Chapter 29 [Meet the parents]

1K 22 3
                                    

Chapter 29

[Meet the parents]

Pagkalanding ng helicopter sa helicopter pad..

Inalalayan ako ni Nathan makababa.

May sumalubong sa aming isang babae at isang lalaki.

Siguro ayan na yung mom and dad niya. Kaya heto na naman ako, hindi ko na naman alam kung anong gagawin.

Nahihiya ako eh.

Lumapit kami doon atsaka ako pinakilala ni Nathan.

"Mom,Dad, si Mikee po, yung lucky girl na nililigawan ko."sabi ni Nathan atsaka ngumiti.

"Hi iha, nice meeting you. Ang ganda ganda mo naman, ang galing talagang mamili ng anak ko." sabi ni Mrs.Castillo atsaka niy ko hinalikan sa pisngi.

"Thank you po. Nice meeting you rin po.."nahihiya kong sabi.

"Naku iha, bago sa pandinig namin yung sinabi ni Nathan na nililigawan, never pa kasi yang nagpakilala ng babae dito sa amin. At tamang tama lang yan, gusto mo pahirapan mo pa siya." sabi naman ni Mr.Castillo.

"Dad naman, masyado naman kayo. Halika na po sa loob?"-Nathan

"Oo nga iha, pumasok na tayo.. Wag kang masyadong matense, feel at home."sabi ni Mrs.Castillo atsaka ngumiti.

Mukha na siguro akong tense. >.< kanina pa ko kinakabahan eh. Ewan ko ba kung bakit.

Pumasok na kami sa loob ng mansion.

Mansion kasi napakalaki.

Ang mom and dad niya ay naunang pumasok at kami ni Nathan ay nakasunod sa kanila.

"Nathan.."

"Yes babe?"

"Inyo to?" inosente kong tanong.

"Yup..we have  3 houses, sa Q.C, sa Tagaytay and here."

Wow! Yaman..

"Ehh, e di pati yung helicopter inyo rin?"

"OO. para anytime na pauwi uwi kami, hindi kami mahirapan. Teka nga bat ba tanong ka ng tanong?"

"Eh, wala lang, ang yaman niyo pala. :) Siguro ang saya ng maraming pera noh? Yung mayaman."

"Hmm.. To be honest babe, not really."

"Eh bakit naman? Nasa inyo na nga lahat, lahat naman ng bagay nabibili niyo. Di ka pa rin masaya?"

"Masaya, pero may kulang. Tsaka babe correction--"

Huminto kami sa paglalakad, hinawakan niya ko sa magkabilang balikat,  atsaka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera, katulad ng pagmamahal, kaya hanggang ngayon eh nagtitiyaga akong manlimos ng pagmamahal at kalinga mula sayo/ sa inyo."

"But--, yung mom and dad mo? Hindi ka ba nila mahal?"

"Mahal naman nila ko, pero it's not enough, kung sila ang tatanungin mo, baka isagot rin nila kung ano yung isinagot ko.. Kaya babe, wag mo kong iiwan ha, you thought me kung paano mamuhay ng normal, mas masaya pala. Kasi yung mga divisoria experience ko with you, hindi ko naranasan iyon sa buong buhay ko. Ganoon pala kahirap ang buhay at kahalaga ang bawat pera, pero ako nung di pa kita nakikilala puro pleasure ako, doon ko narealize na ganoon pala kahirap ang buhay sa likod ko, pero kahit ganoon kayo masaya kayo ng family mo, kayo nila Lola Carmen. Kaya nga naiinggit ako eh, dun ko naisip na hindi lahat nabibili ng pera. Idagdag mo na yung bonding ninyo, wala kami nun, kasi si Mom and Dad always busy, halos minsan ko na nga lang sila makasama eh."

"Parang hindi rin, wala naman kasi kaming Papa, meron nga,nag-asawa naman ulit simula ng mamatay ang mama, iniwan lang kami.." halos naluluha kong sabi, naalala ko na naman kasi yung araw na iniwan kami ni Papa.

"Iho- tara na, dalhin mo na si Mikee dito, magdinner na tayo." tawag sa amin ni Mom niya

Pinunasan ko yung mga luhang pumatak.. 

Kahit kailan talaga ang drama ko talaga.

After that, nagpunta na kami sa dining area atsaka sabay sabay kumain..

Habang kumakain, nagsalita ulit yung Mom ni Nathan.

"I invited Mr. and Mrs.Fernandez.. na magdinner with us, siguro darating na yun."

Mr.Fernandez? Si Papa kaya yun? Hindi imposible yun. >.< Kaapelido ko lang siguro..

"Oh here they are!"

Tumayo si Mrs.Castillo atsaka sinalubong ang bagong dating, lumingon ako sa pinuntahan niya at nakita ko..

Si Papa nga.. hindi ako maaaring magkamali, may kasama siyang babae at nakakapit pa sa braso niya.

The Chase ✔Where stories live. Discover now