Chapter Nineteen

6.6K 216 4
                                    

Richiel

Nilibot ko ng tingin ang buong opisina ni Jemimah. Maganda. Malinis. Mas malaki kesa sa home office niya sa Lucena.

Himala at isinama niya ako dito sa opisina niya sa Calamba. Natapos na kasi ang kasong hinahawakan niya sa Lucena. Napansin yata niya na nabo-bored na ako sa bahay lalo na't madalas siyang wala. Ang hirap ng walang trabaho.

Nilapitan ko ang bookshelves na nandoon. Sa isang part ng shelf at puro educational books. Ang iba naman ay pocketbooks, hardbound, at paperback novels. Mostly Dan Brown, Patricia Cornwell, Sandra Brown, Sue Grafton, Suzanne Collins, and E.L. James.

Napataas ang kilay ko pagkakita sa complete set ng Fifty Shades. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan ng pagiging mahalay niya minsan. Christian Grey lang ang peg.

Napatingin naman ako sa iilang pirasong pocketbooks. Nagbabasa din pala siya ng PHR at Harlequin Mills & Boons? Hindi halata.

Looking at her own set of books, hindi maitatangging isa siyang bibliophile. Halos kumpleto na kasi ang bawat series na meron siya. Nabasa na kaya niya ang lahat ng ito?

"Want to read some?"

Gulat na napalingon ako kay Jem nang magsalita siya mula sa likod ko. Jusko! Parang aatakihin ako sa puso dahil sa gulat!

"Ano ba?!" bulyaw ko sa kanya saka hinampas siya sa balikat. "Bakit ka ba nanggugulat?!"

"Aray! Sorry na! Masyado ka namang magugulatin," komento niya habang minamasahe ang braso niyang hinampas ko.

Inirapan ko na lang siya. Kainis din itong babaeng ito minsan. Alam naman na niyang magugulatin ako. Minsan talaga ay nananadya na siya.

Kinuha ko ang isang hardbound book ni Dan Brown na ang title ay Inferno. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa price tag ng libro.

"Forty-five dollars?! Seryoso?" gulat na bulalas ko saka nilingon si Jemimah. "Bumili ka ng libro na mahigit dalawang-libong piso ang halaga?"

Nagkibit lang siya ng balikat. "Book enthusiast ako. Tsaka nabili ko 'yan two weeks pagkatapos ma-release. Since I'm a big fan of Dan Brown, binili ko na ang first edition. Aabutin pa kasi ng isang taon bago 'yan dumating dito sa Pinas."

Tinuktok ko sa noo niya ang libro. "Maluho ka masyado," ang nasabi ko na lang saka umupo sa sofa na nandoon. Hindi ako familiar sa genre ni Dan Brown kaya ito ngayon ang trip kong basahin.

"May connection ang story na 'yan sa Map of Hell ni Botticelli," komento ni Jemimah nang tumabi siya sa akin.

Isinara ko ang libro saka tinignan siya ng masama. "Eh, kung ginawa mo na lang kaya ang trabaho mo kesa spoil-in ang binabasa ko?" malambing na sabi ko sa kanya na may halong sarcasm.

Tumawa naman siya saka itinaas ang dalawang kamay. "Okay. Babalik na ako sa trabaho ko. Pasensya na."

Napatawa na lang ako ng mahina nang bumalik siya sa desk niya at nagsimula nang magtrabaho. Ibang klase din ang babaeng ito.

"Jemimah's a rape victim. She only did that to protect her sister and herself."

Natigilan ako pagkaalala sa sinabing iyon ni Eunice isang linggo na ang nakaraan. Simula din ng gabing iyon hindi na uli binangungot si Jemimah. Kung nangyari man uli iyon, malamang hindi ako aware o sinasarili na lang niya. Wala na tuloy akong dahilan para matanong siya tungkol sa bagay na 'yon. Iba pa rin kasi kapag sa kanya mismo nanggaling.

Tama nga ang sabi nila. Kapag mahal mo ang isang tao, malalaman mo ang mga sikreto at nararamdaman niya.

