1. Capt. G. Arenas

1.7K 54 10
                                    

"Mrs. Chavez, naku. Nangunguna si Raquel. May chance na maging top uli siya." Sabi ng Teacher kay Veron. Kaharap niya ang Teacher dahil meeting ngayong araw.

Ngumiti si Veron. "Talaga po ba?" Napatingin siya sa mga batang naglalaro. "Actually, malaki ang pagkukulang ko sa kaniya. Kaya kung sino ang dapat pasalamatan dito, siguro 'yung Yaya niya."

"Mana mana din 'yan. At napaka bilis niyang tumakbo. Not official pero halos nabreak niya ang record sa track and field. Napansin ko kasi na medyo athletic siya. Malikot minsan, takbo ng takbo.." Nakangiti lang si Veron habang nakikinig sa teacher. "Our school is always searching for athletic students that's why nirecommend ko siya. Kung papayagan niyo, baka bukod sa math, siya ang irepresent ng school na ito sa track and field this coming October. Alam niyo na."

Napaisip si Veron. "Hm. Why not. But..." Napakunot ang noo ng teacher. "Hindi kaya makaapekto sa ibang subjects 'yan?"

"Hindi Mrs. Chavez. Kami ang bahala. Magbibigay kaming ng konti.. konting oras lang naman at sana si Raquel ay makisama din. Halimbawa, out of school time. May training siya at review. Mababawasan lang naman ang time niyang maghappy-happy or maglaro. Pero huwag kayong mag-alala, hindi naman magtatagal ito. After this event, balik sa normal ang lahat."

Tumango lang siya. "Ah ganun ba Ma'am."

"Opo, Mrs. Chavez. Sa katunayan nga, need talaga ng school si Raquel. Kaya sabi sa'kin ni Sir Natibidad na namumuno sa sports ngayon, gawin ko ang lahat para pumayag ang parent ni Raquel. At syempre ikaw 'yun. And thanks kung papayag ka."

"Well, para sa bata din naman 'yan. Kung lalaki o magdadalaga siya, may achievements na siya sa murang edad pag nagkataon." Ngumiti si Veron.

"Tama po kayo, Mrs. Chavez."

"Oh sige, pero 'yung Yaya niya ang kadalasan na makakasama niya."

"Salamat, Ma'am!"

_

Naglalakad si Giselle at nasalubong niya si Virgil. Nasa loob mismo sila ng presinto dahil mga pulis sila. "Partner G." Tawag sa kaniya nito. Nilampasan lang niya. "Wait Captain G. Arenas.."

"Wala akong mood makipag-usap sa isang payaso ngayon." Tuloy lang siya sa paglalakad.

"Teka muna, ikaw talaga ang sadya ko. Mula nang maging kapitan ka, 4 months ago and 2 weeks, hindi na kita nakasama."

"Dahil hindi na kailangan." Hinahabol siya nito.

"Captain G. Hindi mo na alam ang balita sa'kin."

"Hindi na dapat alamin pa na may pangatlo ka nang anak sa pangatlong babae bali pangatlong panganay mo na."

Isang pulis ang sumaludo kay Giselle kaya binati niya ito bago nagsalita si Virgil. "Grabe ka mag-isip Kapitan. "

Tumigil sa paglalakad si Giselle at humarap sa kaniya. "Pinaka worst na 'yun na wala akong paki-alam kaya kung may sumunod pa doon, mas wala akong paki." Napanga-nga si Virgil. Ganiyan lang sila pero bestfriend sila kung magturingan. Nagpatuloy sa paglalakad si Giselle.

"Bukod doon.. este, hindi totoo 'yun. Actually--"

"Bawal ang actually sa'yo. Hindi bagay.

"Sa tototoo lang, katunayan nga, hay naku. Bagalan mo ang paglalakad. Please. Mag-usap tayo."

"Hindi mo ako girlfriend at hindi tayo magkaaway para sabihan mo ako niyan. Umayos ka."

"Magmamadali ka ba? Inom muna tayo."

Ngayon ay nasa isang lugar sila at umiinom ng konte. "Naging busy ako. Hindi ako ang Kapitan na matapos mapromote dahil ibinuwis ang buhay, ay magiging taga-utos nalang sa mas mababa sa'kin. Kilala mo ako, Gil."

"Alam ko naman 'yun. Pero hindi ba pwedeng makasama kita sa operation. Dating gawi. Parang noon lang." Nagsindi ito ng sigarilyo. Hinabol ni Giselle ng tingin ang sigarilyo habang sinisindihan.

"Hindi ko kasalanan kung hindi ka dito nakadestino. Dalawin mo na lang ako. Pero pinagbigyan lang kita. Sa sasusunod, magpasabi ka naman."

"Alam mo Kapitan, hindi ka parin nagbabago. Kaya hindi ko na dapat itanong kung may boyfriend ka o wala dahil alam ko na ang kasagutan."

"Gil, kilala mo ako."

"Ayan ka na naman sa kilala kita. Puro ka trabaho. Huwag puro trabaho. Maglaan ka para sa sarili mo.." Tumingin siya sa mukha ni Giselle. "Although, hindi nagbabago ang itsura mo na tila hindi napapabayaan, bukod doon, kailangan mo ng social life."

"Hindi ko kailangan ng social activity, I wanna help people."

"Andoon na tayo. Ayaw mo kasi gumaya sa'kin."

"Walang ranggo? May anak sa dalawang babae sa magkaibang lugar. Nagpapakapayaso kahit hindi kailangan." Napakamot ng ulo si Virgil.

"Hindi 'yun. May time ako sa Family or social life. Kung wala akong ranggo, huwag mong isisi 'yun doon. Taon taon maraming pulis ang namamatay. Baka mapabilang ako. Nagsasaya lang ako."

"Kawawa ang babae sa'yo."

"Tigilan mo nga 'yan Kapitan. Labas na sila doon. Iba ang buhay nila sa buhay pulis ko. 'Yung iba nga, hindi naman pulis pero dinaig ako. Nagkataon lang na malas ako sa pag-ibig." Napailing si Giselle bago uminom ng beer.

"Bukas, may pupuntahan ako. May imomonitor kaming lugar. Sumama ka. Buwisit ka. Magtrabaho ka habang nasa bakasyon."

"Yun lang pala."

"Good. Akala ko manggugulo ka lang buong bakasyon."

"Sa sampung taon na magkasama tayo, at apat na buwang naghiwalay, aayaw ba ako? Sana nga, malipat ako dito."

"Hindi ko kailangan ang kagaya mo dito."

"Kapitan ka. Dapat malakas ako. Isang hiling mo lang na ilipat ako dito, pero nakakatampo ka ah."

Ngumiti si Giselle. "I miss you. Hayaan mo, dadating tayo diyan. But for the mean time. Magcharity ka muna. Magkakadahilan ako para hilingin na dito ka."

"Hay naku. Kailangan pa pala 'yun."

_

Nasa kwarto ang mag-ina na si Raquel at Veron. Magkasama silang matutulog. Hawak ni Raquel ang isang barbie doll. Inaayusan niya ito. "Raquel, hindi ka pa ba matutulog?"

"Mamaya na."

"Matulog ka na. May regalo ako sa'yo."

"Regalo? Birthday ko ba Mommy?"

"Ikaw talaga. Ang regalo ay hindi lang sa birthday binibigay. May regalo ako sa'yo. Hindi ito literal na regalo. Matulog ka na. At mamamasyal tayo sa Rainbow City this weekend."

"Talaga Mommy?"

"Oo, reward ko sa'yo kasi sinusunod mo ako!"

"Yehey!!"

"Hosya, matulog na tayo." Ngumiti si Veron. Kinuha ang laruan para makatulog na si Raquel.

Dalawang araw ang lumipas ay dumiretso sila sa isang Bullet Train para magpunta sa Rainbow City.

Virus: Saving RaquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon