Chapter Twenty-four

7K 209 2
                                    

Pasensya na po at natagalan ng update. Tinamaan ng matinding writer's block si ako eh. He-he

Heto na po.. Enjoy!

–Jamie ^^

* * *

Richiel

Masaya kaming lahat nang matapos ng matiwasay ang binyag ni baby Danielle. Lahat ng taong um-attend sa binyag ng bata, na halos puro impleyado ni Cashmere sa firm pati na rin ang mga kaibigan ni Jemimah, ay talagang nag-enjoy. Pinagtulungan kasi ng magkapatid ang mga kailangan sa binyag ng bata. Mula sa mga pagkain na ang bistro nina Jemimah ang nag-cater, photo booth na pakana din ni Jemimah, may inarkila pa silang mga photographer para kuhanan ang event, at ang pagrenta nila sa kalahati ng resort sa tulong din ni Cashmere. Kaya pagdating namin sa bahay ng gabing iyon ay pagod na pagod kami.

Ganito din kaya ang gagawin niya kapag nagka-anak kami?

Napailing ako sa naisip ko'ng iyon. Bakit ba ako nag-iisip ng imposible?

Hindi masamang mangarap.

"Tulog na si Danielle?" narinig kong tanong ni Jemimah pagpasok niya ng kuwarto   namin.

"Knockout pati ang kapatid mo," nakangiting sagot ko saka humiga na sa kama. Bigla ay nakaramdam ako ng ginhawa pagkahiga sa malambot na kutson. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong maghapon.

"Pagod ka na?" tanong pa niya nang tumabi siya sa akin sa kama.

"Sobra. Magbihis ka na para makatulog tayo," humihikab na sabi ko naman. Inaantok na talaga ako.

"Okay."

Hindi ko na namalayan ang pag-alis ni Jemimah sa tabi ko dahil kinain na ako ng antok. Naalimpungatan na lang ako nang may maramdaman akong mainit at madulas na bagay sa kaselanan ko. Gulat na bumangon ako para lang muling mapahiga nang paibabawan ako ni Jemimah.

"Shh. Relax. It's just me," bulong niya habang hinahalikan niya ang puno ng tenga ko.

Napaungol na lang ako sa ginagawa niya. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginagawa niya kani-kanina lang. At ngayon ko lang namalayan na pareho na kaming walang saplot sa katawan.

Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan ang ginagawang "kapangahasan" ni Jemimah sa akin.

Napahawak ako sa balikat niya nang bumaba ang halik niya patungo sa dibdib ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sariling mapaungol.

"J-Jem..."

"Moan for me, love."

When she put a finger inside me, I moan loudly. Just like the way she wanted.

* * *

Inaantok na iminulat ko ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Inis na napaungol ako saka nagtalukbong ng kumot. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa walang tigil na pagromansa ni Jemimah sa katawan ko kagabi. Parang mas gusto ko pa'ng matulog na lang maghapon.

"Love, wake up."

Hindi ko siya pinansin at isinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan.

"Rich, pag hindi pa tayo bumangon siguradong gigibain na ni Dustin ang pinto natin."

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now