil ang dugo ay walang limitasyon. Iyan,  iyan ang kakayahan ng luha ng isang Phoenix. Ngunit ngayon ay hindi mo na kayang mag-anying ibon. Nasalin sa iyong nga dugo ang kapangyarihan ng iyong mga luha.”

Secret Academy: The Mysterious World [ On Revision️]Where stories live. Discover now