4. A Zombie Approaches

893 28 8
                                    

Nasa harapan parin ni Virgil si Giselle. Wala silang ginawa kundi magbulungan lang. "Alam mo G, isang oras na tayo dito. Imbes kiligin ako, naiinip na ako ah." Ika ni Virgil. Medyo dismayado na. "Are you sure na epektibo ang ganito sa sitwasyon ngayon?"

"Ngayon naiintindihan ko na unti unti kung bakit wala kang ranggo."

"Ayan na naman tayo."

"Oh para hindi ka mainip, magkwento ka."

"Ano naman ikwekwento ko?"

"Tungkol sa nangyari sa'yo. Nakipagdate ka ba?"

"Pwede kong ikwento pero huwag kang magseselos ah."

"Kahit yata makipagflirt ka sa harapan ko, hindi ako magrereact. Tandaan mo, payaso ka lang sa paningin ko."

"Ang sakit nun."

"Kilala mo ako, Gil."

"Oo, mas kilala pa nga kita sa sarili ko." Nakatingin lang sa kaniya si Giselle. "Hindi ko akalain na 'yun ang sasabihin mo, grabe naman, G."

"Kung ayaw mong sabihan kita ng hindi mo gusto, alam mo na ang gagawin--"

"Kilala kita?"

"Ganun na nga. Magkwento ka na para hindi ka mainip."

"Well, as I said. Once nagdate kami ng babaeng nakilala ko. Maganda siya, mayaman, may pinag-aralan, pihikan." Nadismaya ang itsura ni Giselle. Na tila para sa kaniya'y 'di kapanipaniwala ang kwento. "Nagustuhan niya ako. Sobrang nagtaka talaga ako. Tinanong ko siya, 'Ano ba ang nagustuhan mo sa'kin? Isa lamang akong pulis, hamak na pulis na walang mataas na ranggo base sa kalidad mo? Ano 'yun gwapo lang?!'"

Biglang binatukan ni Giselle si Virgil. "Hahaha!" Nilapit nito ang mukha sa mukha ng lalaki at hinalikan sa pisngi. "Yung totoo lang ah. At huwag mo nang uulitin 'yun. Makakahalata sila na hindi tayo magjowa dahil sa'kin."

"Totoo 'yun ah. Grabe ka Captain G."

"Hosya tuloy. Basta may katotohanan ah. Para may magawa tayo."

"Ang sabi niya, 'Hindi ko alam. Baka nga gwapo ka. Masaya ako pag-kasama ka. Lagi akong nakatawa' sabi niya."

"Alam mo, kaming mga babae, minsan inosente sa mga payaso. Baka never siyang nakakita ng katulad mo before?"

"Ganun ba 'yun Kapitan? Alam na alam mo ah. Ganun ka din ba?"

"Hindi ah. Sawang sawa na ako sa mga katulad mo. Ang gusto ko naman 'yung matino."

"Paano mo nasabi ang tungkol doon?"

"Wala lang. Dahil malawak ang imagination ko. 'Yan ang pagkakaiba natin kaya bukod sa mas magaling ako sa'yo, wala kang ranggo."

"Pwede ba Kapitan, itigil mo na 'yang walang ranggo factor na 'yan. Sampal sa'kin 'yan eh."

"Oo na. Kilala mo ako o mas gusto mong ganito ako."

"Kilala mo ako G. Wala akong nagawang tama sa paningin mo. Kaysa magpanggap akong--"

"Matino?"

"Hindi! Magpanggap na iba ang ugali, magpakapeke. Hay naku, G."

"Captain, papasok na ba kami. Isang oras na." Rinig ni Giselle matapos tumawag ang isa niyang tauhan.

"Hinay hinay lang muna."

Nagtaka si Virgil. "Bakit ako magpapa--"

"Hindi ikaw ang kausap ko." Nadismaya na naman ni Virgil. "Kailangang ipakita niyong may hawak kayong bible. Batiin niyo ang mga tao. Kunyari, mga sindikato kayo na nanghihingi ng pera. Ayos lang basta maisip nilang hindi kayo pulis."

Virus: Saving RaquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon