2. Rainbow City

1.1K 39 9
                                    

"Train to Rainbow City!!" Dinig ni Veron na sabi ng isang dalagang maraming kasama. No choice siya kundi makinig sa usapan sa gilid.

"Sure ba kayong project ang pinunta niyo?" Sabi naman ng kasama nito.

"Enjoy life, enjoy every second of your life. 2 in 1 'diba? Project plus enjoyment!" Napansin ni Veron na lima silang magkakasama ayon sa mga itsura nito.

"Jackie, pwedeng bang paki ulit 'yung sinabi mo? Kukunan ko ng video." Hiling naman ng isa. Napansin ni Veron na nag-iisa sa lima ang lalaki sa dulo. Busy sa kakatext.

"Rogene, tingin sa video. Para 'to sa documentary.."

Nagsimulang magsalita si Jackie at tumingin silang lahat sa video.

"Train to Rainbow City!!"

Sabay pinutol ang video. "Next video kapag-nasa terminal na. Maglalakad tayo palabas ng train. Rogene, 'yung script natin gawin mo na."

Sumagot si Rogene. "Bakit kasi may script pa?"

"Kailangan 'yun para maiwasan ang take 2. Time is gold."

Napailing lang si Rogene. Napatingin si Veron sa anak niyang si Raquel. Napansin niya na nakikinig lang ito sa grupo na nasa harapan nila.

"Mommy, how many hours our travel does it take?"

"I think anak, mga dalawang oras pa." Nakangiting sagot nito.

"Matagal pala."

"Oo anak kaya kumain ka kung gusto mo."

After minutes ay nagsalita na si Rogene. "Pwede na ba 'to?"

Binasa ng kasama niya ang script. "Andito na tayo sa Rainbow City. Ngayon makikita natin ang ganda ng syudad. Let's go!" Binasa ng kasama niya.

"Pwede na and then, tatakbo tayo palabas then cut. The next video will be on the next destination. Sa Octo Mall entrance."

"Teka." Sabat ng isa. "Kailangan nating magvideo habang nakasakay tayo sa cab."

"Oo nga pala. Pero wala na tayong script. Papatungan nalang natin ng music 'yung part na 'yun. Magdagdag din tayo bago sumakay ng cab."

_

Nasa isang apartment si Giselle at Virgil. Kapwa kakagising lang nila kaya panay na ang tawag kay Giselle. Kinapa ni Giselle ang phone niya. Tinignan habang nakahiga. Napansin niya na nakadantay ang paa ni Virgil sa kaniya. Inalis niya ito nang pwersahan para magising na din ang katabi. Napansin ni Virgil na umaga na pala. "Teka, anong oras na." Sabi nito habang nakatingin kay Giselle habang bumabangon.

"Bumangon ka na." Utos nito at dumiretso sa banyo.

Nag-ayos siya sa sarili habang hinihintay si Giselle. Maya maya lang ay lumabas na ito ng banyo. "Kilala mo ako. Sanay akong hindi na kumakain." Bagong ligo na ito at nagpupunas ng buhok.

"Ano ang susuutin ko?" Tanong ni Virgil.

"Kumuha ka nalang ng t-shirt ko diyan."

"Whhat?!"

"Stretchy mga t-shirt ko diyan at pumili ka ng ng pantalon. Sakto sa'yo 'yan. Halos pareho lang naman tayo ng sukat dahil stretchable din 'yan. Nalimutan kong sabihin sa'yo na kailangang hindi kahina-hinala ang itsura natin. Masyadong komplikado ang operasyon."

Bumalik sa higaan si Virgil. "Alam mo Kapitan, sabi nila.. bakla na lang daw ang lalaking papayag na walang mangyayari sa kanila ng babaeng katabi niya sa pagkakatulog magdamag."

"So, ano ang gusto mong palabasin?"

"Confuse ako sa gender ko?"

"BILISAN MO NA!"

"Sabi ko nga."

Pumasok ito sa banyo. "Pumili ka na lang ng pantalon diyan na medyo boyish."

Matapos ang ilang sandali ay nakahanda na sila para umalis. "Sure kang operasyon ang pupuntahan natin? Para akong model nito." Sabi ni Virgil habang nakatingin kay Giselle. Nakashorts lang kasi ito.

