9. Rescuing Survivors

739 20 4
                                    

"Move, move move!!" Utos ng commandant ng dumating na team. Nahati sa tatlo ang grupo nila. Ang iba ay sa kanan at kaliwa. Ang isa ay sa Octo Mall.

Pinasok nila ang mall. Inuunti unti nila ang mga zombie para makarating sa top floor. "Sa sinehan sila ayon kay Arenas." Sabi ng General sa commandant. Kausap niya ito sa communication device.

"Copy."

Inutusan niya ang mga pulis. Nagsi-akyatan ang lahat. Maraming pulis ang pumasok.

"Captain Arenas!" Bungad ng General ng tawagan niya ito.

"Chief? Nasaan na sila?" Kasalukuyan na nakabitin parin sila at panay ang dagdag ng zombies.

"Andito kami isang daang metro ang layo sa tulay. Okay pa ba kayo diyan?"

"Ayos pa naman. Hindi kami aalis hangga't wala ang SAF."

"Andiyan na sila. Nasa loob na ng mall at ang mga sundalo ay nilibot na ang syudad."

"Sige, hihintayin namin sila."

Nakarinig na sila ng putukan sa ibaba. "Andiyan na pala ang mga superhero." Sabi ni Virgil ng marinig ang putukan.

"Just hang on."

Paakyat na ang SAF. Pero may isa sa kanila ang nabagsakan ng zombie na galing sa taas. Nagulat ang mga kasama niya. "Aaaaaaah!" Mabilis na kinagat sa leeg ang pulis. Winasiwas niya ito para tumalsik pero nakagat na siya. Binaril ng kasama niya ang zombie.

"Ayos ka lang?" Tanong ng kasama niya. Bigla itong nangisay kaya binaril na din ito. Nasa pang-apat na palapag na sila. nabawasan na sila ng isa. Tinahak nila ang sinehan. Nakita nila ang sobrang dami na mga zombie na nakapila.

Binaril nila ang mga ito. Baril sila ng baril habang papalapit. Nakita na nila ang daanan papunta sa sinehan. Nasilip nila ang mga nagsisiksikan na zombie. Nang makita sila ay agad silang pinuntahan pero isa-isang nagbagsakan ang mga ito dahil sa putok ng baril.

"Andito kami!!" Sigaw ni Giselle. Hanggang matanaw na sila ng mga pulis. Inubos nila ang mga nakatayong zombie kaya bumaba na sila sa pagkakabitin.

"My gosh! Nangalay ako." Reklamo ni Virgil.

"Salamat sa inyo." Lumapit si Giselle sa mga pulis. "Ako nga pala si Giselle Arenas. Police Captain ng head quarters sa IC." Sumaludo siya sa mga ito. Sumaludo din sila pabalik.

"Ikaw nga 'yan. Kilala kita." Sagot ng commander.

"Mamaya na tayo mag-usap. Iligtas na natin ang mga tao." Tinungo nila ang isang pintuan.

Isa-isang naglabasan ang mga tao. Maraming tao ang lumabas. "Huwag kayong matakot. Basta maging mahinahon lang kayo. Inubos na namin ang mga zombie sa dadaanan natin." Sabi ng commander.

Nang makalabas na ang mga tao ay pinili ni Giselle na sa likod magbantay kasama si Virgil. Nasa harapan ang may mga malalakas na de-kalibreng baril. May bala na sila ngayon kaya hindi na magdadalawang isip na bumaril ni Giselle. Dahan dahan silang naglalakad.

"Clear!!" Sigaw ng nasa unahan. Sumunod na silang lahat na bumaba. Nang nasa pangatlong palapag na sila ay may nabasag na salamin sa itaas. Naagaw iyon ng pansin nila. Hanggang nagsigawan ang mga tao dahil maraming zombies ang bumagsak mula sa kabilang parte.

"MAG-SIALIS KAYO SA PWESTO NIYO!" Sigaw ni Giselle. Nagulat silang lahat.

Mabuti at hindi sa pwesto ni Veron bumagsak ang zombies. Pero malapit ito sa pwesto ng grupo ng estudyante. Sa kasamaang palad ay nakagat ang kasama nila. "KYLIE!!" Sigaw ni Adrian.

"Iwan niyo siya. Infected na siya!" Utos ng isang pulis.

"Kaibigan namin siya!! Kylie!!" Si Jackie naman ang sumigaw.

"Iwan niyo na siya!!" Utos uli ng pulis. Pasigaw ito.

At ang iba ay umiyak na din dahil nakagat ang mga kasama nila. Naging dalawang grupo sila. Nagsisigawan. Agad naman kumilos ang mga pulis. Binaril ang mga nahawa at mga zombie na kumagat.

"Wala na po tayong magagawa! Kailangan silang patayin." Paalala uli ng isang pulis. Dumiretso sila ibaba.

Iyak parin ng iyak ang mga kasama ni Kylie at ang iba. Hinawakan maigi ni Veron si Raquel. Malaki ang mall kaya hindi nila nalinis ang lahat ng parte nito. Umabot sila sa second floor. Mabuti't mabilis si Giselle. Napansin niya ang mga zombie sa itaas. "HUWAG KAYONG TUMULOY. SA KABILA TAYO DUMAAN. SA ITAAS MERON!" Umatras ang mga nasa unahan na balak ituloy ang pagbaba! Nalaglag ang mga zombie pero walang tinamaan. Binaril ng mga pulis ang nalaglag na zombies.

"Sa kabila tayo!" Nakita nila ang hagdan sa kabila. Nagpalit sila ng pwesto. Nasa unahan na ngayon ang grupo nila Giselle.

May mga Zombie din sa paligid ng napuntahan nila kaya binaril nila ang mga nasa itaas. Nalaglag din ang iba kaya nagsigawan na naman ang mga tao. Nahati na naman sila. Kinuha ni Giselle ang isang grupo. Nahiwalay si Veron at Raquel sa mga estudyante. "Kung alam ko lang na ganito sana hindi muna tayo lumabas. Mapanganib." Sabi ni Giselle.

"Napakalaki ng mall. Hindi kayang ubusin ng bala namin ang mga zombie." Sagot ng isang pulis.

"Andiyan na 'yan eh."

Binabaril nila ang mga zombie. "G, masyadong marami ang tao. Maghiwahiwalay tayo." Suhestyon ni Virgil.

"Tama!" Sagot ng ilang pulis. "Para hindi sabay sabay na mahawa."

Ganun na nga ang ginawa nila. Nagpalit ng magazine si Giselle. Kasama niya ang grupo kung nasaan ang tatlong estudyante. Nasa grupo naman ni Virgil si Veron at Raquel. Iba ibang hagdan ang dinaanan nila. Papalapit na sila Giselle sa first floor ng kuyugin sila ng maraming zombies na galing sa salamin na dingding. Sumigaw na naman ang mga tao. Pinagbabaril ni Giselle at ng kasama niyang pulis ang zombie. Pero ang ilan ay papalapit na sa mga taong kasama nila. Tumakbo kasi ang mga ito hanggang makarating sa corner. "Walang gagalaw." Utos ni Giselle habang pinapatay ang mga zombie. Nasa unahan si Adrian at Rogene. Biglang may tumulak kay Adrian. Isang lalaki.

"ADRIAN!!" Sigaw ni Jackie dahil nadapa ito. Tumakbo ang lalaki para tumakas.

"Fuck! Sabi ko walang gagalaw." Biglang sinunggaban ng isang zombie si Adrian.

"Rogene! Tulungan mo si Adrian!" Utos ni Jackie. Hinila ni Rogene si Adrian pero huli na ang lahat. Kinagat na ito.

At ang lalaking tumakbo para bumaba ay nabagsakan ng isang zombie kaya dumiretso ito sa ibaba.

"Bitawan mo siya!!" Utos ni Giselle kay Rogene dahil nakagat na ang kaibigan niya. "Baka mahawa ka nakagat na siya."

Umiyak si Jackie nang tumayo si Rogene. "Oh my god!! Adrian!!" Umiiyak na naman si Jackie habang nakayakap kay Rogene. Tinapakan ni Giselle sa leeg si Adrian. "BAKIT MO SIYA PINATAY?!" Sigaw ni Jackie kay Giselle.

"Wala na tayong magagawa. Mabubuhay sana siya kaso sa halip makatulong ang lalaki na 'yun.." Tinuro niya ang lalaking nahulog sa hagdan kasama ang isang zombie. "Magpapakamatay lang nangdamay pa! Pasensya na. Kailangan na niyang patayin para hindi na niya kayo makagat!" Inis na inis na si Giselle dahil unti unting mababawasan ang mga tao.

Virus: Saving RaquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon