Chapter Twenty-three

7.1K 228 6
                                    

Richiel

Nahihilo na ako sa maya't-mayang pagmanhik-manaog ni Jemimah habang nasa emergency room ang kapatid niyang si Dustin. Bigla kasi siyang dinugo habang nasa firm at busy sa trabaho. Kaya mula pa sa Lucena ay bumiyahe kami ni Jemimah ng mahigit apat na oras papuntang Calamba at naabutan namin si Cashmere at si Nanay Gina sa labas ng emergency room.

Ang dahilan kung bakit hindi makali si Jemimah ay dahil kailangang i-CS si Dustin kahit pitong buwan pa lamang ang sanggol. Masyado nang mahina ang katawan ni Dustin at hindi na niya kaya pang i-handle ang stress kaya s-in-uggest ng doktor na idaan na si Dustin sa cesarean section para maligtas siya at ang bata. Wala na rin ibang nagawa si Jemimah kundi ang pumayag sa suhestiyon ng doktor.

"Jem, maupo ka nga. Nahihilo na ako sa ginagawa mo," reklamo ko sa kanya saka hinila siya paupo sa mahabang upuan.

"Nag-aalala lang ako. Alam naman natin pareho na posibleng magkaroon ng komplikasyon ang bata dahil kulang siya sa buwan. Posible din na may masamang mangyari kay Dustin—"

Tinampal ko ang bibig niya kaya natigil siya sa pagsasalita. "Hindi nakakatulong sa sitwasyong ito ngayon ang pagiging nega mo. Ang isipin mo magiging okay si Dustin at ang baby niya. Na magiging ayos ang lahat. Trust in Him and His plans, okay?"

Sandali siyang tumitig sa akin saka tumango-tango. Napangiti naman ako saka niyakap siya.

"Bibili lang ako ng makakain. Ano ang gusto niyo?" pukaw sa amin ni Cashmere.

Nginitian ko naman siya. "Kung ano na lang ang meron," sagot ko.

"Okay."

"Boss."

Nagtatakang tinignan ko si Jemimah nang tumayo siya at lumapit kay Cashmere.

"Salamat sa pagtulong mo sa kapatid ko. Kung wala ka, baka kung ano na ang nangyari sa kanila."

Tinapik naman siya ni Cashmere sa balikat. "Wala 'yon. Alam ko naman na kung sa akin nangyari iyon, ganoon din ang gagawin mo."

"Salamat."

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa dalawa. Hindi talaga sila mapagkakamalang amo at empleyado dahil kita sa kanila ang pagiging magkaibigan.

"Sige. Balik din ako agad," paalam ni Cashmere at umalis na. Bumalik naman si Jemimah sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi bago sumubsob sa balikat ko.

May kalahating oras din ang lumipas na katahimikan nang lumabas ang babaeng doktor na tumingin kay Dustin. Mabilis na tumayo si Jemimah at nilapitan ang doktor. Nakasunod naman kami ni Nanay Gina sa kanya.

"Kamusta na po ang kapatid ko, Doc? Ang bata?" tanong ni Jemimah.

"They are both safe now. Mabilis mag-repond ang kapatid mo sa mga gamot na ibinigay namin sa kanya. In two weeks time puwede na siyang makalabas. As of the baby, it's a girl. And I must say, healthy ang bata. Wala pa kaming nakikitang puwedeng maging komplikasyon sa kanya. We're still waiting for her test results. But she needs to stay in the incubator for the next two months para mapunan ang kulang na buwan para sa complete development niya. You can see them in an hour."

Nakahinga naman kami ng maluwag sa sinabing iyon ng doktor. Thank God!

"Salamat po, Doc," ang sinabi na lamang ni Jemimah sa duktor. Nang makaalis ang ginang ay bumaling naman siya sa akin. "Dito ka lang. Aayusin ko lang ang mga kailangan para makakuha tayo ng private room para kay Dustin."

Nakangiting tumango naman ako. Nawindang lang ako nang bigla niya akong halikan sa labi at basta na lang umalis. What the hell...

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz