[P.D] CHAPTER 2: WISH'S EMBARRASSING MOMENT

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayan, ganyan parati ang argument cycle nila. Mag-aaway 'yung dalawa at laging si Kuya Carl ang taga-awat. In the end, si kuya Carl ang napagti-tripan nila. Maya-maya, dumating narin ang pagkain. Tama, ikakain ko nalang 'to, pati ako naririndi sa mga 'to eh.

Nakakabaliw talaga ang dalawang 'to! Kawawa naman si kuya Carl.

"Bro, kamusta nga pala banda?" tanong ni Kiro kay Silver. Nagulat ako nang biglang humagalpak siya ng tawa.

"Ahahaha tae hahaha!" halos hindi makahingang sabi ni Silver.

Sabihin niyo nga, baliw na ba ang isang 'to? Napatingin ako kay Wish at napansing may kakaibang aura na pumapalibot sa kanya. Nakakatakot na aura.

"Hahaha shet!" tawa parin ni Silver. Biglang tumayo si Zeth at dumampot ng ice cube sa ice bucket at nag-pose ng pang-basketball shooting pose.

*swooop*

*wooosh*

*shoot*

*cough*cough*

"T-tulong! T-Tubiiig!" sigaw ni Silver.

Inihagis lang naman ni Wish 'yung yelo sa bibig ni Silver at tingnan mo nga naman, na-shoot niya ito at dumiretso sa lalamunan niya! What the hell?! Ang angas nun ah! Hahaha! Three points, swak na swak!

"Three points!" masayang sabi ni Wish at nagtata-talon pa sa tuwa. Agad namang binigyan ni Kuya Carl ng tubig si Silver at tinapik ang likod niya. Hindi lang basta tapik, malakas na tapik! Parang kaldag na nga eh hahaha!

"Papatayin mo ba ako Clyde? Hindi lang ako mabubulunan nito kundi magkaka-tb pa! Kung makatapik ka naman parang wala ng bukas!" sigaw niya kay Kuya Carl.

"Last na ah? Ganti lang." nakangiting sabi ni Kuya Carl at tumapik pa siya ng isa pa. Halos napa-ubo na si Silver dahil sa sobrang lakas at dali-dali siyang tumakbo. Hinabol naman siya kaagad ni Silver.

"Hahaha sorry bro! Quits lang tayo!" tumatawang sigaw ni Kuya Carl at napailing nalang kaming dalawa ni Kiro. Nagkatinginan kami at sabay na napatawa.

"Edi kayo na ang sweet. Eeww." sabi ni Wish.

Huh? Anong sweet dun?

"Huh?" takang tanong ko sa kanya.

"Kailan kaya kami magkakasundo ni Silver?" tanong niya at sinubsob niya ang mukha niya sa lamesa. Maya-maya, sumali na sa usapan namin si Mist.

"Pasensya na Zeth ah. Pagtyagaan mo nalang si Kuya kasi ganyan talaga siya eh. Kawawa din kaya ako dyan pag kaming dalawa naman ang magkasama. Hindi kasi 'yan mabubuhay kung hindi nakakapang-asar." sabi niya kay Wish.

"Hays..." sabi ni Zeth at nag-buntong hininga siya. Kitang-kita ko sa mga mata ni Wish na gustung-gusto niyang magkasundo naman sila ni Silver. 'Yung tipong hindi madalas magtalo ba.

"Pero..." napatingin kami kay Mist nang bigla siyang mag-lean sa lamesa at ngumiti kay Wish.

"Ganyan talaga ang totoong Silver. Ganyan siya kapag kasama niya ang mga taong komportable siya, kaibigan niya at lalung-lalo na..." sabi ni Mist at tiningnan niya sa mata si Wish. "Ang taong mahal niya." dugtong niya sabay wink.

'Yun oh! Alam kong kinikiliti na 'yan! Kinikilig na 'yan! Hahahaha!

*pak!*

"Aray Hiling! Ano ba?!" sigaw ko sa kanya dahil hinampas niya ako ng malakas sa braso. Imbes na magsorry siya, inalog-alog niya lang ako.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon