Nang nailapit ko na ang aking tainga sa pinto ay biglang bumukas ang pinto kaya nama'y agad akong napatago sa likod ng posteng katabi lang ng ikatlong pinto.

Iniluwa nito ang tatlong lalaki at sigurado akong ang nasa gitna na nagmistulang higante sa paningin ko ay si Papa. 

Ang nasa unahan nama'y hindi ko na masyadong naaaninag dahil kausap nito ang aking Ama. Ngunit ang mas higit na nagbigay ng kaguluhan at kalituhan sa aking isip ay ang ikatlong lalaki na kitang-kita ko ang pagmumukha nito. 

"Bakit siya nandito?" bulong ko sa sarili.

"We will come back here on Wednesday for your proposal."

Bahagyang inilahad ng taong natuklasan ko ang kamay nito sa aking Papa.

"It is nice to meet you again." sambit nito.

Ngumiti naman si Papa bilang ganti rito.

Maya-maya'y bumukas ang pinto at iniluwa rito si Pia na may dalang damit ng isang babae.

Lumingon naman si Papa kay Pia.

"Is she fine now?" pambungad nito sa babae.

"Yes Sir, but she's still dumbfounded." malumanay na sagot ng babae na tila ba kalkulado na ang lahat.

Tumango na lamang si Papa at niyaya na silang pumasok sa elevator. 

"Pia, did you lock the door properly?" hirit pa ni papa bago pumasok.

"Yes Sire, I am sure about that." tugon ni Pia at tuluyan ng pumasok 

Agad akong lumabas mula sa pinagtataguan at palipat-lipat ang tingin sa elevator at sa pintong iyon.

Bakit nandito siya? How come he was here? I can't believe it. Oo, kahit kakaiba ang tingin ko sa kanya but he became more suspicious to me.

At isa pa, bakit may damit ng babae? Sino iyon? Sino iyon? Bakit ganito? And what was my father's business after all?

Napasapo na lamang ako sa noo at tumingin sa pintuang iyon. I tried to open it but it has a password.

Hmmm.

May isang malapad na screen at may mga numerong nakascramble which is limang numero ang kailangang mabuo. Hindi kaya ang password ay yung limang numero? 91614. 

I typed it pero biglang tumunog ang screen, it means mali ang itinype ko.

Ring*

Kinuha ko ang phone sa bulsa. Si Kuya. 

From Kuya Ki:

Mag-impake ka na agad. Ngayon ang biyahe natin papunta sa hotel. It will take 3 hours at alam mo namang 10 am ang flight natin bukas. 

I sigh.

Mukhang maaalintana ang plano kong madiskubre ang laman ng office niya. Well, I promise babalik ako rito. I swear!

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas basta ginamit ko lang na password ang limang numerong yun. Hindi ko nga maintindihan kung anong kinalaman ng mga numerong iyon sa puzzle na nakita ko at may ganoong pareho na numero. Kaya heto ako ngayon sa kwarto nag-iimpake na. I looked at my watch, 8 pm na pala at di ko namalayan ang oras. 

"Miss Selene, Sir Ki and Sir David were waiting on you in the garden."

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon sa aking katawan at agad na lumapit sa pinto at pinagbuksan si Pia. I stare on her emotionless expression.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now