At kung pagmamasdan ko si Jemimah ngayon, ramdam kong hirap pa rin siyang makaalis sa nakaraan. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay takot pa rin siyang magkuwento tungkol doon.

Mga katok sa pinto ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip. Gawa naman sa transparent na salamin ang pinto at pader kaya kita agad kung sino ang tao sa labas. Agad akong tumayo nang makita kong si Atty. Cashmere Cuervas iyon. Ang "boss" ni Jemimah. Siya lang naman kasi ang may-ari ng firm na ito.

"Good afternoon, Boss!" masiglang bati ni Jemimah kay Cashmere.

"Good afternoon," nakangiting sabi naman niya saka siya bumaling sa akin. "Hi, Richiel," bati naman niya sa akin.

Nginitian ko naman siya saka tumango. Matagal na noong huli kaming nagkita. Iyon ay noong on the loose pa si Danica.

Natigilan ako. Speaking of her, wala pa akong nababalitaan tungkol sa babaeng 'yon. Kaya hindi ko alam kung threat pa siya sa amin o hindi na.

"I just want to congratulate you for another job well done. Ready to take another case?" tanong ni Cashmere.

Umiling si Jem. "Not for now. Kailangan kong tulungan si Eunice sa bistro kasi may personal siyang problema na kailangang resolbahin. I'm taking her place for the mean time."

Napaisip ako bigla habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Lalo na kay Atty. Cuervas. May alam din kaya siya tungkol sa nakaraan ni Jemimah?

* * *

N

ailibot ko ang paningin ko sa interior ng bistro na pag-aari nina Jemimah, Eunice, at Ariella. Malaki pala ito kesa sa inaasahan ko.

May malaking bar counter sa isang tabi kung saan puwede kang um-oder ng kahit ano'ng liquor. Mas malaki naman ang space para sa mga silya at lamesa. Sa bawat gilid naman ay may mga painting. Mostly abstract. Mataas din ang kisame kung saan nakasabit ang mga chandelier na may iba't ibang disenyo. Nakapalibot din sa bawat poste ang iba't ibang kulay ng led Christmas lights.

Pero ang pumukaw sa akin ay ang stage na may naka-set nang mga instrumento. Mukhang may bandang tutugtog ngayong gabi.

"So, what do you think?" tanong sa akin ni Jemimah na nasa tabi ko na pala. Galing kasi siya sa kusina kanina.

"Ang ganda. Simple yet inviting. Malamang masarap din ang pagkain niyo dito dahil sa dami ng tao ngayon," nakangiting sagot ko sa kanya.

"You can say that. Maganda lang siguro ang marketing strategy ni Eunice kaya nakilala agad itong bistro."

"Ang cute nga ng ipinangalan niyo dito. Jea's Bistro. Galing iyon sa initials niyong tatlo, di ba?"

Tinap naman ni Jemimah ang noo ko. "Ang galing! Paano mo nahulaan?"

Inismiran ko lang siya sa pagiging pilosopo niya. "Obvious naman na masyado. Huwag ka ngang ano diyan."

Tinawanan naman niya ako kaya lalo akong nainis sa kanya. Ibang klase din ang attitude ng babaeng ito.

"Kumain na lang tayo. Alam kong—"

"Jemimah? Anak?"

Nagulat ako nang biglang matigilan si Jemimah. Nilingon ko naman ang babaeng tumawag sa kanya ng "anak". Nahigit ko ang hininga ko. Ang babaeng ito, bagama't may katandaan na, hindi maipagkakailang siya ang nanay ni Jem.

Napatingin naman ako sa likod ng babae. Nandoon si Dustin at si Atty. Cuervas. Kahit sila ay gulat din pagkakita sa matandang babae.

Napangiwi naman ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Jemimah sa kamay ko. Nang tignan ko siya ay ganoon na lang ang takot ko.

Ang galit sa mga mata niya, ibang-iba kumpara sa nakita ko na. Ganoon din ang aura niya. Malamig na mapanganib.

Nakakatakot. Parang hindi ito ang Jemimah na kilala ko.

* * *

I'm not good at describing things, especially places... Kaya pagpasensyahan niyo na... :'D✌

Jamie ^^

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now