Sinuot ni Giselle ang earphone niya at nagsalita. "Sa tingin mo, ano ang una nating pupuntahan?"

Nagulat si Virgil. "Ikaw 'tong dapat nakaka-alam dahil--"

"Hindi ikaw ang kausap ko!!"

"Sabi ko nga. Hindi mo naman sinabing may kausap ka sa phone. Kayo talagang mga babae."

Kinuha ni Giselle ang motor niya at sinuot ang helmet. Nagsuot na din si Virgil.

_

"Welcome to Rainbow City!!" Nakatingin silang lahat sa isang malaking tulay na nag-uugnay sa Rainbow City at ng kalapit nitong syudad.

Nakasakay sila sa Bullet train. Nakikita din nila ang mga sasakyan na dumadaan sa tulay papasok at palabas ng syudad. Sumenyas ang isang babae na icut na ang video. "Wow! Nakikita ko na ang Octo Mall." Sabi ni Raquel habang nakangiting nakasilip sa bintana.

"Nood muna tayo ng movie and then maglilibot saglit. Tapos bukas na tayo magpunta sa Disneyland." Banggit ni Veron sa anak.

"Ate, pupunta din kayo sa Disneyland?" Tanong ng isa estudyanteng kaharap nila na nagdodokumentaryo.

"Oo, 2 days kami dito. Regalo ko sa kaniya kasi mataas ang grades niya."

"Wow!!" Sabay sabay ang mga estudyante.

Hanggang sa nakarating na sila sa terminal. "Andito na po tayo sa Rainbow City. Ngayon makikita natin ang ganda ng syudad, let's go!" Nagtakbuhan ang mga estudyante habang ang isa ay cameraman. Siya lang ang lalaki na tumatakbo din.

Nakangiti lang si Veron habang pinagmamasdan ang mga estudyante.

Rainbow City

Isang sikat ngunit 'di kalakihang syudad. Hinahangaan ito ng maraming turista dahil marami kang makikitang magagandang lugar sa syudad na ito. Kumpleto na kaya sobrang ganda talaga ng lugar.

Sabay sabay silang sumakay sa nakapila na cab. Nagkataon din na kasabay nila Veron ang mga estudyante. "Sasakay po tayo ng cab papuntang Octo Mall." Sabi uli ng isa at kumaway silang lahat. Napansin din ni Veron na kasama sila sa Video kaya kumaway din silang mag-ina. Ang iba ay nakikaway na din.

Umupo silang lahat. "Project niyo ba 'yan? Bakit dito niyo napili?" Interview ni Veron.

"Pataasan po kasi ng grade." Nagtawanan silang lahat.

"Magastos dito." Sabi uli niya.

"Okay lang 'yun Ate. Hindi lang naman project ang pinunta namin."

"Sabagay." Ngumiti lang si Veron.

"Ate, pwede ka bang mainterview? Kasi kailangan din namin ng taong makakausap. Tatanungin namin kayo kung bakit dito niyo naisip magpunta sa Rainbow City."

"Ah eh, sige pero maghahanda muna ako ng sagot."

"Thank you, Ate."

"Yun lang ba ang tanong?"

"Opo. Kasi 30 minutes lang naman ang kailangan namin. Mabilis na sagot lang. Pwedeng kapiraso lang."

"Ah okay. Pwede bang 'cos this place is so amazing?"

Sumingit ang isa. "Oo Ate, medyo bigyan niyo ng buhay."

Bumaba sila mula sa cab. "Ate, wait lang. Kunyare madadaanan lang namin kayo." Yumuko ang babae kay Raquel. "Smile ka ah kasi isasama ka namin sa video."

"Sige po." Simpleng sagot ni Raquel.

"Andito na kami sa..." Bungad ng isa at sabay sabay silang lahat. "OCTO MALL!!"

Tinuloy lang ang pagsasalita. "Kaya Octo mall, kasi meron siyang 8 sides. Ito ang isa sa pinakamalaking mall sa Asia at ito din ang paboritong puntahan ng mga turista." Lumapit sila kay Veron. "Bakit po niyo nagustuhan na dito mamasyal sa Rainbow City?"

"Because this place is so amazing?!" Sabay pang sagot ni Raquel at ni Veron. Buhay na buhay ang delivery kaya perfect para sa pinuno ng project.

Virus: Saving RaquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon