25. The Last Battle Is Coming

603 24 7
                                    

"Gil.." Sabi ni Giselle habang nakayakap si Virgil sa kaniya.

"Kailangan mong makaligtas Giselle."

Kumawala sa pagkakayakap si Giselle. "Gil, tayong tatlo ang tatakas. At kung meron mang mamamatay sa'tin ay mas maiging lahat na lang tayo kesa may masaktan pa."

"Mali ang iniisip mo, Giselle."

"Ano ba ang mali?"

"Makinig ka, Giselle. Kahit ilagan mo ng ilagan ang halimaw na 'yun ay maabot parin kami dahil bukod sa mabilis siya ay malakas din ang pang-amoy. Walang saysay ang ginawa mo kanina. Mamamatay din kami kaya binalikan kita. Kaya ilalayo ko siya para hindi niya kayo maabutan."

"Pero, Gil. Ano ang mangyayari sa'yo?"

"Huwag mo na akong isipin. Mas mahalaga ang magagawa mo sa hinaharap. Baliwala lang ang katulad ko."

Niyakap ni Giselle si Virgil. "Hindi Gil. Kailangan kita. Mahal kita. Hindi ka pwedeng mawala dahil mawawalan ng saysay ang buhay ko. 'Di baling hindi tayo magkasama basta alam kong magkikita pa tayo at buhay ka. Hindi ka na iba sa'kin kaya hindi ako nag-asawa. Hinihintay lang kita pero hindi mo magawa na ligawan ako dahil manhid ka." Nakikinig lang si Virgil. "Kaya hanggang ngayon ay wala akong ibang nagugustuhan dahil sa'yo. Kaya sana Gil, pakinggan mo ako. Ayokong mawala ka sa'kin. Sabay sabay na lang tayo mamatay."

"Alam ko 'yan, G." Ngumiti si Virgil. "Ang isa sa plano mo ay sabay sabay tayong makaligtas 'di ba kahit alam mo ang tinutukoy ko na ilayo ang zombie. Hindi mo siya inilayo dahil gusto mong makaligtas. Pero mailalayo ko siya ngayon dahil hindi ko na gusto pang makaligtas. Kaligtasan niyo na lang ang gusto ko."

"Gil.." Hinawakan ni Giselle ang pisngi ni Virgil. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Ngayong magsisimula tayong muli, gusto mo naman na matapos agad? Gagawa pa ako ng paraan at kung wala nang paraan pa ay mas maiging sabay na tayong--"

"Giselle, hindi ito ang simula!" Putol ni Virgil sa sinabi ni Giselle. Nagkatitigan sila. "Patapos na ito ng pagsasama natin. Kaya hindi kita niligawan kahit alam kong may pag-asa ako ay dahil malas ako sa pag-ibig." Nakatingin lang si Giselle. "Hindi ako naniniwala sa sumpa pero parang sinumpa ako. Lahat ng nagiging girlfriend ko ay sa hiwalayan din nagtatapos. Kahit noong college pa ako. Natatakot ako na sa hiwalayan din tayo magtapos. Ang dalawang naging asawa ko nitong nagdaang sampung taon na magkasama tayo ay nagtapos din sa hiwalayan. Kaya tayo tumagal ng sampung taon bilang magkaibigan ay dahil hindi tayo naging magkarelasyon bilang mag-asawa. Natatakot akong mawala ka kaya ko nagawa ito. May dahilan ang lahat Giselle kaya magkasama tayo hanghang ngayon. Alam ko kung ano ang papel ko sa'yo kaya doon ako masaya. Hindi ito pagsisimula dahil matagal na tayong nagsimula. Ito na ang katapusan kaya hayaan mo na akong iligtas kayo."

Niyakap ng mahigpit ni Virgil si Giselle. "Gil.."

Humiwalay si Virgil. "Sige na Giselle. Ihanda mo ang sarili mo."

"Ayoko--" Tulala si Giselle.

"Hindi pwede Giselle. Mahal kita pero hindi na tayo pwede pang magkasama. Hindi ito sayang dahil alam ko ang ginagawa ko mula pa noon."

Tumingin si Virgil kay Raquel. Niyakap niya ito. "Gil, ano ba?"

