Nakita niyang tumiim-bagang ito. Marahil ay hindi inaasahan ang pilosopo niyang sagot. "This is serious, Lara. I want to make sure that you're okay."

Nais pa sana niyang ipagpatuloy ang pabalang na pagsagot kay Arq ngunit natigilan siya nang mapansing tila konsumidong-konsumido ito. Mukhang may mabigat na pinagdaraanan.'

Ganonpaman, sa tanong nito'y nagbalik kung ano nga ba ang dapat niyang nararamdaman ngayon. Natauhan siya at biglang napagtantong si Arq ang taong lubos na nanakit sa kanya.

"Ano sa tingin mo? Kapag nalaman mong niloko ka ng taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo, magiging okay ka ba? Sasaya ka ba? Magiging normal ba ang buhay mo? Mag-isip ka nga, Arq. 'Yong tanong mo medyo patanga, e!" Naiinis niyang saad.

Nag-aalab na naman sa galit ang kanyang puso; kumikirot ang mga sugat na dulot ng pangloloko ni Arq. At dahil nasa opisina siya ay nabuhay sa kanyang alaala ang eksena nina Arq at Shakira na dahilan ng pagiging miserable niya.

"Lara, I'm sorry..." Mahinahon nitong sabi.

Tinangka pa nga nitong hawakan ang kanyang kamay na nakalapag sa mesa nito, subalit kaagad niya iyong tinabig.

"Ilang beses ka mang mag-sorry, hindi pa rin no'n mababago ang katotohanang sinaktan mo ako, Arq. Sinaktan niyo ko ni Shakira! Siguro naman masaya ka na ngayon dahil nagkabalikan na kayo nang hindi mo inaasahan?" Mapait niyang pahayag.

"Hindi kami nagkabalikan, Lara."

Natameme siya.

°Oh, Lara. 'Wag kang maniniwala! Naku! Ipapahampas na kita kay Gigi!°

Ilang segundo niyang tinitigan si Arq habang inirerehistro sa isipan ang sinabi nito. Pagkatapos ay unti-unti niyang naririnig ang sariling tumatawa na parang baliw gayong wala namang nakakatawa sa sinabi nito.

Muli siyang umusal. "God! 'Wag mo na 'kong paikutin sa palad mo, Arq. Tsaka, teka lang. Bakit nga ba tayo nag-uusap nang ganito?"

"Hindi kita pinapaikot sa palad ko. Kahit kailan hindi ko ginawa 'yon."

She can't contain her anger anymore as she yells, "That's bullshit!" She pulls herself up and slams her hand against the table. "Hindi mo na ako mauuto, Arq! Tsaka pwede ba tama na? Okay na 'ko! Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo!"

"D-dahil ba sa babaeng kasama mo?" Nauutal nitong tanong sabay tingin sa kanya na may halong pagsusumamo.

It takes her a moment before realizing that Arq is referring to Gigi. She never foresaw that their act would genuinely convince Arq.

Tumikhim siya bago muling bumanat ng masasasakit na salita, "Kung sino o ano man ang dahilan, wala ka ng pakialam, Arq! Namili ka na. Pinalaya na kita. Noong mga panahong kailangan ko ng paliwanag mo, wala kang ginawang paraan. Ipinagdamot mo sa'kin ang dahilan. Ano'ng inaasahan mo ngayon?"

Saglit siyang tumigil para huminga nang malalim. Kailangan niyang kontrolin ang sarili sapagkat natatakot siya na baka sa sobrang galit niya'y bigla na lamang siyang maiyak. "Alam ko kinakausap mo lang ako ngayon para malinis 'yang konsensya mo. Kung ganon man, quits na tayo, Arq. Hindi mo rin pala nakukuhang mabuhay ng normal, ano?"

°Tama, Lara. 'Wag ka talagang iiyak.°

Sa halip na tumugon ay napayuko na lamang si Arq; habang siya naman ay nanatiling nakatitig dito. Nakokonsensya na kaya ito sa ginawang pananakit sa kanya kaya hindi ito makatingin nang diretso? Kung gayon ay nagagalak siyang malaman na kahit papano ay nakakaramdam din pala ito ng konsensya.

Subalit kailangan pa rin niyang panatilihing nakataas ang bandera gaya ng laging paalala ni Gigi. Kung natalo man siya at napahiya ng mga ito noon, hindi na niya hahayaang maulit pa iyon.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now