Chapter 26: Lips of a Flower

Start from the beginning
                                    

"Iyak mo lang yan Ches, cry all the pain inside your heart because after that oasis of love will be in you to mend and aid your broken heart." wika ko, wala naman kasing masama sa pag-iyak hindi naman yun nangangahulugan ng kahinaan dahil ito'y nangangahulugan lamang na gusto mong mabawasan ang bigat at sakit na iyong nararamdaman.

Shedding tears is the only way to ease down too much ache in our tormented soul and sometimes to show too much ecstacy in our hearts.

"Ches, move on sa ganda mo ba namang yan madali ka lang makakahanap ng new handsome boyfriend." dagdag ni Sophia na nag-aalala rin sa kalagayan nitong si Ches hindi naman kasi kami sana'y na makita siyang umiiyak, masayahin kasi siyang tao.

"Kasi naman sabi niya ako lang daw ang mahal niya, na ako lang ang tangi at nag-iisa sa buhay niya. Tapos ako naman yung bakla paniwalang-paniwala huhuhu" Ches explained, his tears continue to trail down out of his very wet eyes.

"Hindi ka na nasanay Ches. You know naman ang mga lalaki lahat ng magaganda at mabubulaklak na salita sasabihin nila para lang makuha ang kanilang hinahangad. Kumbaga mas mabulaklak ang bibig ng lalaki kaysa sa isang malaking flower shop." paliwanag ni Ayesha sa humihikbing si Ches.

At sa sinabing iyon ni Ayesha ay medyo natigil sa pag-iyak si Ches at napangiti pa ito ng kaunti.

"Pagnakita ko talaga ang lalaking yan kokonyatan at pepektosan ko ang betlog niya." giit naman ni Paine, masyado na naman siyang marahas. "Ang haba kaya nang hair mo Ches kaya hindi mahirap maghanap ng panibagong iibig sayo." dagdag pa ni Paine lahat kami gumawa ng paraan para mapagaan ang loob ng broken hearted naming kaibigan.

"Tama nga naman kayo 'no, sa haba ba naman ng hair kong mala-Rafunzel ewan ko na lang kung walang matitisod na lalaki papunta sa akin." sabi ni Ches at bigla siyang tumayo sabay pose ng pang Miss. Universe at rumampa pa siya paikot sa kwarto ko.

Nagulat na lang ako sa ginawa niya kanina ang lungkot-lungkot tapos ngayon kung makarampa wagas akala mo nakaheels, nakatingkayad pa kasi siya habang rumarampa.

"Sa dami nang lalaking nakipagbreak sakanya madali na lang siyang makakamove-on kaya Shien huwag ka na magtaka." bulong sa akin ni Ayesha, mukhang nahalata niya ang pagkagulat na bumalot sa aking mukha.

Tumigil si Ches pagkatapos niyang rumampa, nakatayo pa rin at meron pa siyang bitbit na remote ginamit niya ito para magsilbing kanyang microphone. Inilapit ni Ches ang remote sa kanyang mga labi at nagsalita na parang nag-iintroduce ng kanyang sarili sa isang beauty pageant.

"Good Evening Ladies, Gays, Lesbians and Gentlemen. All the way from the land of the sun, sea and moon, San Simon, By the way name is Chessie Mendiola at naniniwala po ako sa kasabihang, hindi lahat ng CR may tao, minsan may tae. At naniniwala rin po ako na KUNG ANG ANAK NIYO AY MAY HIKA PAINOMIN NG KUMUKULONG MANTIKA, TANGGAL ANG HIKA PATAY ANG BATA." pinipigil lang muna namin ang tumawa habang nagsasalita si Ches.

" Kayong mga tomboy may pacondom-condom pa kayo sa wallet daliri naman ang ginagamit, nakasuot pa ng couple shirt He's my king, she's my queen pareho namang nakanapkin. At naniniwala rin po ako na kamukha ni Sophia si Piccolo and I Thank You!" wika ni Ches sabay ngiti at hampas ng balakang.

