Chapter Two - Lost Souls

Start from the beginning
                                    

"Kanina. May mga nakikita akong mga tao dun sa tuktok. Sumisilip. Yung iba, sinubukang bumaba pero malalim daw masyado yung kinahulugan natin kaya kelangan ng helicopter."

"O asan na?" tanong ko habang pinupunit yung piraso ng damit ko para ilagay sa tuhod ko.

"Kaninang pang alas siyete yon. Sabi nila after two hours, meron na..." tumingin siya sa relo niya na basag na pero gumagana pa din. Kita ko kahit malayo, yung lamat. "...alas dose."

 "Asa ka pa. Ganyan naman lagi dito sa bansa natin eh. Tss. Ang bagal bagal rumesponde." pagka-bitter ko. Ang sakit na din kasi ng buong katawan ko. Marami ng nawalan ng buhay. At marami pang maaaring mamatay kung wala pang dumadating na tutulong.

Tumingin siya sa may kinauupuan ko at nag-smirk. At inilayo na ulit ang tingin mula sakin at ibinalik ang atensyon niya sa girlfriend niya na tulog na tulog pa din sa lap niya. Napangiti ako. Mahal na mahal niya yung babae.

Tapos biglang pumako sa isipin ko ang pagnanasa na magkaroon din ng magmamahal sa kin tulad ng ganiyan. Hindi naman masamang mangarap, di ba? Pero siguro. Hanggang pangarap lang ako.

Pero okay na din yun. Atleast kahit sa pangarap lang. Masaya ako.

"Huwag kang ngumiti. Hindi mo bagay." may narinig na lang akong nagsalita.

Tss. Eh di wag.

Inalis ko na yung ngiti ko at pinagpatuloy ko na ulit punasan yung mga sugat ko.

Isang oras pa ulit ang lumipas pero wala pa ding rumeresponde. Tss. Yung mga magulang ko kaya. Asan na? Wala silang pake sakin. Sabagay. Siguro nga hinihiling nilang namatay na lang sana ako e.

Nababagot na ko. Naglakad ako papalpit kay Titus. Well, obviously po wala po akong choice. Umupo ako sa harapan niya. At tulog pa din yung girlfriend niya. "Aba, tulog-mantika pala yang girlfriend mo." asar ko sa kanya. "...kanina pa siya tulog a."

Ngumiti siya. (Ang hot ng smile niya. Mas gwapo pala siya pag malapitan kahit may sugat sugat ang mukha. E anghel din naman tong gf niya kaya ok lang. Bagay sila) "Syempre. Kailangan niya ng energy para gumaling agad mga sugat niya." sagot niya.

"Bat di ka matulog? Kailngan mo din kaya ng energy." usisa ko pa.

"Okay lang. Nasa lap ko na yung energy ko."

"Tss. Korni mo." ang bitter kong sagot.

Napatingin ako dun sa babae. Napaka-peaceful niyang tignan kahit sugatan at duguan siya. Ang ganda niya. Tinignan ko siya dahan dahan mula sa ulo. Hangang-hanga ako sa ganda niya. Pero pagdating ko sa may tiyan niya. Nakita ko ang tiyan niya na may dugo. Pero hindi yung dugo ang napansin ko.

Napansin ko na... Hindi na siya humihinga.

Tumingin ako kay Titus. At nawala na yung ngiti niya. At sinabi. "Alam mo na."

"Umm. D..di ba sabi mo kanina nagising siya? A..a..at nagpapahinga lang siya, di ba?" hindi ko  alam kung pano ko sasabihin sa kanya.

"Nagising siya..." at tumulo na yung luha niya. Nagulat ako. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. "...at nagpaalam siya sa kin..." humagulgol pa siya. Parang tinutusok ang puso. Ako ulit ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon ang lalaking ito. Kung hndi ako lumayas, hindi mamamatay ang pinaka-mamahal niya. "...pagkatapos niyang sabihin na mahal na mahal niya ko..." nagpatuloy lang siya sa pag-iyak.

"...natulog na siya, panghabangbuhay."

Hindi ako marunong magcomfort. Wala pa akong cinomfort sa buong buhay ko. Pero ewan ko. Parang maliliit na karayom yung mga luha niya na bumabaon sa puso ko.

Niyakap ko siya bigla. 

Ayaw sakin ng lalaking ito. Alam ko. Kaya feeling ko itutulak niya ako palayo ngayong yakap-yakap ko siya.

Pero hindi. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now