The question lingers, is she capable of leaving Arq? Indeed, the weight of the current circumstances seems to be growing heavier as she becomes more acquainted with her girlfriend. Already burdened by her organizations and ex-lover, the pressure compounds as she learns that the person she deemed ordinary, in fact, holds great importance.

Ano pa kayang klaseng pressure ang darating para maisip niyang iwanan ito? Meron pa ba?

Kasabay ng kanyang pagngiti ay ang marahan ding paghaplos sa pisngi ni Arq. "Hindi magbabago ang isip ko, Arq. Keep that in mind." Paalala niya atsaka pa itinuro ang sentido nito.

In a spontaneous moment, Arq giggles and wraps her in a hug. "Thank you, honey-love."

Napayakap na rin siya rito.

Kahit na tensyonado pa rin ay nagawa na niyang bumaba mula sa sasakyan. Makailang beses pa siyang huminga nang malalim bago maramdamang medyo kumakalma na siya. Tiwala siyang aalalayan naman siya ni Arq.

Naglakad sila papasok sa mansyon nang magkahawak ang kanilang mga kamay. Sobrang namamangha siya sa mga nakikita. Mukha pa rin siyang ignorante ngayon sa kabila ng ilang beses na niyang pakikihalubilo sa mga mayayaman. Wala naman kasi sa mga iyon ang kasingyaman nila Arq. Hindi pa siya nakakapasok sa mansyon kaya nalulula siya sa laki ng bahay nila Arq ngayon.

"Dito tayo." Nakangiti nitong saad atsaka siya marahang hinila patungo sa isang parte ng bahay.

Napag-alaman niyang iyon pala ang dining area nang makapasok sila roon. Mabilis na napako ang kanyang paningin sa taong nakaupo sa kabisera ng dining table. Mataman itong nagbabasa ng papeles. Hanggang sa hapag ay abala pa rin ang mayor.

"Dad!" Pukaw ni Arq sa atensyon ng ama.

His wrinkled face is quickly softened by a gentle smile upon spotting them. Arq ushers her to walk towards his father.

As they approach, Arq warmly greets her father with a kiss on the cheek. "Uhh.. Dad, I believe you've met my girlfriend already. Her name is Lara." She added, spontaneously.

The remark captures the Mayor's interest, directing his attention towards her. "Oh, yeah! Yeah. Miss Lara. It's nice to finally see you here. Kung hindi pa nadisgrasya 'tong si Arqui, hindi ka pa namin makikilala."

Nanatili siyang nakangiti sabay tugon ng, "Nice to see you, too, Mayor."

He waves his hand as he casually dismisses her salutation. "Enough with the formality. Ayoko ng masyadong pormal lalo na dito sa bahay. You can actually call me Uncle Gil, or much better, Dad. Whichever you're comfortable with."

"Y-yes, Uncle Gil." She responded with a bit of hesitation.

Tumango-tango ang ginoo atsaka sila niyaya para saluhan ito sa pagkain. Mas napatunayan niyang mabait ang ama ni Arq lalo na ng magpatuloy ito sa pagdadaldal habang sila'y kumakain.

It strikes her as odd when affluent people deviate from proper table etiquette. There seems to be no problem with Arq's family, yet she believes they conduct themselves appropriately at formal events.

Her uneasiness gradually subsides as time passes. She can even partake in the conversation, so much so that she laughs along with them. Moreover, she notices the constant glances that Arq directs at her, which she perceives as more intimidating than talking to her dad.

Nang matapos silang maghapunan ay nagpaalam na sa kanila ang ginoo. Marami pa raw kasi itong kailangang gawin kaya nanghingi ito ng paumanhin sapagkat hindi sila masasamahan ni Arq. Napakabait talaga.

Ilang sandali matapos umalis ng ama nito ay niyaya naman siya ni Arq na libutin ang paborito nitong tambayan sa mansyon. Nasa kalagitnaan na sila sa pag-akyat sa napakagarang hagdan nang masalubong nila si Heathe. Para itong wala sa sarili dahil nilagpasan pa sila nito na para ba'ng hindi sila nakita. Kinailangan pa itong tawagin ni Arq.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now