"Ikaw, ah? Habang tumatagal lalo kang kumukulit. Seryoso kang tao, di ba? Bakit ang gaslaw mo na ngayon?"

"Being serious is just an act para katakutan ako ng mga estudyanteng pasaway at ng mga members ko."

Members.

Hindi na niya napansin ang sinabi ni Arq sapagkat naalala na naman niya ang mga co-leaders nito na kumomprontra sa kanya. Ayaw na niyang sabihin pa kay Arq ang tungkol sa pakiusap ng mga ito pero lagi naman siyang nababagabag.

Moreover, isn't it only fitting that they share their thoughts now that they are a couple?

"Uhh... Gaano ka na nga pala katagal na kasali sa mga organizatiions na iyon?" Tanong niya sa paraang hindi siya mistulang nanng-iintriga.

"I think I joined when I was fifteen. Nine years na? Sorry, hindi ako magaling sa math." Sagot nito sabay tawa.

Mukha namang hindi nito napansing nag-uusisa siya.

"Bakit mo naman naisip sumali?" Muli niyang tanong.

"I believe you've met my father, haven't you? As he assumed the role of Mayor, threats began to unsettle our family. Because I am the older one between Heathe and me, I recognize my responsibility to protect our family. It's crucial, given the growing threats from the younger children of those opposing Dad's leadership. As I said, there were attempts to undermine the Youth Organization formed by Dad's associates. These circumstances led me to seek support from groups dedicated to community assistance...

Then I met the Classy Ladies. A month after that, I became the first girl who passed the Silver Hawks' initiation. Kaya kung maka-Queen sakin ang mga gunggong e gano'n na lang." Kwento nito. "Hindi trip ang pagsali ko sa kanila. I really wanted to meet people with the same goal as mine; to protect my dad and our town."

Unti-unti na niyang naiintindihan kung bakit napakaimportante ni Arq para sa Classy Ladies at Silver Hawks. Nakokonsensya tuloy siya. Pakiramdam niya ay napakamakasarili niya.

"Mas mahalaga talaga sa'yo ang kapakanan ng iba kesa sa sarili mong kapakanan, 'no?"

Napatango-tango ito. "Oo naman." Puno ng kompyansa nitong sagot subalit hindi maikakailang may halong lungkot ang tinig nito.

Dahil kaya iyon sa pag-alis nito sa organisasyon?

Para tuloy iyong naging ganap na kompirmasyon ng pagtalikod nito sa samahang pinangangalagaan. Maaatim ba niyang ipagkait kay Arq ang nakasanayan na nitong gawain na tanging nakapagpapasaya rito?

"Then you don't have to quit." She stated suddenly.

Nasa isipan lamang niya iyon subalit wala talagang preno ang kanyang bibig kaya huli na para mabawi pa ang nasabi. Hindi na rin nakapagtataka nang gulat na mapatitig sa kanya si Arq.

 "H-how did you know about that?" She scrutinized her as if she said something unbelievable.

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi talaga siya marunong maghinay-hinay kaya mukha tuloy siyang sumbungera.

"Lara..." Arq called with firmness in her voice.

"Uhh... Uhmm.." She hesitates.

"Don't lie."

Arq cornered her completely, prompting her to lower her gaze.

"They talked to you, right?" She asked in a serious tone.

Hindi niya alam kung paanong pagtango ang gagawin niya. Basta ang alam niya'y tumango siya.

Inhaling profoundly, Arq prepared to speak. "They've got to be kidding me. I already explained, it wasn't because of you."

"Arq, 'wag ka ng magalit sa kanila. Kinausap lang naman nila ako. Atsaka, hindi mo naman kasi talaga kailangang mag-quit." Maagap niyang paliwanag.

The furrow on her forehead deepens as she looks at her. "Believe me, it's not because of you, Lara."

Ouch naman. 

Naisip na rin niya na baka hindi naman talaga siya ang dahilan ng pag-alis nito sa organisasyon; sadyang sinisisi lamang siya ng mga co-Queens nito.

Natahimik siya.

A frustrated sigh escapes Arq's lips as she draws her closer.  "Sorry. What I mean is, they shouldn't blame you. It was my own decision to quit."

Tiningna niya ito. "Pero hindi mo pa rin naman kailangang gawin 'yon, Arq. Nabanggit nila sakin na iyon ang pinakagusto mong bagay na makamit— ang maging Queen of the Ladies. At... k-kailangan ka nila."

With a vacant expression, Arq returns her gaze. She has no insight into her thoughts.

Resigned, she says with a sigh, "I'll talk to them again."

"Pag-isipan mong mabuti, Arq. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan mo."

Bahagya itong ngumiti sabay hawak sa kanyang pisngi. "Don't say that, honey. 'Wag mo na lang silang pansinin, okay?"

She acknowledges with a nod before they delve back into their meal.

"'WAG ka munang matutulog, huh?" Muli na namang paalala sa kanya ni Arq.

Kasalukuyang nakahinto ang sasakyan nito sa tapat ng kanilang bahay at pababa na sana siya nang marinig ang pahayag nito.

 "Opo." Pabiro niyang sagot.

Arq breaks into a light chortle. "'Wag mo 'kong ino-opo. Para naman akong matanda niyan e."

"Oo na. Hindi ka ba papasok?"

She dismisses the offer with a shake of her head. "I think I better go. I still have a few tasks to wrap up for tonight, and considering we'll be having a video call, it's best for you not to stay up too late."

"Totoo ba talaga 'yan?" Pigil-kilig niyang tanong.

"Sinungaling ba talaga ang tingin mo sa'kin? Besides, masama bang mamiss ka?"

Wala na naman siyang naisagot sa nakakakilig nitong tanong. Tinamaan na ng lintik at muli niyang naramdaman ang pag-init ng kanyang pisngi. Mabuti na lamang ay medyo madilim sa sasakyan; mukhang hindi pansin ni Arq ang itsura niya.

"O sige na, baka maihi ka na sa sobrang kilig mo. Goodnight, honey." Anito atsaka lumapit sa kanya para halikan siya sa noo.

Napapikit siya saglit para namnamin ang pagkakataong iyon. Ngiting-ngiti si Arq nang makalayo ito.

"Goodnight. Ingat ka." Ang tangi na lamang niyang tugon bago balingan ang driver nito. "Manong Gani, ingat po sa pagdi-drive, huh?"

"Yes, ma'am." Sagot ng ginoo na sumaludo pa sa kanya.

"Ang sweet naman ng girlfriend ko." Puna ni Arq sabay pisil pa sa baba niya.

Imbes na pansinin nang pansinin ang kilig na nadarama ay sinakyan na lamang niya ang trip ni Arq.

"Tagal na. Di mo lang naa-appreciate." Biro niya na pareho nilang ikinatawa.

Before letting her go, Arq plants one final swift kiss on her lips. With the driver's assistance, she gracefully disembarks from the car. Standing outside, she watches until the vehicle is out of sight before entering their home, her face adorned with a joyful smile.

◈◈◈

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now