"Giselle.." Tumayo si Virgil at hinarap uli si Giselle. "Ang batang ito ang isa sa susi ng pagtatagumpay mo bilang isang pulis. Kaya nakikiusap ako Giselle. Hayaan mo na akong iligtas kayo."

Umatras si Virgil. "Gil, hinding hindi kita malilimutan."

Ngumiti si Virgil at mabilis na lumabas. Tumakbo ito at iniwan na si Giselle at Raquel. "GEEEELLL!!" Sigaw ni Giselle pero hinabol na ito ng malaking zombie. May lumabas na luha galing sa mga mata niya. Nakatingin lang sa kaniya si Raquel. "Gil.." Rinig ni Raquel ang pag-iyak ni Giselle. Humarap ito sa kaniya. "Let's go, Raquel. Wala nang oras. Pinasan niya sa likod si Raquel kahit puro pa siya luha. At sinimulang tumakbo.

Habang tumatakbo sila ay umiiyak parin si Giselle. Nakikita nila ang paligid. Papalapit na sila sa Octo Mall.

"20 minutes remaining. All resident, please avacuate!"

Narinig ni Giselle buhat sa malayo. Pero tinuloy lang niya ang pagtakbo.

Sa labas naman ng Rainbow City ay hindi parin mapakali ang Mommy ni Raquel na si Veron. Hanggang sa matulala na lang siya sa isang tabi. Kasama niya si Jackie at Rogene. "Raquel." Parang isang baliw na si Veron na binabanggit ang pangalan ng anak. Hinimas lang ni Jackie ang likod niya.

May isang reporter na nag-uulat sa paligid.

"The last 20 minutes have already announced." May hawak na mikropono ang reporter. "Nakahanda na ang mga missile na gagamitin para pasabugin ang buong syudad. Kahit po ako ay masama ang loob ko dahil isa kami sa mga pamilya na dumadayo sa syudad na ito pero kailangan na pong gawin alang-ala lang sa hinaharap." Masigla pero masamang balita na binalita ito sa TV.

Umiiyak na din ang ibang survivors dahil nalulungkot din sila sa mangyayari.

Patuloy parin sa pagtakbo si Giselle. Nilaksan niya ang loob niya alang-ala lang kay Raquel. Madilim sa buong paligid kaya nakakatakot dahil tahimik. May mga nadaanan silang zombies sa mga avenue na nadaanan nila pero sa gitna sila ng highway tumatakbo.

15 minutes. Tumingin sa relo ang General. Bakas sa mukha nito ang lungkot.

Kahit pagod na ay hindi parin tumitigil si Giselle sa pagtakbo. Hanggang sa sampung minuto na lang ang natitira. "Natatakot ako." Bulong ni Raquel.

"Huwag kang matakot Raquel. Malapit na tayo. Nagbuwis ng buhay si Kuya Gil mo para sa'yo. 'Di ba niligtas niya ang Mommy mo?"

"Opo."

"Kasi matapang siya. Kaya kailangang matapang ka din."

Tumatakbo parin si Giselle hanggang sa nakarating na sila sa Police Station. Karamihan sa lugar ay nadaanan na ng zombies kaya sira sira ang ibang parte ng mga gusali at basag basag ang salamin. Natatanaw na ni Giselle ang tulay. At mula sa tulay ay napapansin niya ang mga nakaharang na zombie kahit madilim kaya tumigil siya. Binaba niya pansamantala si Raquel.

"Ligtas na tayo, Raquel. Magpapahinga lang ako saglit para matakasan natin ang mga zombie na nakaharang sa tulay."

"Opo. Thank you very much."

"No, kay Kuya Gil mo ikaw magpasalamat." Ngumiti si Giselle nang biglang nakarinig sila ng ingay sa bubong.

Tila isang malaking bagay ang bumagsak sa bubungan ng isang bahay na tinigilan nila. Tumingin sila sa itaas nang may nakita silang nakakatakot. Nasa taas ng bubong ang zombie na gustong pumatay sa kanila. Kinilabutan si Giselle at natakot naman si Raquel. Tumalon ito at humarang sa daanan nila.

"Bu-buhay ka pa?" Tanong ni Giselle sa zombie kahit hindi naman ito sasagot at dahan dahan itong lumapit sa kanila. Takot na takot si Raquel na nagtago sa likod ni Giselle.

Virus: Saving RaquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon