Chapter Twelve

7.2K 226 11
                                    

Richiel

Naalimpungatan ako dahil may kung ano'ng mabigat na nakadagan sa akin. Si Jemimah lang pala. Napakunot ang noo ko nang maamoy ko ang alak sa hininga niya.

"Nakainom ka," sabi ko sa kanya saka dahan-dahang bumangon.

"Niyaya kasi ako ni Team Leader. Ise-celebrate daw namin ang pagiging ganap kong binata," biro niya sabay siksik sa leeg ko. "Na-miss kita."

Natawa na lang ako. "Kaninang umaga ka lang umalis. Kamusta na nga pala si Dustin? Natanggap na siya sa trabaho?" tanong ko na lang. Nadi-distract ako sa ginagawa niyang paghalik sa leeg at balikat ko.

"Yep. Magsisimula na siya bukas."

"K-kumain ka na?" Damn! Nadadala na ako sa ginagawa niya!

"I want to eat you."

"J-Jem-"

Hindi na ako nakapagsalita nang sunggaban niya ako ng halik. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tugunin iyon.

May ginawa yata siyang sumpa sa akin. Hindi ko siya matanggihan.

* * *

Napaungol ako nang maramdaman ko ang kamay ni Jemimah sa kaselanan ko. Mabilis ko iyong tinapik palayo bago pa man siya may gawin.

"Is this your way of greeting me good morning?" paungol na tanong ko sa kanya. Inaantok pa ako.

"Sorry. You're just too irresistible," natatawang sabi naman niya saka hinapit ako papalapit sa kanya.

Naramdaman ko naman ang hubad niyang katawan sa likod ko. Naalala kong pareho nga pala kaming hubad sa ilalim ng comforter na ito. At aaminin kong natu-turn on ako dahil sa init ng katawan ni Jem.

"Can do another round?"

"May trabaho ako ngayon, Jem," sabi ko saka natalukbong ng kumot.

"Please? Just a quickie?"

"Jem-"

"Surprise! Good morning!"

Pareho kaming napabalikwas ng bangon ni Jem nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng hindi ko inakalang makikita uli.
* * * 
Jemimah

"Danica? Ano'ng ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok dito sa bahay ko?" gulat na tanong ko kay Danica. Tanda ko pang ni-lock ko ang mga pinto kagabi pagdating ko kaya paano siya nakapasok dito.

"A-ano ito? M-may n-nangyari na sa i-inyo?" nauutal na tanong ni Danica imbes na sagutin ang tanong ko.

Tinignan ko si Richiel. Kagaya ko ay gulat din siya. Tanging comforter lang kasi ang takip namin sa katawan.

"Puwede bang sa sala mo na ako hintayin?" inis na sabi ko kay Danica.

Hindi na rin naman siya sumagot pa. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto ko dala ang isang tray na ngayon ko lang napansin. Binalingan ko naman si Richiel na nakatungo lang habang hawak ng mahigpit ang kumot. Kinabig ko siya para yakapin.

"Kakausapin ko lang siya," bulong ko sa kanya saka hinalikan siya sa noo.

"Obsessed na siya sa 'yo. Obvious na simula nang makita ko siya," komento naman niya.

"Sasabihan ko siya para matigil na ito. Tatawagin ko na rin sina Ariella at Eunice. Hindi ko kakayaning pakalmahin si Danica ng mag-isa."

Babangon na ako para sana magbihis nang pigilan niya ako.

"I love you."

Napangiti na lang ako saka hinalikan siya sa labi. "I love you, too."

* * *

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now