"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming madamay sa away niyo!" Pasigaw na reklamo ni Pearl habang sila'y naglalakad.

Wala siyang masabi sa kapatid kaya nanatili siyang tahimik. Ilang sandali pa ay napansin na niya ang ilang estudyanteng naglalakad. Muli niyang nilingon ang main gate at doon niya napatunayang hinaharang na nga ang mga sasakyan.

If this is connected to their issue, she finds it hard to believe that Arq would stoop to such levels.

"Ate!" Biglang sigaw ni Pearl.

Subalit hindi lamang ang sigaw ng kapatid ang naging dahilan ng kanyang pagkagulat. Mas nabigla siya nang maramdaman ang pagbuhos ng tubig sa kanyang kabuuan. Sa inis ay hindi na niya napigilan ang mapamura at nilingon kung saan nanggaling ang tubig na iyon.

Ganon na lamang ang paglukot ng kanyang mukha nang makita ang isang sasakyang huminto malapit sa kinatatayuan niya. Hindi na niya kailangan pang pag-isipan kung bakit nabasa siya ng todo. Nang bumaba ang bintana mula sa passenger side, sumilip ang nakangising mukha ni Shakira.

Kunwari pang nagulat ito at napatakip ng bibig. "Ow, sorry!" Sabi nito sa nakakaasar na tono sabay tawa nang matinis.

Nakahanda na siya sa muling pagtutuos nila ni Shakira nang matuon ang atensyon niya sa pamilyar na sasakyan na bumubusina sa likuran nito. Isang mahabang braso ang lumabas sa bintana at kumaway sa kanya. Mula sa windshield ay naaninag niyang si Andy ang kumakaway— na nakaupo passenger seat.

Mabilis na lumapit sa kanya si Pearl atsaka siya hinila sa braso patungo sa sasakyan nila Andy. Hindi na niya nabigyan ng pagkakataon ang sarili para ipadama kay Shakira kung gaano siya nanggigigil sa ginawa nito.

Basang-basa at nakasimangot siyang naupo sa likurang bahagi ng sasakyan. "Sorry, kung mababasa 'tong backseat."

Nilingon siya ni Andy. "Ano'ng nangyari sa inyo? Lalo na sa'yo?" Nagtataka nitong tanong.

Naunahan siya ni Pearl para sumagot. "Well, may bagong policy daw ang uni at hindi na allowed ang outsiders. So, kinailangan naming maglakad. At dahil malas si ate, nabasa siya noong dumaan si Shakira."

"She didn't simply drive past us, sinadya niyang dumaan sa tubig para matalsikan ako at mabasa nang ganito." Pagtatama niya.

"Bruha talaga." Naiiling na komento ni Andy sabay abot sa kanya ng panyo nito. "May extra akong damit sa locker. Kapag ganito ang panahon, okay lang ang casual wear. Maiintindihan naman ng mga propesor natin."

"Thank you," Ngiti niya sa kaibigan.


IT's the first occasion she finds herself in the administrative office. Lucky for her, no other admins are present at the moment.

Situated in a corner, Andy's desk is visibly more expansive than the other four workstations. As they move closer, she immediately notices that Andy's desk is exceptionally tidy— with no typical picture frames in sight.

Andy puts her stuff on the swivel chair and pulls her towards the door she failed to notice. It brings to mind the Savage's office, which similarly features an adjoining room. But unlike the Savage quarters, this room is equipped only with lockers and a modest pantry, distinctly contrasting with the other office which boasts a cozy ambience with its mini entertainment area, restroom, and home-like pantry.

"Here," Andy said as she handed her the neatly folded white shirt and a pair of denim pants. "Nandoon ang cr." She instructed, pointing towards the corner adjacent to the pantry.

Hindi rin naman siya nagtagal sa pagbibihis. Paglabas niya ay inabutan pa siya ni Andy ng malinis na plastik para ilagay doon ang basang uniform.

"Salamat dito, Andy." Sabi niya matapos ayusin ang sarili.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now