Nang mag-break sila, agad kong kinuha yung mineral water galing sa bag ko. Sinadya kong magdala nito dahil alam kong mapapagod si Dylan at kailangan niya ng maiinom. Lumapit ako kay Dylan at inabot sa kanya ang tubig na dala ko.

                “Oh, inumin mo na dali.” Sabi ko.

                “Meron akong tubig para sa sarili ko.” Cold niyang pagkasabi.

                Ah! May naisip akong idea, eh kung itapon ko kaya yungtubig na dala ni Dylan ngayon para pag nawalan siya, hihingi siya sakin? Hmmm. Pero syempre joke lang, hindi ko naman kayang gawin yun. Kung ayaw niyang tanggapin yung binigay ko, edi bahala siya sa buhay niya.

                Tumingin ako sa paligid, nakita ko si Ken na nakaupo lang at nagpupunas ng kanyang mag pawis (in a hot way), ang ang pogi niya pala sa wet look! Omg.

                Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya naman  kumaway siya sa akin at lumapit. “Musta na?”

                “Ahh, o-okay lang. Ikaw?”

                “Eto, napapagod.” Tumawa siya. “May laban kami next week, nood ka ha?”

                Ohhh? May laban sila? So ibig sabihin nanduon din si Dylanbabes? Naku, kailangan kong manuod! Moral support man lang aba.

                “Oo naman!” sagot ko. “Gusto mo ng tubig?” Inabot ko sa kanya yung hawak kong bote na dapat ay kay Dylan ko ibibigay.

                “Wow! You’re a life saver!” at kinuha niya ang tubig. “Alam mo ba, alam kong may practice kami ngayon. Pero sa lahat-lahat ba naman ng pwede kong makalimutan ay yung tubig ko pa! Hay, ang talino ko noh?”

                Natawa naman ako dun. Bakit naman tubig pa yung nakalimutan niyang dalhin? Eh yun nga dapat yung pinaka kailangan eh.

                “Akala ko pa para sa’kin yan?” biglang sumingit si Dylan.

                Napatingin kaming dalawa ni Ken sa kanya, naka-poker face lang siya.

                “Ehh, kasi sabi mo kanina ayaw mo.” Sagot ko.

                “Kalma lang, naki-inom lang ako saglit,” sinara na ni Ken ang bote at inabot ito kaagad kay Dylan. “Eto na oh.”

                Hindi pinansin ni Dylan ang sinabi ni Ken, tumingin lang siya sa akin at nagsabi, “Wala naman akong sinabing ayaw ko. Ang sabi ko lang, meron akong dinala para sa sarili ko.”

                “Parehas lang yun.” Pangangatwiran ko.

                “Magkaiba kaya.”

                Magsasalita palang sana ako kaso biglang pumito na ang coach nila at tumakbo na si Dylan papalayo. Habang si Ken naman, nagpahuli.

                “Pagpasensyahan mo nalang muna si Dylan ha? Stressed lang talaga yun.” Tumawa siya at tinapik ang balikat ko. “Sige, una na ko ha.”

When She Courted HimWhere stories live. Discover now