Chapter Nine

8.6K 264 2
                                    

Richiel

Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo ako sa isang maliit na bangko na nakita ko. Pasimple kasi akong pumasok sa forward bodega ng Stationery para magpahinga. Nakaramdam na rin ako ng gutom kasi hindi ako nakapagtanghalian dahil sa demo na ginawa ko sa Sales Office. Halos anim na oras din akong nakatayo doon at laking ginhawa ng makaupo ako. Nakakapagod ang araw na ito. Parang gusto ko nang umuwi para matulog.

"Rich?"

Bigla akong napatayo nang makita ako ni Sir Edwin. Nakakahiya! Nasa trabaho pa man din ako!

"Heto. Kumain ka muna," sabi sa akin ni Sir saka inabot ang isang supot na may tatak ng Greenwhich at isang malaking mineral water.

"S-salamat," sabi ko naman saka tinanggap ang inilahad niya. Gutom na talaga ako.

"Magpahinga ka na muna diyan hanggang sa oras ng off mo. Alam kong pagod ka na."

"Sure ka? Baka hanapin ako sa labas?" alanganing tanong ko.

"Ako na ang bahala doon. Basta magpahinga ka na diyan." Iyon lang at umalis na siya.

Napabuntong-hininga na lang ako saka binuksan ang supot. May apat na slice ng pizza. Mukhang alam niya talaga na gutom ako. Ang hirap naman kasing mag-demo lalo na't kaharap ko ang store manager. Buti na lang tinulungan ako ni Jem sa paggawa ng presentation ko. Madali lang sana kaso inulan naman ako ng tanong tungkol sa product na hawak ko kaya iyon nagtagal. Buti na lang pumasa ako. Sulit naman kahit papaano ang pagod ko.

Kamusta na kaya si Jem? Ngayon pa lang nami-miss ko na siya.

* * *

"Ate Richiel, may naghahanap sa 'yo."

Kalalabas ko lang ng forward bodega at iyon ang tanong bumulaga sa akin paglabas ko. Alas-sais pa lang at may isang oras pa bago ang off ko.

"Sino daw?" kunot ang noong tanong ko kay Marson.

"Hindi sinabi. Pero kilala mo daw siya," sagot naman niya saka umirap. "Ingat ka, Ate Rich. Mukhang maarte."

Lalo namang lumalim ang kunot ng noo ko nang umalis siya.. Bakit ba parang kinutuban ako kung sino ang taong naghahanap sa akin? Imposibleng si Jemimah iyon kasi dumadating siya dito fifteen minutes bago ang off ko.

Kinakabahang naglakad ako papunta sa showcase ng Stationery. Lalo akong kinabahan nang makumpirma ko kung sino 'yon.

Si Danica.

Ano naman ang kailangan sa akin ng babaeng ito at sinadya pa ako dito sa mall?

Nag-aalangang lumapit ako sa kanya. "Ehem."

Lumingon naman siya sa akin at agad akong tinaasan ng kilay. "Layuan mo si Jem."

Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Sabi ko na nga ba iba ang pakay ng babaeng ito. "Bakit naman?"

"Hindi pa ba obvious na kami na? Ang lakas naman ng loob mong tumira sa bahay niya samantalang may girlfriend na siya. Mahiya ka naman," nang-uuyam na sabi naman niya.

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa kakapalan ng mukha ng babaeng ito. Halata naman mula pa sa simula na walang namamagitan sa kanila ni Jem. Kung meron, sana hindi na ako binalikan pa ni Jemimah.

"Obsessed ka na," ang nasabi ko na lang saka umiling-iling. Halatang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ano?! Ang kapal—!"

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now