Kami namang magkakaibigan at si Anne ay hindi na mapigilan ang tumawa, ito naman kasing si Ches kung anu-ano ang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Si Anne nakahawak pa sa kanyang tiyan habang humahalak at sumisipa-sipa pa siya dahil sa mga salitang namutawi sa bibig ng aming kaibigan.

This is what I am saying na madalang naming makita si Ches na malungkot at nakasimangot because he's jolly what I mean she's jolly.

"Wow buti pa si Ayesha blackberry ang cellphone pero ang kili-kili berry black." sambit ulit ni Ches sabay taas ng kamay ni Ayesha para mailantad yung kili-kili nito, subalit nagbibiro lang naman si Ches.

"Tigilan mo nga ako, bingasan kita diyan eh'" pagalit na sabi ni Ayesha.

"Pwede ba kunyare pageant-pageant na lang tayo, ako ang gagawa ng mga isusuot niyo tapos kayo naman ang rarampadora." Chester said then he wrapped Anne using the carnation pink curtains, tinanggal niya yung kurtina ng bintana namin.

Si Ayesha naman hinatak ako papunta sa kabilang kwarto, mag-uusap daw kaming dalawa. Iniwan namin sina Ches do'n sa aking silid upang ipagpatuloy ang kanilang kasiyahan. Napuno ng malulutong tawa at masiglang halakhak ang aking kwarto because I heard their tremendous loud laugh even Ayesha and I were at the next room.

Ayesha ask me kung ayos lang ba daw ako sa aking mga pinag-gagagawa namukhaan niya kasi si Curfiel, yung sinipa niya noon. Sabi ko naman sakanya ayos lang ako pero sobra daw siyang nag-aalala para sa kaligtasan ko, ayaw niya daw maulit yung nangyari sa akin na nawala raw ako sa paningin at sa tabi niya. Masyado akong nahiwagaan sa mga katagang ibinitawan ni Ayesha sa pagkakataong iyon.

Tapos sasama daw siya sa akin bukas kahit saan ako magpunta. She wanted to know what I am doing together with Curfiel. Hindi ko naman kasi siya masisisi kung ganoon ang naging reaksyon niya. Si Curfiel kasi yung kumuha sakin noong na-flat yung tires ng kotse ni Ayesha nang papunta kami sa party ni Paine.

"Basta Shien, sasama ako sayo bukas. Gusto makita kung ano ang pinapagawa niya sa'yo." wika ni Ayesha habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Sure, Ayesha." at ngumiti ako sakanya.

Pumayag naman ako na sumama siya sa akin bukas para ipaalam sa kanya na walang mangyayari sa'king masama. Pagkatapos nong pag-uusap namin ay bumalik na kami ni Ayesha sa kwarto ko para makisali na rin sa kasayahang nagaganap.

"Oh' andito na pala kayo. Saan kayo napunta? bigla na lang kayong nawawalang dalawa." bungad samin ni Ches noong makapasok na kami ni Ayesha sa kwarto.

"Wala nag-usap lang naman kami ni Shien. Ang iingay niyo kasi eh' hindi kami magkarinigan." sagot ni Ayesha "Sasali na rin kami ni Shien." sabay kuha ng kumot at ibinalabal ito sa kanyang leeg na parang scarf.

Mukhang mas magiging magulo ang kwarto ko ngayon dahil sa lahat ng telang pwedeng gamitin ay kinuha at ginamit namin. Ang gabing iyon ay napuno ng malulutong na tawa at kasiyahan. Parang dinanaan ng 451246534520 bagyo ang kwarto ko sapagkat masyado na itong magulo.

Natuto kami ng bagong word, ay hindi lang pala basta word- it is the longest word in the English dictionary...

PNEUMONOULTRAMICROSCOPICSILICOVOLCANOCONIOSIS. Si Ches memorize yan kami hindi. (kayo kaya mamememorize niyo ba yan? sige nga.. try niyo.)

*************

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now